Archangel 16: Ariah

1137 Words
" IIIHHH!!" Tili nung libero namin habang hinahabol yung bola. Muntik na itong lumapag sa sahig,  buti nalang nakaya niyang iharang yung palad niya bago pa ito sumayad.  Bago niya ipasa sa'kin, tiningnan ko muna yung mga spiker ko. Nakita kong wala pa sila sa kaniya-kaniya nilang posisyon.  Let's do this self! Tumalon ako kasabay ng pag-toss sa bola, but this time, hindi ko ito ibinigay  sa mga spiker.  Diretso ko itong itinoss sa kabilang court. As expected, they weren't expecting for a 1-2 play from me, lalo na't hindi naman ako varsity. " Point for section A!"  " Nice!" Nakangiti akong inapiran ni Elle at ng iba pa naming mga teammate.  " Boba! Ikaw ang libero dapat standby ka lagi!" Inis na inis na angil ni Yvette sa kateam nila.  Kawawa naman..  Nilingon ko yung scoreboard at nakitang ilang puntos nalang at matatapos na ang laro.  13-12 ang current score, in favor sa'min. Race to 15 nalang ang mangyayari dahil set 5 na. Ramdam ko na nga ang pagod dahil grabe rin maglaro sila Davina, lalong-lalo na ngayong set 5.  Ramdam na ramdam ko talaga yung gigil sa mga palo nila kapag nagbla block o nagdidig ako ng bola eh. Kung ako naman sila ay paniguradong mabwibwisit din ako. Imagine, lamang na sila ng 2 sets pero nagawa pa rin naming mahabol 'yon.  " Go Elle!" " Galingan mo Elle!" " Elle! Elle! Elle!" " Let's go nerd!!" Nakangiti kong pinanood yung mga nanonood sa gym na nagchi cheer kay Elle.  Siya na kasi yung magseserve. Nakakamangha rin talaga ang babaeng 'to. Walang kagana-gana niyang sinalo yung bola at dinribble-dribble ito habang naglalakad sa service line. Pawis na pawis na siya dahil tuloy-tuloy ang naging laro namin.  Siya talaga ang pinakarason kung bakit kami pwedeng manalo. Halos lahat ng puntos namin ay galing sa kaniya.  Pumito na ang referee hudyat na pwede na siyang mag-serve. Humakbang ng tatlong beses si Elle at pinalo ang bola. Pinanood namin ang banayad na paglipad ng nito ngunit parang may mali. Parang maga-out pa yata.. " In Lord, please." Mahina kong bulong.. Seconds later and.. " Service ace! Point for section A!" " Wahh!!" Tuwang-tuwa akong nagtatalon papunta kay Elle.  Akala namin ay magaout ang bola ngunit bigla nalang itong lumapag sa loob ng court ilang inches mula sa linya.  Wowerz! Bumalik na muli siya sa service line at nagserve. This time ay nasalo na ito ng kabilang team kaya't nagpatuloy ang laro.  Pinalo ng malakas ni Stacy yung bolang sinet ko na nablock naman ni Davina. Hinayaan ko na yung libero namin ang sumalo, nagiisip pa 'ko kung kanino ko iseset yung bola nang sumigaw si Elle na nasa likuran.  " Tonette!" Tinanguhan ko siya at mabilis na sinet sa kaniya yung bola. Tumakbo siya at pinalo yung bola na papalapit palang sa kaniya.  " Oof!" 'Di ko maiwasang mapangiwi dahil sa lakas ng palo niya.  Dinig na dinig sa buong gym ang tunog ng naging impact ng palo ni Elle. Ang lapnit talaga pakinggan! Pakpakpak! Halimaw magbackrow amp! " YVETTE!" Malakas na sigaw ni Davina nang lumusot sa block niya yung bola. I even saw her arms getting red.  Tinry itong habulin ni Yvette ngunit late na siya at lumapag na yung bola.  " And the winner is.." Exaggerated na nagdrumroll effect yung mga announcer kuno sa tabi ng referee.  " SECTION A!!!" " Kyaahhhh!!" " PASADO NA TAYO!!!" " uwian naaaa!!!" Kinuyog kami ng mga kaklase namin sa gitna ng court kaya't nadikdik kami sa gitna. Nagcecelebrate kaming lahat nang makita ko ang pagtataray ni Davina sa mga team niya.  " How stupid can you guys be?!" Pumadyak siya sa sahig habang nakakrus ang kamay. Hiniklat niya yung ID nung mga kaklase niyang varsity at itinapon ito sa sahig. " From now on, you're not on the varsity anymore!" Pawalk out na sana siya kaso biglang lumapit si Elle at pinulot ang mga ID nung mangiyak-ngiyak na mga babae. Tahimik niya itong inabot sa kanila ngunit parang ayaw pang tanggapin nung mga babae. Aarte ah! Kayo na ngalang tinutulungan eh! " What? You're gonna--" Hindi na natapos ni Davina yung pagtataray niya dahil nilagpasan lang siya ni Elle pagkabigay nung mga ID. Dire-diretsong naglakad si Elle papunta sa isang babae na nakatayo malapit sa entrance ng gym.  " Coach!" Nakangiting bati ni Elle.  Teka, 'yan yung current coach ng women's volleyball team ng Elysian ah?  I glanced at Davina and saw her confused as to how Elle knew their coach. " Elle! I didn't know you're studying here.." Sinalubong siya nung coach. " It jus happened, coach. You're coaching the varsity here?"  " Yes. What do you think about them?" Nakangiti pa ring tanong nung coach. Binalingan ng tingin ni Elle si Davina na parang tinakasan ng dugo ang mukha ngayon. " Your captain sucks." . . HAHAHAHAH!! Agad namula si Davina dahil sa galit ngunit wala naman siyang magawa dahil tumawa ang coach niya.  Tingnan mo nga naman, grabeng pagpapahiya ang ginawa ni Davina sa mga kaklase niya kanina. Now it's her turn to taste her own medicine. Nagpaalam na si Elle sa coach at inaya na akong mag-shower. Habang naglalakad kami papunta sa shower room ay nagdidiwang pa rin ang kaloob-looban ko dahil sa ginawa niya kay Davina.  " Ikaw ha," Nginisian ko siya kaya't tinaasan niya ako ng kilay.  " Atichona ka rin pala." Natatawa kong sambit.  Akala mo tatahi-tahimik lang pero marunong din pala mamahiya! Hahahaha! " Shut up." Binato niya ako ng towel at nauna nang pumasok sa mga cubicle.  Mabilis lang kaming naligo dahil may laro pa yung mga boys. Feeling ko nga hindi na matutuloy dahil wala namang mago officiate. Hanggang ngayon ay nasa meeting pa rin yung PE teacher namin habang yung mga students naman ay may klase na.  Isang oras baga naman ang itinagal ng laro namin eh..  " Tuloy daw yung laro?" Usisa ko kay Stacy habang nasa bench kami. Wala na yung section B at kami nalang magkakaklase ang natira sa gym.  " Hindi daw eh. Bukas nalang ang boys, ginawa nilang basketball imbis na volley." Tumango ako kay Stacy at pumunta kay Elle na nagiisang nainom ng tubig sa isang tabi.  " Tara sa canteen, di raw--" " Chill, girl. Stop rapping." Pagputol niya sa sinasabi ko.  Sumimangot ako. " Let's eat. The game's postponed." Nameywang ako sa tapat niya at hinintay siyang tumayo.  Mas nagugutom ako dahil sa englisherang 'to! Pumila na kami sa counter at mapayapang umorder. Sandwich at bottled water lang naman ang inorder namin dahil snack nalang naman 'to.  Napili naming sa classroom nalang kumain since wala naman kaming teacher. Papunta sa classroom ay nakasalubong namin si Georgina. Parang ang lalim ng iniisip niya to the point na for the first time, hindi niya inaway si Elle ngayon.  Thank God! " Ariah."  Napalingon ako kay Elle nang bigla siyang huminto sa paglalakad. Sa likuran niya ay si Georgina na parang nabato sa kinatatayuan. Dahan-dahang lumingon si Georgina kay Elle... eh?? Teary eyed? Bakit naluluha 'tong bruha na 'to?  Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Georgina at Elle na ngayo'y naglalaban ng mga tingin. Ang isa'y naguguluhan habang ang isa nama'y di mo malaman kung naluluha o ano.  Teka ano ba kasing meron? Ka-OP ah..  Bati na ba sila? Kailan pa? Dapat ko na bang bakuran 'tong bestfriend ko?  Hindi ako ready magkaron ng kaagaw.  Hindi pa rin sila natitinag sa staring contest nila. Maya-maya'y sabay na bumuka ang bibig nila at nagsalita.  " Aurelle/Ariah." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD