HARPER EVANS
TULALA ganyan ako ngayon habang nakaupo sa couch iniisip ko kasi yung babaeng naka cloak na itim kung bakit nandito siya sa academy akala ko ba mahigpit ang seguridad dito paano siya nakapasok kung ganon? sumasakit talaga ang ulo ko kakaisip.
Hindi kasi ako pwedeng magkamali siya talaga yun o baka namamalikmata lang ako? Naiinis pa din ako naalala ko na naman ang pagkawala ng first kiss ko na sana ilalaan ko sa taong mamahalin ko.
"Hey" napakislot ako nang biglang may nagsalita at humawak sa balikat ko kaya napatili ako na siya namang ikinatawa ni Aerin hawak pa nito ang tiyan niyang tuwang tuwa sa nakita napaismid naman ako.
Teka nga si simang tumatawa ngayon kaya napatitig ako sa kanya bigla naman sumeryoso ang mukha niya at tumikhim.
"What?" Balik na naman siya sa pagiging masungit niya pero bakit ganoon hindi siya nagkakaroon ng wrinkles? ano kaya ang beauty secret nila kailangan kong malaman. "Tumawa ka"biglang bigkas ko kumibot naman ang labi niya nakatulala lang ako sa kanya nagagandahan kasi ako lalo sa kanya kapag ngumingiti siya o kaya pag tumatawa "Bakit wala na ba akong karapatan tumawa?" pabalang na sagot niya pero agad napalitan ngumisi dahil kumalam ang tiyan ko nagpapatunay na gutom na ako inirapan ko naman siya.
"Turtle gutom na ang alaga mong sawa kailangan na niyang kumain" mapang asar na usal ni Aerin sasagot sana ako ng biglang kumalam ulit kaya pumunta ako ng kusina uminom ng gatas "Pwede ba wag mo akong tawaging turtle dahil may pangalan ako" ganting sagot ko na malapit ng maasar dahil nakangisi siya ang galing niyang mangasar pero pag sa kanya ginawa pikon siya.
"Ayaw mo ba ng turtle? bagay naman sayo dahil slow ka" hindi talaga siya titigil kakaasar sa akin kung halikan ko kaya siya para tumigil? pero wag na baka magalit siya nakakainis na aerin mas guto ko pang tahimik siya kesa ganito.
Narinig ko naman ang bangayan nila Jasmine at Celine na nagaagawan ng juice parang mga bata talaga konti na lang iisipin ko na bagay sila. "Tama na yan" awat ko sa kanila pumagitna nalang ako nang biglang tumapon sa akin ang juice "Kasalan mo jasmine natapunan tuloy ng juice si babe" paninisi ni celine sa kanya "Anong ako? Ikaw kaya nanahimik akong umiinom bigla mo na lang gustong kunin sa akin ang juice ko" sagot naman ni jaz "Ayaw mo kasing magpatikim eh" sagot niya
Tinaas ko ang t-shirt ko at sinimulan ko ng punasan ang juice na natapon sa akin "Hays ang lagkit ko na tuloy" bulong ko napalingon naman ako sa tatlo na nakatitig lang sa akin.
Ano ako TV lang? kung makatitig sa akin parang wala ng bukas
"Woah abs" rinig kong sabi ni celine at dinilaan pa niya ang labi niya
"Look at her biceps girls" sabi naman ni jaz na buong paghanga nakatingin sa katawan ko
Si simang naman nakatingin lang sa akin "Wow babe you're so hot" teka boses ni kate yun ah paglingon ko sa likod ko nandoon siya kasama ang dalawa niyang alalay na napako ang tingin sa katawan ko.
Parehas naman kaming mga babae ah bakit parang big deal makita nila ang katawan ko?
"Anong ginagawa mo dito sa dorm namin" mataray na sabi ni celine nakapameywang pa
"Dinadalaw si harper" walang ganang sagot ni kate lalapitan sana niya ako pero humarang si celine.
"Bakit may sakit ba siya para dalawin" sagot niya nagsukatan naman sila ng tingin
Akmang isusuot ko na ang extra kong shirt ng biglang hawakan ni jaz ang kamay ko "Pwedeng mamaya mo na lang isuot yan?" sabi niya.
"Oo nga mamaya na lang sarap kasi tignan" singit naman ni celine na para bang balak akong tikman kailan pa naging masarap tignan ang katawan ko? Ang weird talaga ng mga nakatira dito.
"Tama silang dalawa sa ngayon" usal naman ni kate habang nakatitig sa akin mabuti na lang nagkasundo na sila mahirap kasi yung may kaaway ka. Bigla namang tumikhim si Aerin sa likuran ko kaya napatigil sila "Tama na yan, umakyat kana sa kwarto mo at magbihis kana baka manigas pa ang tatlong to" saad ni Aerin napakamot naman ako sa batok at tumango kailangan ko munang maligo.
"Sus akala mo naman hindi siya nag enjoy sa view" sabat naman ni celine na umangat ang gilid ng labi nito napansin ko ang pamumula ng mukha ni Aerin.
Hindi ko sila gets?? Nagiging Slow na ba ako?
Kaming dalawa lang ang magkasama ni Jasmine dito sa garden na tanging royal blood lang ang pwedeng pumunta napangiti ako nang makita ko ang nakakatakam na pagkain sa table. "Subukan mo itong tikman" sabay lagay ni jasmine sa harapan ko ang ice cream hindi na ako nagdalawang isip na tikman yun totoo nga masarap talaga.
Namiss ko bigla si Celine at Aerin lagi ko kasi silang kasabay pero ngayon wala ang dalawa dahil si Celine may ballet class kasi siya at si Aerin naman tinawag ni headmistress para sa mission na gagawin niya.
"Saglit lang" natigilan ako sa pagkain ng pasta nang magsalita si Jaz nilapit niya ang mukha sa akin balak niya ba akong halikan? "May sauce ka" bulong niya sabay dila sa gilid ng labi ko naginit naman ang pisngi ko naiilang tuloy ako bakit parang nang aakit siya?
Paglabas namin ng garden narinig namin na parang may nagtatalo kaya napatingin kaming dalawa ni Jasmine.
"Nagsisisi ako nang lubusan sana bigyan mo ako ng huling pagkakataon para iparamdam ko sayo kung gaano kita mahal. Ayokong mawala ka kaya pinagdadamot kita Aerin hindi ko alam na sa paraan ng pagmamahal ko nasasakal kana pala" umiiyak na saad nang babae pero ang labis na nakakuha ng atensiyon ko ang pangalan na sinabi niya Aerin? ang aerin ba na kakilala ko ang tinutukoy niya?
"Kyla tigilan mo na ang paghahabol sa akin dahil hindi ako babalik sayo bigyan mo naman ng respeto ang sarili mo" napatingin ako kay jasmine dahil boses nga ni Aerin yun nagulat kami nang biglang bumukas ang pintuan pati din si Aerin ganon ang reaction pero tuloy tulog lang itong naglakad palayo sa amin halatang wala sa mood.
"Bumalik na pala ang b***h na ex ni Aerin" bulong ni jasmine bakit ganoon na lang ang galit ni Jaz? base naman sa narinig ko minahal lang ng sobra ni girl si Aerin kaya naging possessive ito kaya nasakal ang isa.
"Hindi lang dahil nasasakal si Aerin kaya nakipag hiwalay siya kay kyla" saad niya habang nilalagyan ng gatas ang tumbler nito samantalang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kwento niya "Nahuli niya itong may ibang babae si kyla na matalik pang kaibigan ni Aerin kaya sobrang nasaktan ang kaibigan namin kaya mula noon naging cold na siya at bihira lang ngumiti" habang sinasabi ni Jaz yun ramdam ko ang lungkot sa boses niya kahit ako parang may sumasaksak sa puso ko na parang ako ang nasasaktan para kay Aerin.
"Aerin..Aerin.. Come back he— oh ikaw pala yan Jaz" usal ng ex girlfriend ni Aerin napadako ang tingin niya sa akin "Ikaw ba si Harper?" tanong nito na biglang lumamig ang boses bakit kilala niya ako? ganon ba ako ka famous sa academy nato.
"Ako nga" sagot ko ng biglang may dumapo sa pisngi ko sinampal lang naman niya ako napasinghap naman si Jasmine "Ikaw ang babaeng kinakahumalingan ni Aerin kaya ayaw niyang bumalik sa akin" sigaw nito sa pagmumukha ko namumula ang mga mata niyang nakatingin sa akin akmang sasampalin niya ako ulit nang hawakan ni jasmine ang kamay niya para pigilan ito.
"Don't you dare lay your hands on her or it will be your last" makamandag na usal ni Jasmine na ikinagulat niya.
Did i get myself on trouble?