Archangel 12: Arsonist

1023 Words
Josiah's POV " Andiyan na pala kayo." Hinihingal kong salubong kela Ryker at Kent. Nilingon ko ang likuran nila at nakita si Sera, mukhang wala namang nangyaring karumal-dumal sa kaniya kaya nakahinga na ako ng maluwag.  "  Sino naman 'to?" The girl beside Sera, asked. From what I know, ito siguro yung bestfriend ni Sera dito sa Pinas.  " How's the situation upstairs?" Ryker asked, dismissing the girl's question. Right, now's not the time for introductions. " Strangely, they didn't send any reinforcements." I answered while frowning. Nakakapagtaka na walang rumesponde na mga kalaban. Para bang hinayaan lang nila kaming patayin ang mga bantay dito kanina.  Nagsimula na kaming maglakad muli pataas ng ground floor habang nasa gitna namin nila Kent sila Sera at ang kaibigan niya. Mahirap na baka may bigla nalang sumulpot sa tabi-tabi, makakatay kami once na may nangyaring masama kay Sera. Nakalabas kami ng building  nang walang aberya kaya't mas nagtaka kami nila Kent.  There's something unsual happening.. " Achilles?" Nagtatakang tanong ni Sera pagkakita niya kay Achilles sa loob ng sasakyan.  " Hi, Sera!" Achilles greeted her with a smile.  Lucky piece of shit.. " Start driving, I'll follow you." Ryker said before closing the door. He went straight to his Porsche as Achilles starts to drive.  " What the f**k do I still not know-- ON YOUR RIGHT!!" Sera shouted.  Bago pa kami maka-react ay may bumunggo na sa sasakyan namin. Nagpaikot-ikot ang sinasakyan namin, buti nalang at nakapagpreno agad si Achilles. Kinuha agad ni Kent ang isang baril sa likod at kinasa ito bago binaba ang bintana sa side ni Sera para paputukan ang gulong ng bumangga sa'ming kotse. " Continue driving, Achilles. There's more behind." Ryker spoke from the earpiece. Lumingon ako sa sinasabi niya at may mga kotse nga na paparating mula sa likuran ng building. Bakit hindi 'yan nakita ni Achilles kanina?! " DRIVE!" Sigaw ko sa pagkataranta. Kung kami-kami lang ay pwede kaming makipagsapalaran muli sa mga 'yan. We can't risk the chance now that Sera and her friend's on board.  Tumunghay sa bintana si Kent at pinaputukan lahat ng sumusunod sa'ming kotse. Nakita ko rin si Ryker na nagdridrive habang nakalabas ang isang kamay na may hawak na baril. Napansin kong nahihirapan nang umasinta si Kent kaya't agad akong may hinanap sa ilalim ng upuan.  " Excuse me." Pinatabi ko si Kent at ako ang pumalit sa pwesto niya. Tinanggal ko ang safety pin ng hawak kong bomba at ibinato ito sa direksyon ng mga kalaban. Bahala na si Ryker iwasan ang mga 'yan. " Shoot!" Dinig kong reklamo ni Ryker. " Muntik na 'ko, gago!" Nagkagewang-gewang ang sasakyan niya dahil sa pagsabog ng mga kotse sa likuran niya. Naiwasan naman niya, mumurahin pa 'ko. Tsk! " Josiah, now's the time." Celestine suddenly spoke in the earpiece.  Nagkatinginan kaming tatlo nila Achilles at Kent sa rear-view mirror ng sasakyan bago ako tumingin sa bintana. Sinigurado ko muna na tama na ang distansya namin sa perimeter ng building bago kinuha ang detonator ng mga bombang tinanim ko kanina. ..3 ...2 .....1 " Burn."  Kasabay ng pagbulong ko ay ang pagpindot ko sa nag-iisang pindutan na nasa remote na hawak ko. A loud boom and a sudden shake of the ground occur. I heard glass shattering and things getting caught on fire. I took a last glance of the building I just blew and is now on fire before telling Achilles to continue driving. Nawala na rin ang mga sumusunod sa'ming mga kotse. They were still within the perimeter when I blew it. They were probably fried to death. RIP.. " Wait, where's Jacob?" Kent asked making me look around for Jacob. " H-here.." Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran ng sasakyan at nadatnan si Jacob na nanghihina at putlang-putla habang nakasandal.  " What happened to you?" Agad na lumipat ng upo sa likuran si Kent at tinabihan si Jacob. Nanghihina man pero 'tinuro ni Jacob ang likuran ng ulo niya. Ngayon lang namin napansin ang mga patak ng dugo sa suot niyang pang-itaas. " May p-pako pala yung kahoy.." He slowly drifted down in his seat. Tangina butas ata yung ulo ni gago.  " Oh my God.." Sera's friend gasped. Nakakaawa siya, panigurado unang beses niyang makakita ng ganitong mga pangyayari. " Achilles, go straight to Eirini Grounds." Agad na utos ni Kent. He ripped the hem of his shirt and put it in Jacob's wound to stop it from bleeding.  " Teka, pa'no sila Sera?" I protested. " They're not allowed to go in there, Kent." Kent looked at me for a moment and diverted his gaze at Sera's friend. " She's Javier's daughter." " Kilala niyo rin ang papa ko?!" Antoinette's POV " What may I help you, Sir?" Salubong sa'min ng concierge sa lobby ng hotel.  Napalinga-linga ako sa paligid at agad na namangha sa modern design nito.  The lobby is huge, everything in here screams elegance. The fact that it has a humongous chandelier at the center and a grand staircase to accompany it,  will definitely slap in your face that this hotel is not like any other hotel.  Luhod mga slapsoil.. " We're here to check in." Sagot ni Kuya Ryker. Napansin ko ang paglahad niya ng isang gold medallion sa harap ng concierge.  Magkano kaya 'yon pag sinanla?  " If you don't mind, may I see your mark, sir?" Magalang na tanong ulit ng concierge.  Mark? Anong klaseng abracadabra 'to? Bakit kailangan pa ng ganon gayong magchecheck in lang naman? Ako kanina pa gulong-gulo eh. Duguan yung kasama namin ngayon tapos imbes na sa ospital kami dumeretso ay sa hotel nila kami dinala?! Kung wala lang talaga dito si Kuya Ryker ay kanina pa 'ko nag-eskandalo. Bahagyang itinaas ni Kuya Ryker ang mga bracelet niya kaya't nalantad ang maliit na tattoo sa may bandang palapulsuhan niya. Buti nalang at malinaw ang mata ko kaya't nakita ko kung anong itsura nito, saklap ngalang kasi di ko naman maintindihan. Parang latin or greek yung letters na ginamit eh.  Hindi nakalagpas sa paningin ko ang biglang paglunok ng concierge nang masilayan niya ang tattoo ni Kuya Ryker. Ilang segundo pa nga siyang natulala dito at saka lang gumalaw nang nag-ring ang telepono sa tabi niya. " Excuse  me, Sir." Paalam nito bago sagutin ang telepono.  " Yes, Señor. I'll send them right away." Rinig naming sambit niya. He eventually dropped the telephone and look at us before smiling. Creepy s**t. " Señor Javier has requested for you in the penthouse, you may go straight the elevator and pick the top floor as your destination." Javier? Wag mong sabihing..  Hindi! Maraming Javier sa mundo, Antoinette. 'Wag assumera!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD