Achilles' POV
" 3 o'clock, Kent." Bulong ko habang sinisipat ang mga kalaban sa scope.
Upon hearing my warning, Kent was able to catch the knife the goons threw and fired at them with his Glock 19. I roamed my eyes around the area and saw something approaching the perimeter. I zoomed in and a fast raging Porsche 911 met my eyes, it was being followed by more cars.
" Cars within the area. Go down the basement. Now." I said while following the Porsche with my eyes.
" How many?" I heard Josiah asked.
" Four," I answered. " Did you plant on the ground?"
I was referring to his bombs. Iyan ang assignment niya eh.
" Nope--f**k!" Nawala saglit sa linya si Josiah at tanging mga lagabog at angil lang ang naririnig ko. " Shitheads.. Anyways, can you see something on the bush?"
" On the bush?" Kumunot ang noo ko at tinry itong sipatin. " Josiah, there's a lot--"
" Near the opening." He said while panting. Maybe he's running? Or he's still roaming around the building to plant more bombs, who knows..
" Opening.." I whispered while trying to find a blinking light. I am crouching on a rooftop of a building parallel to their location. It's impossible to find a blinking light with this distance, it's just way too far.
" Just hit near the gla--"
" Found it." I smirked, the red blinking light reflected to the glass wall. I took a quick glance of the approaching cars and smiled when they're almost near the bomb. " Mini earthquake in 3... 2.."
" No wait!"
Celestine shouted that made me withdraw my finger from the trigger. I took a glance on the cars again but they already passed the bomb.
" What was that, Celestine?" I asked, frustration audible from my voice.
" You almost blew Ryker, dimwit." She laughed a little while I was left stunned. From this distance I can only see their cars, not the person behind the wheels. I assume my cousin's in the Porsche, the car being tailed.
" Hell.." I blew a sigh of relief. I was a second away from killing my cousin!
" Shoot the other cars. Kalaban 'yang mga 'yan.."
I regained my composure and went back to my position earlier. Sinipat ko ang mga sasakyan at nakitang dinidistract nalang ni Ryker ang mga ito. Mabuti nalang at hindi siya bumababa sa kotse, siguro nasabihan na siya ni Celestine. I took a deep breath and fired my g*n at the driver's seat of each car. I may not see the drivers clearly, but I just followed my instincts. Alangan namang umandar 'yang mga 'yan nang walang nakaupo sa driver's seat 'di ba?
Besides, my instincts are always right..
As expected a few seconds after I fired some bullets, the cars immediately derailed and crashed into each other which cause a loud boom that I can also hear from here. It's great that it didn't caught in a fire or else the bombs Josiah planted on the bushes will blow as well, it might affect Ryker.
I stifled a smile as I watch my cousin park his Porsche, he went out and clapped his hands in the air like a psycho before going in the building with his usual expression. Deadly expression. Yeah whatever you may call it.
" Narinig niyo 'yon?" Jacob asked with grunts as his background noise.
" Too early, Josiah." Puna ni Kent na tinawanan ko lang.
" Puta, ba't ako?" Agad na angal ni Josiah.
" Our great sniper just made 3 cars crash into each other." Pang-aasar ni Celestine.
" I'm done here, should I go there?" Pag-iiba ko sa usapan.
I know I'm skilled, no need to flatter me.
" No need, ready the car. We'll exit in 10." Kent answered.
I wonder what they did to Sera..
I just hope they didn't hurt her, there will be bloodshed if they did.
Antoinette's POV
" Elle," Hirap kong tawag kay Elle.Umalis na yung babae pero hanggang ngayon ay nakatali pa rin kami. Nilingon ko si Elle at nakitang nakatulala lang siya sa harap. " Elle, don't worry. Makakalabas din tayo dito.." I tried to sound confident just to give her hope.
" Our fathers are keeping something from us, Antoinette.." Mahina niyang saad habang nakatulala pa rin.
Aware naman ako na may tinatago sa'kin ang tatay ko noon pa. My father's a Hotelier. Ayon sa kaniya ay minana niya lang ang business mula sa mga ninuno niya kaya't nageexpect ako noon na ipapamana niya rin 'to sa'kin. Pero ni isang beses ay hindi niya ako hinayaang makaapak sa hotel na pagmamay-ari namin.
Kataka-taka rin na ganito kami kayaman kahit na iisa lang ang hotel na pagmamay-ari namin. Nag-iisa lang ito at walang branches. Oo't sobrang laki nito, pero hindi ba't nakakapagtaka pa rin?
" Let's not think about it too much, right now. Matotorture lang tayo, Elle." I spoke after a while. Ni isang nangyari sa araw na 'to ay walang napraprocess sa utak ko. Masyadong magulo ang mga nangyari, ang daming naiwan na katanungan sa utak ko.
Una, bakit nawalan ng guards sa parking lot kanina? Pangalawa, bakit kami kinidnap? Pangatlo, sino yung babae? Pang apat, pa'no nila nakilala ang mga magulang namin ni Elle? At pang lima, ang pinakabumabagabag sa'kin,
Sino ba talaga si Elle?
Hindi ko maiwasang maisip 'to habang nakatitig sa kaniya. Hindi sa sinisisi ko siya sa pagkidnap sa'min pero mukhang siya lang talaga ang punterya ng mga 'to. Ang daming lumilitaw na kakaiba sa babaeng 'to simula nang nagpasukan sa Elysian. Una ay kung pa'no niya nabugbog sila Davina at Yvette sa cr gaya ng sabi niya at ngayon naman ay yung tungkol sa trono na sinasabi nung babae kanina.
Naaawa na ako sa kaniya dahil miski siya ay gulong-gulo sa mga nangyayari. Para bang wala siyang kaalam-alam sa sariling pagkatao niya.
" What is that?" Naalis sa pagkatulala si Elle nang may narinig kaming malakas na mga lagabog sa labas. Pareho kaming napatingin sa nag-iisang pinto at kinakabahang nag-abang ng susunod na mangyayari. Ilang lagabog at mga daing pa ang narinig namin bago ito bumukas.
" Sino ka?!" Kinakabahan kong tanong sa lalaking bagong pasok. " Kasama ka ba nila?"
" I'm Kent, and nope, I'm here to umm, save you?" Nangunot ang noo ko nang kumibot-kibot ang labi niya na parang hindi makapaniwalang sinabi niya 'yon. Agad siyang lumapit sa'min at tinitigan si Elle.
" Lumayo ka sa kaibigan ko!" Nanggigigil kong asik sa kaniya.
Hindi ko siya kilala, okay? At mukang hindi rin naman siya kilala ni Elle. Kahit pa sinabi niyang ililigtas niya kami, hindi pa rin ako dapat maniwala sa kaniya. Malay ko ba kung kidnapper din siya at aagawin niya lang din pala kami gaya nung sabi ng babae kanina?
Tiningnan ko yung Kent mula ulo hanggang paa at mukha naman siyang maayos na tao. In fact, he's too handsome to be labeled as a kidnapper. Pero kahit na! Nadala na ako doon sa babae. Maganda rin yung babae at ang amo-amo ng mukha, sinong mag-aakala na halang pala ang bituka no'n?!
Hindi pa rin ako makapaniwala na may kidnapper na naka Gucci at Rolex. Nahagip din ng mata ko yung Chanel bag na dala-dala nung babae kanina habang poise na poise na naglalakad. Kung gano'n na sila kayaman, bakit pa nila kami kailangan 'di ba?
" You don't believe me, huh?" Napakurap ako ng ilang beses nang nagsalita yung Kent sa mismong harap ko. Kailan pa siya napunta diyan?! I glanced at Elle and saw her standing beside me already. So ibig sabihin kanina ko pa jinujudge sa utak ko 'tong si Kent?
Bumukas muli ang pinto kaya sabay-sabay kaming napalingon dito.
" Kuya Ryker?!" Elle and I gasped in unison.
" I'll explain later.." He shook his head as if he already knows our questions.
Hindi naman ako nainform na dapat pala nagready ako ng helmet, 'di ko kinekeri ang mga nangyayari...