Chapter Seven

1706 Words
HARPER EVANS   NAPABUNTONG HININGA ako habang naliligo sa totoo lang napaparanoid na ako dahil imagine porket may kapangyarihan siya basta na lang siya pupunta sa banyo para lang manyakin ako. Ganito ba ang mga babae sa mundong ito magaling magnakaw ng halik? Umiling na lang ako at binilisan ko na lang ang pagligo ko baka magalit na naman si simang at sigaw sigawan na naman ako. Gusto ko na talagang umuwi sa mundo ko. Nagulat ako nang may uniform sa kama ko yun ang isusuot ko mamaya sa pagpasok.   "Harper hindi ka pa ba tapos diyan?" sigaw ni Aerin sa labas ng pintuan ko halatang iritang irita na ito hindi man lang ako bigyan ng ilang minuto. "Saglit lang malapit na akong matapos" ganting sigaw ko naman sa kanya nagmamadali akong tapusin ang morning ritual ko dapat maging maganda mahirap na magmukha akong alalay pag tumabi sa kanila. "Ang bagal mo talaga, para kang pagong" naiinis na siya napaikot na lang ang mata ko narinig ko ang yabag niya na papalayo. Limang minuto natapos ko na ang morning ritual ko nakangiting lumabas ako ng kwarto ko naamoy ko ang mabangong almusal kaya nakaramdam ako ng gutom mapapalaban ako mamaya.   Nadatnan ko naman sa ibaba ng hagdan si Aerin habang busy sa binabasa niya nakakunot pa ang noo nito "Sorry simang natagalan ako" saad ko nang makalapit na sa kanya napakunot naman ang makinis niyang noo "Simang?" nagtatakang tanong niya sa akin bigla na lang naglaho sa kamay niya ang papel na binabasa niya.   I'm dead! Hindi niya pwede malaman ang ibig sabihin non baka parusahan niya ako ng halik   "Tinatanong kita harper anong ibig sabihin non? Is that a bad word?" pangungulit niya hindi talaga siya titigil hanggat hindi ko nasasagot ang tanong niya napaatras naman ako ng unting-unti siyang lumalapit sa akin.   "Ha? Ano eh! Yung Simang ibig sabihin 'Si maganda' oo tama nga si maganda, tinawag kita non kasi totoo naman maganda ka" sagot ko habang nakangiti hindi ako nagpapakita ng kaba para kapani-paniwala ang sinasabi ko.   Saglit na natahimik siya na parang inaaral ang sinabi ko kanina unting unti naman namumula amg mukha nito na parang kamatis sabay iwas ng tingin tumikhim muna ito "Tara na kanina pa tayo hinihintay sa dining room" yaya nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin tahimik naman na sinundan ko lang siya. "Hi baby, kumusta ang tulog mo?" bungad ni Celine nang makita ako naglalagay ito ng plato sa lamesa grabe ang daming pagkain akala mo may catering "Nagustuhan mo ba? Luto naman ni Jasmine lahat ng yan" muling saad nito napatingin naman ako kay Aerin na tahimik lang na nanakupo lumapit naman sa akin si Jasmine at pinaghila ako ng upuan siya na din ang nqgsandok ng pagkain ko.   Anong nangyayari?Prinsesa pa ang nagsisilbi sa akin? Joke ba to?   Nahihiyang nagpasalamat ako kay Jasmine sa totoo lang naiilang ako tumingin naman ako kay Celine "Okay lang medyo bitin nahihirapan kasi akong matulong pag hindi ko katabi si Rae rae ko" sagot ko sa kanya si Rae Rae ang unan ko na regalo pa ni mommy mula maliit pa ako.   "Rae rae? Sino naman yun?" seryosong tanong ni Celine na nawala na ang ngiti nito hindi lang pala siya pati na din si Jasmine at Aerin bakit parang nasa hotseat ako ngayon.   "Si raerae siya yung stuffed toy ko na laging katabi ko pag wala siya hirap ako makatulog" sagot ko narinig ko naman ang pagkawala nila ng buntong hininga na parang lumuwag ang dibdib lumiwanag na din ang mukha nila "Sanay ka palang katabi siya" ani celine tumango naman ako at sumubo ng ulam.   Napansin ko naman na parang may magandang naiisip si celine sabay tingin sa akin "Gusto mo tabi nalang tayo? malay mo makatulog ka ng mahimbing" alok niya habang nakahawak sa kamay ko napangiwi ako nang biglang may sumipa ng paa ko sa ilalim ng lamesa napatingin naman ako kay Aerin tinapunan ko siya ng masamang tingin samantalang siya poker face lang.   "So harper?" napatingin ako kay celine hinihintay nito ang isasagot ko nagulat naman ako nang biglang ibagsak ni Jasmine ang baso niya lumingon sa aming dalawa "Wag kang papayag harper malikot matulog yang si Celine mas lalo kang hindi makakatulog pag tinabihan ka niya" saad niya tingnan naman siya ng masama ni celine nagsukatan lang silang dalawa walang gustong magpatalo.   "Ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo Jasmine sinisiraan mo pa ako kay harper" naiinis na sabi ni Celine sabay lingon sa akin "Wag kang maniwala kay Jaz hindi totoong malikot ako matulog"   "Tama na yang sagutan niyo hindi makakain ng maayos si harper" awat ni Aerin natahimik naman ang dalawa lihim naman akong nagpapasalamat kay simang dahil himala naging concern muna ito sa akin. "Sorry harper" paghingi nila ng paumanhin dalawa ngumiti naman ako sa kanila pero si Celine nagsalita ulit "Basta pagisipan mo ang sinabi ko sayo harper" nakangiti ito at masayang sumubo ng pagkain tumango naman ako. Pagkatapos ng almusal namin nauna ng umalis si Aerin dahil may paguusapan pa daw sila ng headmistress kaya naman sila Jasmine at Celine ang kasama kong pumasok sa school habang naglalakad kami panay naman ang sulyap sa akin ng mga estudyante napansin ko ang iba sa kanila ang sama ng tingin sa akin.   Napansin ko na wala akong makitang lalaki sa academy na to hindi kaya All-girls-school ba to?   "May tanong ako bakit wala akong makitang lalaki dito? hindi man lang makapag boy hunting" tanong ko kay Jasmine habang naglalakad kami napansin kong ang sama ng tingin ng dalawa sa akin may nasabi ba akong hindi maganda? "Dahil sa mundo namin walang lalaki dahul babae lamang ang nag i-exist" bored na sagot niya at napairap sa akin.   Ano daw? Hindi nag i-exist dito ang mga kalalakihan? Pero paano sila nagkaka anak? Paano dumadami ang lahi nila? sumasakit ang ulo ko ayoko ng mag isip.   Natawa naman si Celine siguro nababasa nito ang iniisip ko masyado kasi akong madaling basahin "Dito sa mundo namin hindi na namin kailangan ang lalaki para magka anak dahil ang mga gaya ko na galing sa royal family meron kaming c**k na gaya ng lalaki kaya nakakabuntis kami at ang mga ordinaryong nilalang dito kailangan pa ng basbas ng bathala namin para magkaroon sila ng c**k para makapag anak" mahabang lintiya nito sumang ayon namin si Jasmine "Kaya wala kaming problema pagdating doon"    Tahimik kaming pumasok sa classroom napaangat ang kilay ng iba ng makita akong kasama ang dalawang prinsesa "Dito ka sa tabi namin umupo" bulong ni Jasmine ang siyeste sa gitna nila ako kaya lalong umasim ang mukha ng mga classmate ko.   "Harper hindi ka namin masasamahan umuwi mamaya may fencing lesson pa kami ni Celine" sabi ni Jasmine habang nakikinig sa guro namin tungkol sa pagc-control ng kapangyarihan.   "Okay lang alam ko naman ang daan pauwi sa dorm" sagot ko naman sa kanya naramdmaan ko naman na may naglalaro sa kanan kamay ko si Celine yun samantalang si Jasmine naman nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.   Torture Habang naglalakad ako sa corridor biglang may humila sa akin nasilaw ako sa liwanag pagmulat ko nang mata nasa isang madilim na silid ako napalingon ako sa likod ko nang biglang may nagsalita "Ikaw pala ang tinutukoy nilang transferee na parang linta dumikit sa tatlong prinsesa at lalong lalo na kay Princess Aerin" galit ang boses nito na parang may tonong selos pero hindi ko na lang pinansin "anong angkan ka nagmula isa ka bang prinsesa o baka naman isang maralita na pinulot nila at dinamitan" nangiinsultong saad nito habang nanlilisik ang mga mata niya.   Teka lang ano ba yung sinabi sa akin ni Aerin pag may nagtanong sa pinagmulan ko. God! Nakalimutan ko na hindi ko tuloy alam ang isasagot ko.   "Sa tingin ko naman isang mahina ka lang na estudayante dito paano kaya kung patayin na lang kita? Walang makakaalam kahit sino" she said smirking napalunok naman ako dahil pakiramdam ko tototohanin niya ang sinabi niya at sa isang iglap lang may hawak na siyang knife na gawa sa isang crystal.   Seryoso siya?   Biglang may sumagi sa isip ko yung sinabi ni jasmine paano kaya kung gawin ko yun magiging epektib ba? Wala naman mawawala sa akin kung susubukan ko.   Bigla ko siya hinawakan sa beywang at nilapit ko ang mukha ko para halikan siya hindi siya gumagalaw halatang na shock sa ginawa ko unting unti ko ginagalaw ang labi ko napangisi ako sa isip ko ng tinugon niya yung halik ko at pinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko naramdaman ko na wala na ang knife sa kamay niya. So tama nga ang sabi ni jasmine na halik lang katapat? Edi mamaga tong labi ko kung yun ang gagawin ko?   Nagulat ako sa gusto niyang gawin ang ipasok ang dila niya sa bibig ko hindi ko namalayan na binuka ko yun at kusang tinanggap ang bawat halik niya.   She's a good kisser   Naramdaman ko ang mga kamay niya na naglilikot at ang isa pinasok na sa blouse ko don na ako bumalik sa wisyo at tinulak ko siya at iniwan ko siya na mukhang nabitin agad kong binuksan ang pintuan nagulat ako ng madatnan ko si jasmine na seryoso ang mukha napalingon ako sa likod ko wala na yung babaeng kahalikan ko.   "Jazzz" kinakabahang sambit ko nang pangalan niya seryoso lang ang mukha nito gaya nung una naming pagkikita "Did you kiss someone?" tanong niya habang nakatitig sa akin na parang tagos hanggang kaluluwa ko   "ha?" tanging nasambit ko dahil pakiramdam ko nahuli ako na may ginagawang masama "Goddamnit, sino humalik sayo at diyan ka pa dinala" nanggagalaiting bigkas niya tumaas na din ang tono ng boses nito.   anong humalik? hinalikan ko kamo   "Yung babaeng amber ang kulay ng buhok maganda at kulay gray ang mga mata siya yung nagdala sa akin dito may nilabas pa nga siyang crystal knife balak akong saktan mabuti nalang naisip ko yung sinabing halik ayun mukhang effective naman dahil hindi niya tinuloy ang balak niya" ganting sagot ko sa kanya pero bakit dumilim ang mukha niya? eh siya nga nagsabi non sa akin eh.   "Harper hindi ka ba talaga nagiisip talagang sineryoso mo ang sinabi ko at talagang ginawa mo yun kay Kate hindi mo lang alam kung gaano kakulit ang babaeng yun siya lang naman ang dakilang stalker ni Aerin at hindi mo alam ang kaya niyang gawin gamit ang kapangyarihan niya"   "Ano naman ang kaya niyang gawin bukod sa magpalabas ng crystal knife?" bagot na tanong ko habang nakatingin sa kanya na para bang nagkaroon siya ng malaking problema.   "Ipagdasal mo na lang na hindi magbago ang favorite  doll  niya" naguguluhan ako sa sinasabi niya.   bigla na lang ako nakaramdam ng kaba!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD