Tia Hindi ko nagawang bumaba para sa hapunan dahil nahihiya ako at naiilang. Paano ko haharapin sa hapag si Arthur pagkatapos ng ginawa ko. Shame! Shame on you Tia! Hindi na rin nag-abala si Nanay na puntahan man lang ako sa kuwarto upang dalhan ng pagkain. Nagugutom na ako dahil pasado alas nuebe na ng gabi. Uminom ako ng tubig, halos masaid ko na ang laman ng mineral water na dala ko sa kuwarto. Naalala kong may mga chocolates at candy pala ako sa sling bag ko. Palagi 'yon nilalagyan nina Ton at Rica. Binuksan ko 'yon at kinulakot sa loob. Isang kitkat bar ang nadukot ko roon. Napangiti ako. Binalatan ko 'yon at nginatngat paunti-unti. Seryoso akong kumakain habang nakadapa sa ibabaw ng kama ko at nagpi-f*******:. Biglang rumehestro ang pangalan ni Arthur sa phone ko. His callin

