Chapter Two

1727 Words
HARPER EVANS   NAKASIMANGOT na naglalakad ako paano ba naman sobrang sakit na ng binti ko dahil kanina pa kami naglalakad ni Aerin samantalang siya hindi man lang nakakaramdam ng pagod. "Aerin pwede bang magpahinga muna tayo kahit sandali lang? sobrang sakit na ng binti ko magkakapaltos na yata ako" reklamo ko sa kanya tumigil na ako sa paglalakad naramdaman naman niya ito kaya tumigil siya at lumingon sa akin.   "Weak dalawang oras pa lang tayo naglalakad nagrereklamo kana" masungit na sabi nito nag crossed arms pa siya hindi pa nakontento tinaasan pa ako ng kilay Aba't siya pa ang may ganang mag sungit samantalang ako ang napagod sa aming dalawa nakalimutan na ba niyang isa lang akong mortal na mahina ang stamina kaysa sa kanya na isang immortal.   "Nakalimutan mo na bang tao ako? Isang mortal na madaling mapagod kaysa sa inyong engkanto" pabalang kong sagot natahimik naman ito na parang napahiya dahil nakalimutan niya ang tungkol sa pinanggalingan ko. "Galing akong earth diba?" mataray kong sabi pero wrong move dahil nakita ko kung paano mamutla ang mukha ni Aerin sa galit na nararamdaman nito. Baka gawin niya akong pang sinigang na bangus yung pira-pirasuhin ang katawan gaya ng pananakot niya kanina.   "Hindi mo ba ititikom ang bibig mo mortal? Gusto mo bang tanggalan kita ng ulo?" pagbabanta nito itinutok niya ang espada sa harapan ko mabilis na umiling ako "Gusto kong manahimik kung kailangan mapanis ang laway mo gawin mo at isa pa malapit na tayo"dagdag niya sabay baba ng espada bigla na lang yun nawala sa kamay niya.   Sana all may magic katulad ng ex ko na biglang naglaho.   Teka nga! Malapit na daw? nagbibiro ba siya puro gubat lang ang nakikita ko kahit nga bahay walang nakatayo tapos sasabihin niya malapit na? para ngang paikot-ikot lang kami hindi kaya naliligaw kaming dalawa?.   "Anong ginagawa mo? Bakit hinuhubad mo ang damit mo?" gulat na tanong niya na napaiwas ng tingin sa katawan ko. "Hindi ba tayo naliligaw? sa mundo namin ang paniniwala nila pag naligaw ka dapat mong baligtarin ang damit mo" sagot ko naman sa kanya nailing naman siya na para bang sinasabi na ang tanga ko naniniwala sa ganon pamahiin.   "Wag mo nang ituloy yan harper dahil hindi tayo naliligaw" seryoso pa din siya habang sinasabi yun parehas na parehas kaming dalawa na hindi mahilig ngumiti kaso malamang hindi kami magkakasundo. "Mabuti pa ituloy na natin ang paglalakad para hindi tayo gabihin" aniya hinila ko naman ang dulo ng damit niya napatigil siya kunot noong tumingin sa akin.   "Pwedeng kumain muna tayo? Nagugutom na talaga ako hindi kasi ako nakapag breakfast bago nagbiyahe kanina" pakiusap ko sa kanya dahil nga sa sobrang inaantok ako kaya natulog ako sa bus hindi na ako nakakain ng almusal o kaya naman kahit biscuit sa bus balak ko kasing bumawi sa lunch.   She lets out a deep sigh at umupo sa damuhan pinagpag niya ang bandang kanan niya para iparating sa akin na umupo sa tabi niya na agad ko namang sinunod may inilabas itong parang eco bag at nag chant ito ng spell nagulat na lang ako ng may inilabas siyang mga pagkain na hindi ako pamilyar kung ano ang mga iyon marahil ganyan ang pagkain sa mundong ito.   Gusto ko ng pizza, carbonara, fried chicken, meat balls at ice cream.   "Aerin pwedeng mag request? Pwedeng pizza at carbonara?" nakangiting sabi ko sabay labas ng nakakamatay na dimple ko kumunot naman ang noo niya wala bang epekto sa kanya ang killer smile at dimple ko? "Hindi ko alam ang pagkain na sinasabi mo" aniya habang nagsasalin ng tubig paano nagkaroon ng tumbler? Kakaiba ang eco bag nitong si Aerin daig pa ata ang bulsa ni Doraemon at bag ni dora. Ito lang pala ang sagot pag nagugutom ka mahingi ko nga sa kanya to atleast makakatipid pa ako.   "Aray" daing ko na nagpatigil ng pag d-daydream ko sinamaan ko naman ng tingin si Aerin dahil binatukan lang naman niya ako may pagka sadista ang isang to kawawa naman ang magiging nobyo niya. "Nakakarami kana porket may powers ka lang magagawa mo na ang gusto mo" naiinis na saad ko pinaka ayoko kasi ang binabatukan ako o kaya naman ginugulo ang buhok ko madali akong mairita.   Hindi naman niya ako pinansin nagsimula na itong sumubo kung hindi lang ako nagugutom titiisin kong hindi kumain na kasama siya padabog na sumubo ako ng mga pagkain na hindi pamilyar sa akin.   "Ang takaw mo pala saan mo kaya nilalagay yang kinakain mo?" puna nito habang titig na titig sa mukha ko ano bang meron ganyan siya makatingin sa akin nakakaramdam tuloy ako ng pagkailang.   Lumapit ako sa kanya sabay bulong "May alaga kasi akong sawa sa tiyan ko" nanlaki naman ang mga mata nito halatang nagulat gusto ko tuloy matawa sa reaction ng mukha niya pero kinagat ko lang ang pangibabang labi ko "Totoo ba ang sinasabi mo nilalang? may sawa ka sa tiyan mo? Papaano? Lumunok ka ng sawa?" sunod sunod nitong tanong na ikinatawa ko hindi ko na talaga kayang pigilan napakunot naman ang noo niya pero nagdilim ang mukha nito siguro iniisip niya na binibiro ko lang siya.  "Hindi ko akalain maiisahan ako ng isang tulad mo" naiinis na sabi nito na ang sama na ng timpla nang mukha niya binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti pero agad ding nawala dahil nakaramdam ako ng nakakatakot na aura.   "Biro lang naman hind ko na uulitin wag ka nang magalit" alanganing sambit ko napabuntong hininga nalang ito pinapagpatuloy na nito kumain ganoon din ako katahimikan ang bumalot walang gustong magsalita. "Pupunta tayo mamaya sa yama may falls doon pwede tayong maligo hindi pwede ang ganyang damit sa mundong ito at maiisipan nilang hindi ka taga dito"   "Paano pag may nakaalam na isa akong mortal ano ang gagawin nila?"   "Gagawin ka nilang alipin hanggang sa mamatay ka" walang gatol na sabi nito napalunok naman ako nakaramdam din ng panganib sa buhay ko. Nai-imagine ko pa lang na magiging alipin nila naiiyak na ako hindi ko nga naranasan maglinis o kaya maglaba dahil nga lumaki akong may katulong at prinsesa ang turing sa akin. Pagkatapos naming kumain nagpahinga kami ng sampung minuto bago pinagpatuloy ang paglalakad para pumunta sa falls na sinasabi niya.   "We're here" seryosong sabi niya napatingin naman ako sa paligid napanganga ako dahil totoo ang nasa isip ko napakaganda nga parang paraiso ang tahimik pa ng lugar tanging huni ng ibon at hampas ng tubig ang maririnig mo.   "Aerin ang ga—- teka bakit naghuhubad ka?" gulat kong sambit dahil isa isa niyang tinatanggal ang kasuotan niya namutla naman ako — sabagay wala namang masama dahil pareho kaming babae at malamang maliligo kami.   "Stupid" aniya habang nakatayo na proud sa kaniyang makinis na katawan pantay ang kaputian nito akala mo nga artisra agad siyang pumunta sa falls nakapikit lang ito na waring ninamnam ang pagligo sana ganyan na lang siya tahimik hindi parang dragon na anytime bubuga ng apoy.   Ang lusog naman ng hinaharap niya napatingin naman ako sa akin na sakto lang parang mansanas kalaki — sabagay mas okay na ang ganito dahil pag sa takbuhan hindi ko na kailangan hawakan dahil umaalog naputol ang pagiisip ko nang may malakas na boses akong narinig.   "Harper hindi ka ba maliligo o gusto mong ako pa ang kumaladkad sayo dito tama na ang pag d-daydream mo nakakairita na" galit na bulyaw nito na ang sama ng tingin sa akin kaya naman agad akong napakislot wala akong choice kundi hubarin ang damit ko nakakahiya lang dahil makikita niya ang buong katawan ko. Hubad akong naglakad papunta sa kanya nakita ko naman ang pag iwas niya ng tingin namumula pa ang pisngi nito at may binubulong bulong meron atang saltik itong si Aerin.   "M-mauuna na ako wag kang aalis dito babalik din ako" sabi niya agad na tumayo hindi man lang kami nakapag usap ano naman ang problema ng isang yun? samantalang siya ang nagmamadali na maligo kami. Weird nagkibit balikat na lang ako habang tinutuloy maligo inabot muna nito ang shampoo at sabon bago umalis.   "So you're still thinking of me Just like I know you should I can not give you everything" pakanta kanta naman ako habang nagpupunas napatingin naman ako sa damit na susuotin ko galing siguro ito sa magic bag niya hihingiin ko talaga sa kanya yun pag babalik na ako sa earth daig pa niya ang bulsa ni doraemon hindi ko na kailangan mag shopee o kaya lazada.   "Teka! Ang pangit naman nitong damit na gusto niyang isuot ko pang manang ito ang daya samantalang sa kanya pang diyosa. Nasaan ang hustisya" bulong ko pero wala naman akong ibang pagpipiliin labag sa loob na sinuot ko na lang tinignan ko naman ang magic bag ni Aerinnakaramdam ulit ako ng gutom kung hilingin ko kaya ang pizza at carbonara?   Ganoon na nga ang ginawa ko pumikit muna ako at inilagay na ang kamay sa loob ng bag may naramdaman akong bagay doon at paglabas ko napangiti ako dahil carbonara at pizza nga.   "Kailangan ang pala isipin ko hihingiin ko talaga sa kanya to" bulong ko habang kumakain napahinto ako nang may naramdaman akong kaluskos yung pintig ng puso ko ang bilis.   Aerin where the hell are you?   Bigla na lang may sumakal sa akin at tinaas ako sa ere ng isang babae nakaitim na kasuotan maganda siya pero mukhang matapang "Bi-bitawan mo ako hindi ako ma-makahinga" nahihirapang sabi ko at pilit pumipiglas pero ngumisi lang siya ang mata niya naging kulay pula. Hindi ko akalain na may magiging laruan ako sa paglalakbay ko" sabi niya at tska niya ako hinagis at tumama ang likod ko sa puno.   Fuck! Ang sakit mukhang nabalian ako ng buto nasaan kana ba aerin bakit kasi iniwan mo akong mag isa dito. Dahan dahan siyang lumapit sa akin ako naman tinignan lang siya hindi ako papayag na patayin mong hindi lumalaban ano ako hayop? Isang magandang diyosa lang naman ako.   Tumakbo ako at dinamba siya kaya napadagan ako sa ibabaw niya at sa hindi inaasahang pangyayari ang labi namin ngayon ay magkalapat. Nanlaki ang mga mata ko ang lips ko hindi na virgin nakita ko din na nagulat siya bigla akong napatayo ng tuwid.   "Wala na wala na ang first kiss ko kinuha mo" mangiyak ngiyak kong sabi dahil inirereserba ko yun sa taong mamahalin ko pero ngayon wala na kinuha na ng hampaslupa na to.   Ngumisi naman siya sa akin at dinilaan pa ang labi niya "Best kissed ever" sabi niya at dahan dahan lumapit sa akin at ako naman natatakot na lumalayo hanggang sa nahuli niya ako at pinasadahan ng daliri ang mukha ko "YOU'RE MINE" sabi niya at hinalikan ulit ako bago siya nawala na parang bula.   MOMMYYYY YUNG FIRST KISS KO WALA NA KINUHA NA ANG NAKAKAIYAK LANG SA BABAE PA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD