Chapter 26 Ngayon ko talaga malalaman ang lahat. Nang nakita kong sumakay siya kotse niya ay nagtago na muna ako. Nagdadasal ako n asana pagbaba ko may makuha agad akong taxi o kahit angkas na motor. Sana hindi ako mabigo. Nang alam kong nakalabas na ay pumara agad ako at saktonng may padaang angkas na wala namang pasahero. Umaasa na sana hindi pa siya na-book online ng iba. Huminto. Pumapanig talaga sa akin ang pagkakataon. Mas okey na kung motor ang masakyan ko nang hindi maipit sa traffic para madali ko lang din siyang masundan kung saan sila magkikita ng kanyang babae. “Kuya, huwag na huwag kang malilingap ha? Sundan lang ho natin yang puting kotse na ‘yan.” “Okey po, Ma’am. Huwag kang mag-alala ma’am. Pasuot na lang ho nang maayos ‘yang helmet ninyo kasi kapag mahuli tayo at di n

