Chapter Five

1297 Words
HARPER EVANS   NAKANGANGA yan ang expression ng mukha ko ngayon dahil sa sobrang pagkamangha yung royalty room katumbas ng isang mansion at hindi lang basta mansion dahil puro ginto.   Kinalabit ko naman si Aerin "Yan ba talaga ang royalty dorm?" tanong ko sa kanya dahil baka pinagt-tripan lang ako. Baka maka isang kilo na ginto ako dito tapos ibebenta ko dito ako yayaman "Stupid saan pa pala kita dadalhin" masungit na sagot niya napanguso naman ako kahit kailan napaka sungit talaga nitong si Aerin huhulaan ko walang boyfriend ito.   Masungit ako pero may nakatalo na ng pwesto ko   "Stupid talaga, Saan pala tayo pupunta? malamang sa dorm namin alangan naman lokohin kita sinasayang ko lang ang oras ko kung ganon" lintiya niya na umiinit ulit ang ulo nito sa susunod nga hindi ko na siya tatanungin.    "Stupid ka ng stupid namumuro ka na" naiinis na sabi ko sabay crossed arms ngumisi naman ito at inilapit niya ang mukha sa akin sabay sabi. "Stupid ka naman talaga"   Minsan nga matuto na akong wag nang magtanong sa kanya maiinis ka lang eh Nakangising binuksan nito ang pintuan sinenyasan na niya ako na sundan siya sa loob kahit naiinis ako wala akong magawa dahil ako ang may kailangan sa kanya ang inis na nararamdaman ko nawala ng makita ko ang itsura sa loob ng dorm.   "Natulala ka na naman" aniya sabay tawa nanlaki ang mga mata ko napalingon sa kanya sumeryoso naman ang mukha niya "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.   "Tumawa ka" gulat na sambit ko tumaas lang ang isang kilay nito at umismid "Bakit wala ba akong karapatan tumawa" pabalang na sagot niya umiling naman ako.   "Mas okay kung nakangiti at tumatawa ka lalo ka kasing gumaganda" saad ko habang titig na titig sa kanya napansin ko naman na namumutla ang magkabilang pisngi niya.  "Namumula ka may sakit ka ba?" tanong ko hahawakan ko sana ang noo niya pero tinabig niya yun napasimangot naman ako kahit kailan talaga napaka taray ng babaeng to anyways maganda talaga ang dorm na ito uso talaga ang ginto kung may ganitong school sa earth may papa enrol talaga ako.   Namiss ko tuloy ang mga magulang ko lalo na si Mommy hazel na kahit busy sa negosyo namin hindi niya nakakalimutan na kamustahin ako ngayon nakaramdam ako ng pangamba dahil alam kong hinahanap na nila ako. "Bakit ganyan ang mukha mo?" napatingin naman ako sa babaeng nagtatanong nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga "Namiss ko lang ang parents ko at isa pa alam kong hinahanap na nila ako natatakot ako na baka atakehin si mommy sa puso pag nalaman nilang nawawala ako"   "Wag kang mag alala ako ang bahala doon" aniya habang tinatapik ang balikat ko may himig naman ng sensiridad yun naputol ang tinginan namin nang biglang sumigaw.   "Aerin? Girl ikaw ba yan? Namiss kita isang buwan ka namin hindi nakasama dahil sa mission mo" sigaw ng babae na ang lakas ng boses nito sumugod ito ng yakap kay Aerin nakalunok siguro ang babaeng ito ng megaphone naalala ko tuloy sa kanila si Lexandra ganyang ganyan din siya.   "Namiss din kita, kumusta naman kayo habang wala ako? Hindi ba kayo sumusuot sa gulo?" saad ni aerin habang tumitingin sa paligid " Mabuti naman hindi dinaanan ng bagyo itong dorm natin dahil pag nangyari yun papalinisin ko kayo ora mismo" muling saad niya ganoon ba siya ka strikto at parang batas ang salita nito.   Teka nga bakit itong babae nato hindi ipinagdadamot ang ngiti niya bakit sa akin lagi siyang nakasimangot o kaya naka singhal kulang na lang bugahan ako ng apoy. Unfair maganda din naman ako. Kumalas naman ng yakap ang babaeng megaphone nang makita ako nagtatanong ang mga mata nito "Sino naman ang babaeng kasama mo harper? Bakit hindi siya pamilyar sa akin?" tanong niya habang sinusuri ang katawan ko "In fairness maganda siya" dugtong nito habang nakangiti sa akin magiging bestfriend na kami mabuti pa siya na appreciate ang ganda ko hindi katulad ng kaibigan niya.   "Siya si harper na taga mortal world na napadpad sa mundo natin kailangan lang ilihim ang pinagmulan niya hanggang sa makabalik siya sa mundo niya" bored na sagot ni Aerin habang nakatingin sa akin napairap naman ako dahil pagdating sa akin ganyan ang reaction niya.   Ngumiti naman ng malapad ang kaibigan niya "Hi Harper ngayon lang ako nakakita ng tao napakaganda mo naman anyways, I'm Princess Celine Leman" nakangiting pagpapakilala niya sa aura pa lang niya magaan ang loob ko teka nga prinsesa siya? napasampal naman ako sa isip ko stupid ka talaga harper malamang prinsesa yan nasa royalty dorm ka nga diba.   "Nice to meet you too Princess Celine" ganting sagot ko inilabas ko ang killer smile at dimple ko na ikinapula ng magkabilang pisngi niya napapansin ko bakit ganyan sila ng kaibigan niyang si Aerin? Baka normal lang sa kanila mamula ang pisngi.   Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at pinisil ang magkabilang pisngi ko at hinalik-halikan "Ang cute mo naman harper pwede bang akin kana lang" nanggigigil na saad nito itinulad niya pa ako sa isang bagay na pag gusto niya aangkinin na lang.   "Celine" makamandag na singit ni Aerin na ang talim ng tingin nito sa kaibigan niya na parang may ipinapahiwatig.   "Opps sorry, may nag mamay-ari na pala sayo, sayang" saad nito na may nakakalokong ngiti habang nakikipagtitigan kay Aerin na halatang wala na sa mood sabagay ano pa bang bago doon lagi naman wala sa mood ang babaeng to.   Kung titignan mo sila parang naguusap sila gamit ang kanilang isip pero walang impossible yun dahil nga nasa mundo ako ng Majika naputol ang tinginan nila ng hindi ko mapigilan humikab nakakaramdam na kasi ako ng antok.   "Inaantok kana ba?" teka bakit naging malumanay ang boses nitong si Aerin ayoko munang asarin siya kaya tumango na lang ako bilang sagot.  "Harper yung room mo nasa second floor pangatlo sa kanan meron kana ding mga damit doon" singit naman ni Celine na nakangiti sa akin ginantihan ko naman ito pero nakatanggap ako ng pitik sa ilong galing kay Aerin na nakasimangot — ano na naman ang problema ng isang to? Bahala siya diyan basta inaantok na ako. Nagpaalam na ako sa kanila iniwan ko sila at umakyat na pinuntahan ko ang kwarto na sinasabi ni Celine pipihitin ko na sana ang doorknob ng biglang may narinig akong nag i-strum ng gitara nakaawang kasi ang katabing kwarto ko kaya naririnig ko yun at dahil dakilang echusera ako na sinasabi ni Aerin kaya sumilip ako doon.   What's going on in that beautiful mind I'm on your magical mystery ride And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright My head's under water But I'm breathing fine You're crazy and I'm out of my mind 'Cause all of me Loves all of you Love your curves and all your edges All your perfect imperfections Give your all to me I'll give my all to you You're my end and my beginning Even when I lose I'm winning 'Cause I give you all, all of me And you give me all, all of you Sana all maganda ang boses gaya ng babaeng to nakakainlove naman parang ang sarap ulit ulitin pakinggan ang pagkanta niya samantalang ako tulog ng biyayaan ng ganda nang boses pero okay lang bumawi naman ako sa ganda.   Napahinto ito sa pag strum ng gitara at pagkanta nang may naramdaman siyang nanonood sa kanya napaangat ang ulo niya at nagtama ang mata namin awtomatikong napa arko ang kilay niya "Who are you?" mataray na tanong niya siguro kamag anak ito ni Aerin pareho silang nakakatakot.   Yung ngiti ko tumabingi napalunok muna ako bago sumagot sa tanong niya "Hi! I'm Harper Evans bagong ka room mate niyo pasensiya kana kung nakikinig ako habang kumakanta ka nagandahan kasi ako sa boses mo girl, Alam mo kung lalaki ka lang maiinlove ako sayo ang galing mo" walang prenong saad ko nagiging madaldal ako ngayon lumambot naman ang mukha niya at nag iwas ng tingin.   "Thanks" tipid na sagot niya habang hindi makatingin sa akin ng diretso siguro hindi siya comfortable sa akin "Balik na ako sa room ko pasensiya na ulit" pagpaalam ko isasara ko na sana ang pintuan niya ng bigla siyang nagsalita na ikinangiti ko.   "Princess Jasmine.... That's my name" sabi niya pero nakatalikod na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD