Chapter 28 Ilang minuto lang ay may nagdo-door bell na. Alam kong si Joyce na iyon kaya bumangon na rin ako. Inayos ko ang sarili ko. Gusto kong magtutuos kami ng babaeng iyon. Kung ayaw ni Axel na sagutin nang diretsahan ang mga tanong ko, baka kay Joyce ko malalaman ang lahat ng mga gusto kong malaman. May hindi sinasabi sa akin si Axel at iyon ang gusto kong malaman sa pinaghihinalaan kong babae niya. Si Mama ang nagbukas ng pintuan. Siya na rin ang nagpapasok. Hanggang sa kinatok na kami ni Mama sa aming kuwarto. “May bisita kayo anak. Joyce daw ang pangalan. Nasa sala. “Papasukin na lang ho ninyo dito sa kuwarto namin, Mama. Kaklase ko ho siya. May ginagawa kaming research,” pagdadahilan ko kay Mama. “Sige. Papasukin ko na lang dito sa kuwarto ninyo.” Ilang sandali pa’y may ku

