“Dev, gising. Your mom called and she said na sa La Familia Hotel daw tayo magkikita, mamayang alas otso pa naman daw but I'm waking you up so that makakain ka muna kahit kaunti since kakain din naman mamaya.” dahan dahan kong minulat ang mabigat kong mga mata at ramdam kong namumugto na ito kakaiyak ko kanina at kahit na mabigat pa rin ang loob ko ay hindi ko na feel ang umiyak siguro ay dahil pagod ako.
“Maliligo nalang muna ako, wala akong ganang kumain.” saad ko at parang lantang gulay na lumakad na sa kuwarto ko.
MECAILA
“Sa totoo lang? Awang awa na 'ko kay Devi, sa lahat ng nakarelasyon niya, wala man lang matino o nagtagal ng apat na buwan man lang.” pagsasabi ni Miles ng katotohanan dahil kahit ako rin ay nakapansin na hindi naman nagpakatotoo sakaniya lahat ng naging kasintahan niya.
“Ilang beses na nating pinagsabihan si Devi na pagpahingahin na ang puso at baka sa ilang beses na mabigo ay baka hindi na talaga siya iibig muli.” singit ni Rafa na hindi ko namalayang pumasok na pala sa kusina kung nasaan kami ni Miles.
“I don't know what to say to her anymore. It feels like she's not listening naman and ang ending magiging tama na naman ang hinala natin.” nadidismayang saad ko, bumuntong hininga si Miles at pinagpatuloy na ang pagluluto ng adobo.
Nanibago rin ako sa galaw ni Devi ngayon lang kasi hindi naman siya ganon, kapag galing siyang iiyak magiging okay na siya pero ngayon parang ang bigat pa rin ng loob niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko kung paano niyang minahal yung lalaking yun kahit hindi ko alam kung ano ang kamahal mahal dun.
“I feel like alam ni tita Delilah yung nangyari since the dad of Paulo and tito knows each other. I can imagine tita's question already. Kailan ka ba mag-aasawa, Devina? Ikaw ang panganay pero ikaw pa ang huling mag aasawa!” ginaya pa ni Rafa ang tono ng pananalita ni tita Delilah.
“Hindi naman kasi dapat minamadali yung pag ibig na 'yan. We all have perfect time for our love, carreer and relationship. Ewan ko lang ba kay tita why she wants Devi to settle.” natapos nang magluto si Miles at naghanda na kami ni Rafa ng mga plato at kubyertos sa lamesa at sakto namang bumaba si Devi at wala itong kaemo-emosyon kaya hindi agad kami nakaimik.
“Mommy knows... and nandoon na yung lalakeng ipapakasal niya sa'kin. Should I be happy?” malamyang usal niya at napalunok ako dahil alam kong nahihirapan siya sa pinaggagawa ng mommy niya.
“Uhm... may susuotin ka na ba?” pag iiba ni Miles sa usapan at umiling si Devi.
“I'll be late. Magkita nalang tayo dun, just tell mom I have some errands to do but susunod din ako.” saad ni Devi at dali daling pumunta sa kwarto niya at nagkatinginan naman kaming tatlo na may pagtataka sa mukha.
“Matutulog ba siya ulit? Or aalis siya?” nagkibit balikat ako sa tanong ni Rafa dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Devi.
“Just let her be, pagpahingahin niyo na muna sa mga tanong si Devi. She's a grown up na, hindi niya na kailangan ng reminder sa kung ano ang tama at mali.” mahinaong saad ni Miles at kahit na nag aalala ay hindi ko na rin nagawang magsalita pa.
Kumain na muna kami at habang ngumunguya pa ako ay biglang bumaba si Devi na nakadamit pang party. She's wearing a black ruched satin bodycon dress that's really hugging her shapely thick body.
“Your mom will be mad mad.” nakangiting usal ni Rafaela pero nakangiti at namamangha sa Devina na nakikita namin ngayon.
“I'll change before ako pumunta sa hotel, aalis muna ako. Since matatali na naman pala ako, then why not enjoy the last day as a free woman?” Devi smirked and umalis na, iniwan kaming nakatulala sa sinabi niya.
“I just said earlier na hindi na dapat natin siyang tanungin but she didn't say anything about where she's going!” nag aalalang saad ni Miles at nagkibit balikat naman si Rafaela.
“Looks like she's going to a bar tapos magwalwal and then pupunta siya sa hotel na medyo lasing so that ma-turn off sakaniya yung magiging fiancé niya.” parang excited pa si Rafa sa mangyayari na para bang ini-imagine niya pa yung susunod na mangyayari.
“Kakapanood mo 'yan ng mga kdrama, teh! Tama ka na nga! Baka mag iinom lang ng slight and then pupunta na sa hotel.” mahinaon na saad ko kahit nag aalala na rin ako.
“She just said enjoy! So meaning mage-enjoy talaga siya and knowing Devi? Hindi siya matutuwa sa a little bit of alak lang.” nag aalalang saad ni Miles.
“Should we tail her?” suhestyon ni Rafa na ngumunguya pa sa sinubo niyang kanin, bumaling ako kay Miles nang tumayo siya.
“No, we're not gonna tail her. Hahayaan natin siya and then before 7 we should text her or call and ask if okay ba siya and uuwi na ba siya. It's 5 pa naman so, may time pa siyang mag inom but I just hope she's not planning to be drunk dahil alam kong sasabihan na naman siya ng masasakit na salita ni tita Delilah.” sumang ayon ako sa sinabi ni Miles.
DEVINA
Nagmamaneho na ako papunta sa bar na pupuntahan ko. I'm planning to get wasted tonight so that mom will be disappointed and then baka itakwil niya na 'ko.
I arrived at the bar and pinark ko muna ang car ko sa parking lot ng bar. This bar is famous huge and what's even good is 24 hours itong bukas and masasarap pa magtimpla ng alak ang mga bartender.
It's good to be back here.
“Are you here for someone?” tanong ng babaeng nasa entrance ng bar, minsan kasi may mga taong nandito to meet someone and some of them usually books the VIP room and even VVIP rooms.
“No, I'm just here to drink.” simpleng sagot ko, tumango naman ang babae kaya binigay ko na ang ID ko, they're making sure na hindi ako minor that's why they need IDs before I can enter.
Hindi ko na first time ang pumunta dito, sometimes pumupunta ako dito to have fun kasama sila Miles but tonight, it's just me wanting to have fun because tomorrow we never know, baka nabuntis na 'ko ng hindi ko kilalang lalake.
“Okay na po, miss.” binalik na ang ID ko bago ako tuloyan nang pumasok and bumungad agad sa'kin ang amoy ng sigarilyo, pabango at alak.
Madalas kasi na pumupunta dito mga mayayamang walang magawa sa pera nila, it's like they're here just to spend money and have fun and bawal din dito yung mga girl's for fun or yung babaeng binabayaran for entertainment or play. Yung mga waitress nga nila dito may dalang mga injection eh na pampatulog if ever na may manggalaw sakanila they can inject it and nasa protocol yun ng bar kaya walang nagtatangkang mambastos sa mga waitress and waiter dito.
“I want a don Julio 1942 shot, please.” I ordered in the counter and umupo sa stool na nasa harap nito.
“Starting hard, madam?” nakangising tanong sa'kin ng bartender na naka-eye maskara, para ito na hindi makilala ng mga tao ang mga bartender, waiter and waitresses dito.
“Yeah, I want something that will make me drunk or more.” deretsang sagot ko sa bartender, umiling iling ito.
“If you want to be drunk, at least dahan dahan. You're alone pa naman edi kapag hindi ka na makalakad sa kalasingan mo, responsibilidad pa namin?” umirap ako sa bartender dahilan para matawa ito.
“Gosh, Vaughn! Just give me the drink!” iritang demand ko na sa pinsan ko at natawa naman ito lalo.
He's Vaughn Deandre, my cousin in father's side and siya lang ang close ko sa lahat ng pinsan ko sa father side, maybe it's because hindi ko naman talaga sila nakilala. Si Vaughn lang talaga ang makulit na nag reach out sa'kin saying na pinsan ko raw siya and kapatid daw ng mama niya ang dad ko and he's fun to be with kaya naging close kami. Ang nakakainis lang sakaniya is ang hirap niyang mawalan ng energy kaya kapag magkasama kaming kumain sa labas ay hindi lang kain ang ginagawa namin, pati pagpunta sa mga playzone for kids and adults, pagpunta sa mga museum kahit hindi naman talaga ako mahilig sa art.
And for more info, sakaniya 'tong bar na 'to but hindi alam nila Caila na pinsan ko ang may ari ng bar na 'to.
“We have VVIP visitor pala. Investor din siya sa bar kaya I want you to meet him so h'wag ka na munang magpakalasing.” saad niya, umirap ako.
This is what I am talking about! For god's sake, I am here to get wasted pero parang mapapalaban pa ako sa mga knowledge ko about sa business.
Jusko po rudee!
“Tangina, Vaughn. I'm not here just to get wasted! I'm here para mabuntis ng lalakeng hindi ko kilala.” napakunot ang noo ni Vaughn dahil sa sinabi ko and binaling ang buong atensyon sa'kin.
“Hindi ka pa nga nakakainom ay nasiraan ka na ng bait.” seryosong saad niya kaya umirap ako ulit sakaniya.
“I want my mom to be disappointed sa'kin and itakwil ako.” wala sa sariling natawa ako sa sinabi ko dahil para na nga akong nasisiraan ng bait.
“Teka lang. Mag off muna ako tska tayo mag usap.” saad niya at hinubad ang itim na apron na sinusuot niya at tinapik ang isa sa bartender at tumango ito.
“My mom arranged a marriage for me because she wants me to be settled.” deretsang sabi ko sakaniya at natigilan naman siya at nagtaas ng kilay.
“Is that why gusto mong magpabuntis ng kung sinong lalake? What's up with you, Dev? Lumuwag ba tornilyo sa utak mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Vaughn, napayuko naman ako.
“Ewan ko. Hindi ko na alam.” umiiling na saad ko pa, nadidismaya dahil sa nangyayari sa buhay ko.
“You know what? You can seduce my investor. He's 32 and you're 29, what do you think?” natigilan at napaisip ako sa sinabi niya pero umiling ako.
“Ayoko na sa mga lalake, napapagod na 'ko.” saad ko, Vaughn scoffed like I just said something unbelievable.
“Alangan namang kung sinong lalake nalang bumuntis sayo? This man is one of the richest people in Asia, Dev! Kung magpapabuntis ka na man lang, dun na sa may pera at kayang buhayin yung pamangkin ko.” saad ni Vaughn, napaisip ako sa sinabi niya dahil ayoko ng pagsisihan ang mga desisyong nagawa ko sa buhay ko.
“Hindi ko naman sinabing hihingi ako ng pangsustento, kaya ko namang buhayin yung magiging anak ko.” saad ko sakaniya, umiling iling siya.
“If you were to be pregnant, your mom will be disappointed and you will mana-less. Kahit anong business na pagmamay-ari mo ay mawawala dahil kukunin niya sa'yo. You think papalampasin ni tita ang mangyayari? She's not a saint, Dev and she's barely a mother to you.” nalungkot ako sa sinabi ni Vaughn because he's right, I'm no one without my mom's help.
“I have savings, ATM and things that can help me build a new business.” sabi ko pa, umiling si Vaughn na parang impossible iyon.
“Savings from? Your mother's connections and the ATM? Is connected to your mother's bank account am I right? You need to have a plan, Devi. Lalo na at pinaplano mo ay pang out of the world's plan.” napabuntong hininga ako sa sarkastikong tono ni Vaughn.
“But how am I gonna be sure na maaakit ko ang investor mo? I mean if he's a billionaire then who I am to him? Kung tutuosin mas marami pang maganda kesa sa'kin.” he scoffed and smiled.
“Ganiyan na ba ka low ang self esteem mo, Dev? Akala ko ba you're strong and confident? Ako bahala sayo, irereto kita hanggang sa magustohan ka nun. Mabait yun!” napakunot ang noo ko dahil parang kilalang kilala niya ang investor niya.
Napatingin na lamang ako sa sinerve na don Julio 1942 sa'kin nung bartender na tinapik ni Vaughn kanina at walang pagdadalawang isip na ininom iyon.