Tia Pagkatapos niyang paalisin si Avianna kanina ay inasikaso niya ako. Binilinan pa niya si Billy na huwag magpapapasok ng kahit sino. Binuhat niya ako sa taas at pinasok sa kuwarto. Pinaupo niya ako sa sofa at agad na kinuha ang medical kit niya sa loob ng bathroom. Tahimik lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Pinipigilan ko ang mangiti dahil sa reaksyon niya. Nagmamadali ngunit natataranta. Agad siyang kumuha ng bulak. May pinahid pang gel sa sugat ko sa noo bago niya dahan-dahan na nilapat ang bulak. "Aw!" Napangiwi ako ng kumirot ito. Napatitig siya sa akin na may pag-aalala. Inilapit niya ang mukha sa akin at hinipan ang noo ko. "Sorry baby. Pero kailangan natin gamutin iyan at baka magka-infection." Hinalikan niya ako ng mabilisan sa labi. Feeling ko ay p

