Adella's POV Tahimik ang paligid. Ang tanging ingay ay ang mahinang tugtog na musika. Kuyom ang kamao ko at parang bato na nakaupo. Nanlilinsik ang mga mata ko habang nakatingin sa harap ng Altar. Nakatayo doon ang lalaking pangarap ko. Ang lalaking iniibig ko bata pa lang ako. Nakaharap siya sa pari katabi ang babaeng pakakasalan. Bumulong ang luha ko sa magkabilang pisngi. Naipit pa sa lalamunan ko ang hikbi na balak kumawala sa akin. Ganito kasakit na masaksihan ang taong mahal na mahal mo na ikakasal na sa iba. Ang sakit! Para akong dinudurog nang pinong-pino. Pakiramdam ko pa ay para akong hinihiwa at binubudburan ng asin ang mga sugat ko. Gano'n kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit pa kasi ako nag-attend sa kasal? Bakit pa ako sumama kina Daddy at Mommy? Ako ang gumawa ng i

