16

2048 Words
Pulam-pula yata ako pagkagising kinaumagahan. Alam ko rin kung paanong nakauwi ako sa sariling silid. Kasama pa rin si Sir Hawk na ang lawak ng pagkakangisi, parang nakajackpot. O nakajackpot naman talaga. Ano pang mukha iyong maihaharap ko? Nadala na kasi ako sa sariling emosyon kaya para akong tanga na umuungol noon. Nahihiya na rin ako kina Mama't Papa, kahit hindi naman kami nahuli. Ano pang mukha kaya ang maihaharap ko sa kanila? Kaya kinausap ko si Sir Hawk, gusto kong sumama pauwi... I mean hindi naman sa gusto kong gawin ulit iyong ginawa niya kundi gusto ko lang huminga. Nasasakal ako sa ideya na baka alam na nina Mama't Papa iyong nangyari. O sabihin na nating nakokonsensya ako. Tuwang-tuwa naman siya kaya nang pumayag sina Mama ay umalis naman kaagad kami pagkatapos ng almusal. "Kahit iwan mo na lang ako sa unit mo o bahay." Sabi ko pagkatapos na maalalang may trabaho nga pa pala siyang naghihintay. "Makakahintay iyan, By. Ikaw hindi." Umakyat yata lahat ng kilabot patungong batok hanggang ulo ko. Sumama iyong pagkakatitig ko sa kanya na sinugundahan niya naman ng tawa. Akala mo e may mangyayaring kakaiba. "Ang manyak mo naman..." Humalakhak lamang siya roon sa sinabi ko. Umirap naman ako at naupo ng maayos sa passenger seat ng sasakyan. Nanonood rin ako sa traffic sa labas. Light pa lang ito ha, paano pa kaya pag naging heavy? Pauwi pa lang kami niyan sa place niya... paano pa ang papunta sa trabaho niya? "Ipinagpaalam kita kay Auntie, sa akin ka matutulog mamaya." Muntik na akong nalaglag sa kinauupuan nang narinig iyon. Makikitulog daw?! Sa nangyari kagabi... mag-iisip pa ba ako ng wholesome? Pakiramdam ko e magbabahay-bahayan na naman kami. "Enrollment ko bukas! Kailangan kong umuwi." "I'll accompany you." Ngisi niya. Naniningkit na naman ang mga mata ko. Saka siya hinampas sa braso. Tumawa naman ito ng malakas. Duda na talaga ako kung makikitulog lang ba ako roon. Ramdam ko hanggang sa pinakadulo ng ugat ko ang mangyayari. "Paano mo napapayag sina Mama? Hindi lang ba nagduda?" "I know what to do, By." Mayabang na wika niya. Mas lalo tuloy akong nagduda. Maniniwala ba ako? Pakiramdam ko pinagloloko na naman ako nito. Paano nga kung more than pa sa nangyari kagabi iyong mangyayari? Kahit sabihin pang nangako siya. Ang pangako nababali iyan. "I'll behave... naibsan na iyong pagkauhaw ko sa'yo kagabi, Sheeva. So you don't have to worry anymore." Nagsitindigan na naman iyong mga balahibo ko sa katawan. Naalala ko nga iyong nangyari, at kahit ngayon ramdam ko pa rin iyong dila niya. How is it possible for a tiny muscle to make you feeble? Pakiramdam ko e ninakawan na ako ng hymen. "Sigurado ka?" Ngiwi ko. Humalakhak siya at pinagpatuloy pa rin ang pagdadrive. Lumiko nga kami sa isang matayog na gusali. Maybe, nasa isa sa mga unit na nando'n ang place niya. Excited nga akong bumaba nang nakahanap siya ng mapagparkingan sa underground. Saka ako napanganga, amaze how he managed to pack my things, kinuha niya ito mula sa likod ng sasakyan. Hindi ko napansin na may dala siyang bag kanina. Dalawang bag. Alam ko iyong kanya. Alam ko rin iyong bag na para sa akin. "Pinaghandaan mo nga!" Naniningkit ang mga matang nagkaroon ako ng konklusyon sa pinaplano niya. "Oo By, para sa'yo. Akyat na tayo. Gusto ko nang bumira." Tawa niya. Reflex ko na talagang tampalin iyong bibig niya. May isa kasing bumaba sa sasakyan. Mabuti na lang nakaheadset at siguradong hindi naman narinig ang sinabi nitong manyak kong boyfriend. Magkahawak kamay kaming sumakay ng elevator. Nasa isang kamay niya ang dalawang bag. Ngumisi nga ako no'ng nakita na nag-ugat ang braso niya panigurado dahil sa bigat ng mga dala. Kainis naman kasi... bakit ganito 'to? Ang gwapo na nga, matipuno... at laging mabango pa. Ang swerte ko naman. Malawak iyong unit ni Sir Hawk, iba ang living room sa kusina. Iba rin ang dalawang pintuan na para sa mga silid. Ngumuso nga ako no'ng akala ko ay sa kabilang silid ako matutulog. Napansin ko na lang na nasa iisang silid lamang kami nang may nakita akong malaking portrait ng sarili niya sa kabilang pader ng kwarto. Tumitig nga ako sa kanya. Nanghihingi ng sagot. Kaso ngumisi lang ito at tumungo sa malaking cabinet saka ni-file niya sa ibaba iyong bag ko. Mas lalo tuloy nawala sa isipan ko na hindi tama ito. "Really, Sir?! Akala ko ba magbebehave ka?" Atungal ko. Lumingon ito, medyo seryoso. "By, tawagin mo nga akong 'Sir' ulit." Ngiti niya. Mas lalong kumunot iyong noo ko, "Bakit?" "Please?" Ngisi niya. "S-Sir?" Patanong na tawag ko noon sa kanya, naiilang at medyo napakamot sa pisngi. "Ang kulit mo..." halakhak niya at hinapit ang bewang ko. Saka lang nanlalaki ang mga mata ko nang natumba ako sa kama at nakapaibabaw siya sa akin. Saka naramdaman ko na may mabigat at bilog na tumatama nang pabalik-balik sa puson ko. "Eh?!" Nagulat na sigaw ko noong ibinaba ang mga mata. Tangina! Heto na naman tayo! Sabi magbebehave pero bakit mukhang kumakantot ang gago? Humalakhak siya... "Kunin ko na lang kaya?" Tanong niya sa pagitan ng paggiling, ramdam ko iyong kanya. Mas bumubukol sa tuwing tumatama sa puson ko. Tinakasan naman ako ng kaluluwa. Hindi ako makahinga. Bumibilis iyong pintig ng puso ko. Sa bawat hampas nga ng puso ko e nabibilaukan ako. Pumikit ako at napahawak sa balikat niya saka dumilat. Parang sinusunog na iyong pisngi ko. Nakakainis kasi nag-iinit ako. Nanlalagkit. Napaawang na nang kaonti iyong labi ko... siguro gawa ng hinahapo ako. "Kunin ko na?" Tanong niya na siyang nagpadilat sa akin. Nasa tamang huwisyo pa rin yata ako kasi nagawa kong umiling. Alam ko iyong sinasabi niya. Oo na, medyo makamundo rin naman ako pero alam na alam ko sa sarili na hindi pa ako handa. Sadyang hindi pa hinog ang relasyon namin. Tumawa ito at mabilis na tumayo. "By, feel free to explore. I just have..." turo niya sa isang pintuan na nasa tabi ng malaking cabinet niya,"... to use my bathroom. Bibira lang ako sa loob." Mabilis na napaupo ako at nag-iinit pa rin ang pisngi. Umaatras naman itong natatawa. Napailing na lang ako noong nawala siya. At saka umalis ng silid niya para mag-explore sa labas. Una ko ngang pinuntahan iyong kusina, nag explore rin sa loob ng ref. At good thing marami naman siyang stock, be it from vegetable to fish. Kaya naisip ko, ipagluluto ko siya mamayang gabi. Mamaya pagkatapos ng trabaho niya. Mas gusto ko itong bahay-bahayan na nasa isipan ko kesa sa makamundong ginagawa niya. Masyadong narurumihan na iyong isipan ko sa nangyayari. Saka hindi na yata normal ito... mas lalong nagiging temtasyon ang nangyayari. Baka mayari ako sa huli. Hindi lang kina Papa, Mama at sa mga kapatid ko kundi pati rin sa kamanyakan ni Sir Hawk. Baka sa huli ako rin ang magsisisi. Pagkalabas niya nga ay nakadamit na ito... pang-opisina. Bigla akong nalungkot kasi pakiramdam ko isa na naman ito sa mga araw na kailangan niyang umalis. Naiintindihan ko naman ang responsibilidad niya. Kaso paano nga kung mawalan na siya ng oras sa akin? Hindi ko masasabi dahil nga bago pa kami. "Tatawagan kita mamaya. You can cook whatever you want, By. Lahat nasa refrigerator na. You can manage yourself, right?" Tumango ako. Ngumisi naman siya at hinalikan ako sa noo. Nanood na lang ako ng telebisyon sa half day na iyon. Pagkahapon e naghanda na ako para sa lulutuing pata. Naligo akong muli at nang nag-alas kwatro e nag-umpisa na akong magpakulo. Kumunot lamang iyong noo ko nang nakita na may misscall galing kay Sir Hawk. Ni hindi pa ako nakakapagtipa ng itatanong e tumawag na siya ulit. "By, kumusta?" Natawa ako noon. Parang hindi lang kanina no'ng nagkita kami. At parang hindi lang kaninang tanghali nang tumawag siya. Pakiramdam ko e nawawalan siya ng konsentrasyon sa pinaggagawa niya. "Okay lang ako. Ano ka ba?! Maya't maya ang tawag mo." Tawa ko pa. Siya na naman itong natawa, "Namimiss na kita. Gusto ko na ngang umuwi kung wala lang akong hinihintay na meeting mamaya. By, ginayuma mo yata ako noong panty mo e." Nabitawan ko ang hawak na kutsilyo. Para bang sumabog na naman sa alaala ko ang nangyari kagabi. Iyong pagdila niya sa punday ng panty ko. "Kainis ka naman!! Mamamatay na yata ako nang maaga dahil sa'yo. Kainis ka!" Tumawa lang ito, napailing naman ako. "Umuwi ka ah?" Maya'y lambing ko. Ngumisi lang ako noong narinig ang sagot mula sa kanya. Mabilis na inihanda ko na rin ang ibang lulutuin pa. Minsan lang ito, at minsan lang din pumayag sina Mama. O hindi naman? Nang mag-alas sais e natapos ko na ang lahat. Naghintay ako sa living room. Naghintay pa hanggang alas siete. At umabot ng alas nuebe. Sumama na talaga iyong pakiramdam ko. Sinubukan ko nga siyang tawagan, na agad naman nitong sinagot. Kahit papa'no e napanatag ako na safe siya roon. "We aren't done yet, By. Tatawagan kita ulit kapag pauwi na ako." Umasim iyong pakiramdam ko at tumayo na lang para kumain ng mag-isa. Nang nalinis ko na ang lahat ay pumasok na ako sa loob para maglinis ng katawan at maghanda para matulog. Maaga pa ang uwi ko bukas kasi nga enrollment. Ni hindi ko naramdaman na dumating siya. Malalim na panigurado ang tulog ko noon. Kinaumagahan nga ay hindi ko siya nadatnan. Parang nawawalan na ako ng gana... naiinis. At gusto ko siyang suntukin. Sabihin na lang na konsulasyon niya yata ang paghahanda ng breakfast ko. Pero masama pa rin ang loob ko. Ni walang tawag mula sa kanya. Walang note. Dapat siguro intindihin ko dahil nga hindi naman siya simpleng empleyado lang ng kompanyang yon. Ngunit di ko pa rin maiwasang magtampo. Natapos na lang ako sa enrollment ni hindi naman siya sumulpot. I'm very disappointed. Pagkauwi pa ay nando'n ang mga pinsan ko. Even Yen na abala sa sentro dahil sa summer class nito. Nakangisi sa akin pero wala akong gana na makipagpalitan ng ngisi ngayon. Tumabi ako kay Melba at napabuntong hininga. Ibubuka ko pa lang iyong bibig ko e nanlalaki ang mga mata ko nang nakita si Sir Hawk na nakatayo sa pintuan namin, naka-man in suit at ang gwapo. Narinig ko na nagsinghapan ang mga pinsan ko. May panghihinayan pa sa paghinga nilang iyon. Tumayo naman ako. Naiinis pa rin sa kanya. "Sa labas..." bulong ko. Sumunod naman siya, sinigurado ko munang hindi nakasunod ang mga pinsan ko. Ayaw kong marinig nila itong inis na nararamdaman ko. Ayaw ko na may pakialam sila rito. Naiinis na nga ako sa ideya na parang crush nila si Sir Hawk, iyon pa kayang makisawsaw sila? "Nangako ka..." pigil emosyon na sabi ko. Napabuntong hininga siya at naupo sa monoblock ng katabi ng akin. Saka pilit niyang inaabot iyong kamay ko. Pero iniiwas ko. "Hindi pa tayo bati... nagluto ako kagabi, Hawk. Hinintay kita kasi akala ko sabay tayong kakain. Pagkatapos sabi mo kahapon sasamahan mo ako sa enrollment ko ngayon... eto na nga o, nakauwi ako nang mag-isang ginawa ang lahat. Alam mo, nagtatampo ako. Ni hindi ka man lang nagpasabi." Napaiwas ako roon, hindi naman ako naiiyak pero sadyang mabigat ang loob ko. "I'm sorry, By. May nangyari kasi sa kompanya... I admit that I forgot to tell you right away." Umiling na lang ako... nagtatampo pa rin. "Next time nga sabihin mo naman sa akin kung may emergency ka. Hindi iyong naghihintay ako sa wala." Nguso ko at umiwas. Naramdaman ko naman na inakbay niya sa akin iyong isang braso niya saka ako hinapit. Iiwas pa dapat ako e kaso hindi ko rin napigilan ang sariling tumingala sa kanya. "Inayos ko lang ang lahat, By. Babalik ka na sa kompanya after three weeks. Kailangan nasa akin lang ang mga mata mo. Walang Gracia." Kumunot iyong noo ko at unti-unting nagulat. "Pinaalis mo?!" Hysterical na tanong ko. Umiling siya, kahit papa'no e napahinga ako roon. "Balak kong baugin siya roon sa Iloilo. Naiinis ako sa tuwing naalala iyong pagkakagusto mo roon. Kaibigan ko pa rin iyon pero mas mabuti nang hindi mo siya makita." Naniningkit naman ang mga mata ko. Na unti-unting nauwi sa tawa... "Match pala tayo e... pareho tayong seloso." Ngumisi siya at ibinaba ang mukha para mahalikan ako. French fries ang tipo. Haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD