2

2037 Words
"Inaway mo ba, Man? Ang tagal nang hindi namamansin niyan, ah!" Narinig ko na reklamo ni Kuya Jay, umalis na lang kasi ako nang nakita na dumadami na iyong mga pinsan ko nakiupo rin doon sa bench. Talagang... February na, pero hindi ko pa rin makalimutan iyong nangyari sa Christmas Party. Pahiyang-pahiya ako... at mas lalo akong napapahiya habang tumatagal. Umalis na nga lang ako at nagdrive pauwi sa bahay, dala ko iyong raider ni Papa at mukhang sa minalas pa ay nadatnan ko si Ate Godiness na may kausap na lalaki sa labas. Napataas kilay ito nang nakita akong bumaba ng motor. Iyong mga mata niya para bang nanunuot at naniningkit habang nakatitig sa sout ko. "Hello po..." bati ko sa kaharap, iyong boyfriend ni Ate. Weekend, kaya nandito silang lahat. Bukas may pasok na naman. "Hi, Sheeva. May pasalubong ako." May inabot siyang supot, nagpasalamat naman ako bago nagpaalam na papasok na sa loob. Yong tingin ni Ate Godiness, parang gusto niya akong gisahin. Ganoon talaga, pagkatapos kong mapahiya, kailangan ko nang bumalik sa dati. Ayaw ko na ngang umasa, imposible naman kasi na mapansin ako noon. Masyadong malayo ang mga edad namin. At masyado pang malayo ang estado ng mga buhay namin. Ayaw ko na nga maalala iyong nangyari... at ako lang ang nahihiya. 2 years after... "Hoy!! Flying colors! Iba ka rin, Shee!" Nagtatalon iyong mga pinsan ko, nagpapapicture na rin kami pagkatapos ng graduation. 18th birthday ko pa bukas kaya bukas na ang handaan. Iyong nga pinsan ko lang talaga ang excited. Sina Kuya nga ay tuwang-tuwa nang gumraduate akong Valedictorian. Na hindi ko naman talaga inasahan. Si Papa nga niregaluhan ako ng Wave motorcycle. Si Mama binigyan naman ako ng pera. Sina Ate at ang mga Kuya ko, puro dresses at pampaganda. Napasimangot nga ako pagkatapos na buksan iyon, natawa lang sila. "Naku! College ka na sa pasukan, kaya please lang! Magdamit ka nang matino!" Litanya ni Ate Godiness. Nakatitig lang si Ate Gette sa kanya. Nalukot tuloy iyong mukha ko pero ayaw ko namang magsalita. Ayaw ko nang ipaglaban 'to kasi alam ko naman na sa huli, ako pa rin ang talunan. Kinagabihan inaya naman ako ng mga pinsan ko na tumungo sa plaza. May pa-foam party si Mayor kasi nga sakto at fiesta sa amin. Saka graduation ko pa. Ang saya-saya nang lahat, may nakita pa akong kaklasi sa isang tabi na binati ako dahil sa mga nakuhang awards. Ngumiti ako bago sumama sa mga pinsan. Ang ingay-ingay talaga pag nagsasama kami. Pakiramdam ko nakatingin na iyong mga matatandang nanonood din ng soft rock sa unahan. Kapansin-pansin naman kasi iyong lakas ng boses ng mga pinsan ko. Para bang ngayon lang nagkita-kita. Ginabi pa kami, dahil gustong hintayin ng lahat iyong bomba ng foam maya-maya lamang. Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Kaya ganoon na lang ang pagtataka ko nang nakita mula sa ibaba ng bahay iyong set up ng bakuran namin. May banner pa na nakalagay, iyong picture ko noong pictorial para sa graduation namin. Napangalumbaba na lamang ako at tumitig sa pag-aayos ng lahat. Magulo pa iyong buhok ko, hindi naman nasusuklayan. Kumaway si Kuya Lui sa itaas, kumaway din ako pababa bago pumasok at nagsuklay sa harap ang tukador. Ang haba na pala ng buhok ko, malapit nang bumaba hanggang pwet. Dahil sa nangyari 2 years ago, pinapa-trim ko na lang iyon. Sakto naman at ngayon ko lang naappreciate iyong kapal at itim na itim na kulay noon. Mas bagay pala sa akin iyong ganito. Kahit papa'no naging babae ako. Ipinusod ko muna iyong buhok ko bago bumaba. Nakita ko si Mama na naglilinis ng sala kasama sina Ate Godiness at Ate Gette. "Happy Birthday Sheeva, anak." Ngiti ni Mama. Napangiti na lang din ako at lumapit para yakapin si Mama. Nakairap naman si Ate Godiness, siguro naiinis na naman sa sout kong ito. Si Ate Gette lang talaga iyong magaan sa akin at tanggap na mukha talaga akong tomboy. Mga alas tres nang hapon nang natapos ang set up. Dumarating na rin iyong mga bisita namin. Kahit iyong mga kaklasi ko ay nasa bakuran na namin. Si Ate Godiness lang iyong aligaga at masama ang timpla habang pinipilit akong ayusin. Pinagdress ako! Ang naiilang ako roon! "Umayos ka... pasalamat ka nga't hindi na kita pinag-gown!" Nangigigil na sabi ni Ate. Tawa naman ng tawa si Ate Gette, na kinukulot pa rin iyong dulo ng buhok ko. Napanguso na lang ako. At natigilan nang may bumusina sa labas. Marahil si Kuya Arman na iyon. Kasama niya siguro si Ate Janna Jules, iyong girlfriend niya. Lumabas na nga kami pagkatapos, binati naman ako ng lahat. Nagpasalamat naman ako at hinila pababa iyong maiksi kong dress. Tinampal nga ni Ate Godiness iyong kamay ko, rinig na rinig ko naman iyong tawa ni Ate Gette. Nag-umpisa na iyong party, may personal na bumati at nag abot ng regalo sa akin. May ibang pinuna iyong sout ko. Naninibago siguro tulad ng nararamdaman ko. Hinayaan ko naman ang lahat na kumuha muna ng makakain nila. Hinanap ko si Kuya Arman at sakto nakita ko siyang nakaupo doon sa pinakadulo, doon sa gilid ko. Excited pa akong naglakad papalapit pero awtomatikong nagdahan-dahan nang nakita ko iyong lalaking nasa tabi niya. Parang... parang gusto kong pumihit pabalik sa loob. Nanlalamig ako... 2 years... no'ng huli kong makita iyong Boss ni Kuya. At gano'n pa rin. Mas lalo siyang gumwapo. Pansin ko nga na mukhang mas lumapad iyong katawan niya kesa noon. Siguro... alaga ng work out. Napakagat labi na lang ako at hinayaan ang sariling tumigil sa tapat ni Kuya Arman. Tumayo sila para sabay na bumati at mag-abot ng regalo sa akin. Kinakabahan ako. Nanlalamig. Lalo na nang natanggap ko iyong regalo niya. Ayaw ko talaga na sa tuwing nakikita siya, ay naaalala ko iyong nangyari sa Christmas Party noon. Ang unfair ng mundo. Para hayaan siyang maging gwapo pa rin. Nakakasilaw nga e. Angat na angat. Ang lapad din kasi ng katawan niya, matangkad pa. Namumungay ang mga mata. Ang tangos ng ilong. Napakaunfair. "K-kumain na po kayo." Nahihiyang aya ko sa mga bisita ni Kuya. Nakatuon pa rin ako sa kanya, kahit na isang beses lamang niya ako tinitigan. Alam ko naman kasi, iba ang mga tipo niya. Iyong nagmomodel at nakapaskil sa Edsa. Iyong angat sa lahat. Iyong pwedeng iharap sa lahat ng tao. Gamay ko na iyon, kaya ayaw ko ring paasahin ang sarili na baka isang araw—- hindi na iyong nangyari sa Christmas Party ang maalala naming pareho—- kundi, sakali lang naman, na mapansin niya ako bilang babae. Tumabi ako para sa mga kaibigan, nagkakatawanan kami, reminiscing the past. Gano'n talaga. Ang ayaw ko lang sa nangyayari ay ang pagtanong-tanong nila tungkol sa Big Boss ni Kuya Arman. Ano ba kasing alam ko? Alangan namang sabihin ko na crush ko iyon. After 2 years, crush ko pa rin. Crush lang. Wala nang mas higit pa roon. Ngumiti ako kay Leah nang pinilit nila akong lumapit doon kina Kuya. Ayaw ko dahil nakakahiya na nga ay baka ano pang masabi ni Kuya Arman. Magkaiba ang mundo namin. Malayong magkaiba. "Dali, Sheeva... kakausapin ka raw ng Kuya Arman at Kuya Jay mo." Sabi ni Ate Gette. Napilitan akong tumayo at lumapit doon. Medyo nakakahiya pa rin, ngunit sa tagal ng panahon... mukhang nakakalimutan ko na rin. O hindi. Baka nakalimutan na nila. Napatitig ako sa kanya sandali, nakatungga ito ng San Mig Apple. 3% alcohol. Saka lang natigilan at napaangat bago ngumiti sa akin. Simpleng napasinghap ako roon. Ang gwapo-gwapo niya. My Superman. Maliit iyong shape ng mukha niya. Pero ang gwapo talaga e. "Shee... may gift pa kaming isa sa'yo." Ngiting-ngiti si Ate Janna Jules. May inabot siyang certificate. Napatulala ako... hindi sa certificate huh. Pero sa kanya... kung makangiti naman kasi, parang lumuluwag iyong panty ko. "You deserve it," tuwina'y sabi niya. Napanganga ako ng paonti-onti bago ibinaba ang mga mata. And there... nakita ko iyong pangalan ko sa certificate. Jotted down na scholar ako ng kompanya nina Kuya. Nasiyahan ako... hindi dahil sa scholarship kundi sa CEO na nakalagay doon sa ibaba. Iyong stroke ng pirma niya... ang sexy. Dunhill Hawk Fernan. Two years na pinili kong wag magtanong kay Kuya Arman o kaya'y kay Kuya Jay kung ano ang pangalan noong Boss nila. Ngayon, nasa harap ko mismo. Nakaukit iyong pangalan niya. "Thank you po." Namumulang wika ko. Natawa iyong mga Kuya ko at si Ate Janna Jules. Hindi ko naman alam kung bakit. Siguro natuwa na rin sa reaksyon ko. Hindi ko alam... ngunit higit pa roon ang ikinasaya ng puso ko. Kinausap ako ni Kuya Arman kinagabihan. Tungkol sa scholarship. At sa halip na mainis kasi nga tuwina'y may kapalit pala ay mas lalo akong natuwa. Bahala na iyong nangyari 2 years ago. At hindi naman kawalan iyon para masiyahan naman ang buhay teenager ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung kailangan ko lang namang mag-render ng apat na oras na trabaho sa kompanya nina Kuya tuwing weekend kung makikita ko lang naman siya? Naeexcite ako sa isipin. Bahala na. Sabi nga nila, sinwerte kapag nagbago ang isip ng isang t-bird na katulad ko. E hindi naman ako tomboy. Sadyang iba lang talaga ang hilig ko kompara sa mga hilig ng mga kababaihan na katulad ko. May crush naman ako... at normal na nakakaramdam ng kilig. Dahil bakasyon, naging abala sina Mama't Papa sa pag-aayos ng bakasyon naming mag-anak. Kaliwa't kanan din ang reunion. Kasama syempre ang mga kapatid ko patungong Bohol. Excited din naman ako, pero mas nakakaexcite siguro ang nalalapit na pasukan. Hindi ako mapakali. Ramdam ko iyong pagmamadali ko sa bawat araw. Malapit na kasi... iyong muling pagkikita namin. Hindi ko alam, na napapansin na pala ako ni Ate Gette. She was observing me the whole time. Pero dahil sa minsanan lang kung makita ko iyong Boss ni Kuya ay wala rin siyang ideya kung sino ang dahilan ng pag-unti-unti kong pagbabago. Pinilit ko, ang magpakababae. Gusto ko, sa pasukan, may pagbabago naman. Kahit malayo sa ilang model na nakakasalamuha niya, ay okay lang. Gano'n naman talaga, di'ba? Kasi nga nagdadalaga. Sinamahan naman ako ni Kuya Lui nang nag-enroll. Gamit namin ang sasakyan ni Kuya Arman. May pasok kasi si Kuya kaya hindi siya ang kasama ko. Excited ko namang ipinakita kay Kuya Lui ang sched ko sa duration ng sem na iyon. I took up accountancy. Hiling na rin ni Mama. Saka sa tingin ko relevant naman iyon sa trabaho ni Kuya. Gusto ko, kapag gumraduate at nakapasa na ako... doon pa rin ako. Gusto ko siyang makita lagi. Iyong kasiyahan ko, nasa kanya. Naka-jeans at t-shirt ako noon. Fitting. Kaya kahit papa'no nagmukha naman akong babae. Si Ate Godiness talaga ang pinaka sa lahat ng nasiyahan. Gustong-gusto niya iyong nakikita niya sa akin. Nagmukha na raw akong tao. "Sabi ko naman sa'yo... bata pa iyan dati kaya hindi pa marunong mag-ayos." Tukso ni Kuya Arman sa harap ng hapag. Nakangisi naman si Ate Gette at malisyosang tumitig sa akin. Napailing na lang ako. Alam ko na naman na iba ang iniisip niya. Alam ko nagtataka pa rin ito hanggang ngayon kung sino ang pinagagandahan ko. Ayaw kong magsalita. Ayaw ko na maging tsismis ang sekretong tinatago ko. Akin na lang iyon. Nanginginig ang mga hita ko habang lulan ng jeep. Papunta sa kompanya nina Kuya Jay at Kuya Arman. Ngayon ang unang araw... tiniis ko ang isang Linggo para lang makarating na rito. At worth it naman. Naglakad na ako patungo sa elevator. Pisil-pisil ko iyong isang daliri ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Nagbibilang ako ng segundo. Hindi ko alam kung gusto ko na ba talagang paakyatin itong elevator o hindi. Kinakabahan nga kasi ako... Inangat ko ang mukha ang pinindot ang close, ngunit bago iyon ay may pumasok... napanganga ako... tumitig sa morenong lalaking nakatayo sa harap ko. Kaming dalawa lamang ang nandoon. Ewan ko bakit napanganga ako nang ganoon? Bakit nga ba?! Dahan-dahan siyang lumingon, seryoso. Nanunuot ang mga mata. Hazel nut tulad ng sa Boss... kaso ewan ko at bakit maliwanag naman iyon pero para bang kay itim-itim. "Which floor?" Malalim na tanong niya, parang boses na galing sa hukay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD