"Ms. Raven?" Tawag sa akin ng isang boses
"I know, but can you give me at least five minutes? Gusto ko pang makasama si mama" sagot ko habang nakayakap pa rin kay mama
"S-sure, we will just wait here" aniya ng isang babae
Kumalas ako sa pagkakayakap ko mula kay mama at umayos ako ng tayo sa harap nya at hinawi ko ang buhok nya
"Maybe this is really your time to be with Papa in paradise. Ayoko namang nakikita kang nahihirapan tuwing inaatake ka ng sakit mo, magpahinga ka ng mabuti mama kasi doon wala ka ng sakit na mararamdaman at makakasama mo na rin si papa doon. I love you so much mom" I said and kissed her forehead
"You can take her now" saad ko at nginitian ang mga nurse
I watched them put Mama on the stretcher and take her out of the operating room wrapped in a white cloth. Well, I guess that's for good, ayaw ko na rin namang makita si mama na mag-suffer, pero ang sakit pa rin kasi sya na lang yung meron ako, sya na lang yung pamilyang meron ako pero nawala pa
"Sabi ni doc maiwan daw ang dalawa satin para linisin yung kwarto ni Mrs. Raven" rinig kong saad ng isang nurse
"Excuse me, pwedeng ako na lang ang maglinis ng kwarto nya?" Singit ko sa usapan nila
"But Ms. Raven..."
"Ito na lang yung huling magagawa ko kay mama, so please let me be the one who clean her room" saad ko naman at nginitian sila ng mapait
"Sige po, sasamahan ka na lang namin" saad ng isang nurse sa akin na syang tinanguan ko lang bilang sagot at nauna na akong lumabas sa operating room upang magtungo sa kwarto ni mama
Pero teka lang...
Anong dahilan bakit inatake sa puso si mama?
"Nurse" tawag ko, bahala na kung sino sa kanila ang tumingin dahil hindi ko naman sila mga kilala
"Yes, Ms. Raven?" Sabay sabay nilang tanong
"Asaan si mama nang atakihin sya sa puso?" Kunot noong tanong ko sa kanila
"Sa lounge po Ms. Raven. Kasama nya ang ibang pasyente nang bigla syang atakihin sa puso" sagot sakin
"Can I see them?" I asked
"Para saan po?"
"I just want to know something" I said and smile at them bitterly
"S-sige po" utal na saad nung isang nurse at nauna nang maglakad sakin na sya ko namang mabilis na sinundan
5 MINUTES
"Dito po ang kwarto ni Mrs. Alfue. Sya po ang laging kasama at kausap ni Mrs. Raven tuwing lalabas sila sa lounge" aniya ng nurse
"Thanks, hintayin nyo na lang ako sa kwarto ni mama" nakangiting sambit ko
"Sige po" tugon nya sakin at agad na umalis habang ako naman ay nakatayo sa harap ng kwarto ni Mrs. Alfue
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
"Pasok" rinig kong saad ng isang boses mula sa loob kaya naman ay binuksan ko na ang pinto at pumasok
"Good afternoon Mrs. Alfue" bati ko
"Sino sila?" Tanong nya sakin habang nakaupo sa kanyang kama
"Keilee Raven, anak po ako ni Heena" sagot ko nang makalapit ako sa kanya
"Ikaw ang anak ni Heena?!" Tanong nya na may halong pagkagulat
"Opo" maiksing sagot ko
"I'm sorry for what happened, my deepest condolences hija" Mrs. Alfue said
"Ang bilis po ng balita haha" I faked my laugh
"Siguro kung hindi ko sya inayang manood sa lounge, edi sana andito pa sya hanggang ngayon" aniya Mrs. Alfue kasabay ang pagtulo ng luha sa kanyang mga pisngi
"Manood?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Heena pero dahil sa nakita nya sa TV. Sigurado akong dahil sa mapanood namin kaya ganito" hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Mrs. Alfue, dala ba ito ng katandaan o sadyang ganito lang talaga sya?
"Ano po bang nakita ni mama sa TV?" Tanong ko pa
"Bigla na lang sumikip ang dibdib ni Heena nang makita nya sa balita ang pangalang River Collymore" halos mawalan naman ako ng balanse dahil sa sinabing iyon ni Mrs. Alfue
She saw the news...
"S-sigurado p-po b-ba k-kayo?" Utal utal na tanong ko
"Oo, tinawag pa nga nya ang pangalan mo bago sya bumagsak at mawalan ng malay" sagot nya sakin
Mom saw the news about River and Kayla. That's why she had a heart attack.
"It's my fault" mahinang saad ko
"Hija?" tawag sakin ni Mrs. Alfue
"Ah, eh... S-sige p-po m-mauna n-na p-po a-ako" utal utal na saad ko at dali dalil kong lumabas sa kwarto at nagtungo sa restroom at nagkulong ako sa isang cubicle
I don't know what to do anymore. My emotions are overflowing that it's like I'm going to break down anytime. Just because of that news aired on TV, I lost the person who was most important to me.
"So it's River HAHAHAHA!"
"So River was the reason mom had a heart attack."
sa dinami raming pwedeng maging dahilan ay si River pa talaga, panigurado akong gulat na gulat si mama nang makita nya ang nasa balita at siguro inakala nyang nag-cheat sakin si River kahit na ang totoo ay kontrata lang naman ang kasal naming dalawa, at dahil sa pagpapanggap kong ito ay nawala sakin si mama. Because of what I did...
FIVE DAYS LATER
Limang araw na ang nakalipas simula ng mawala si mama at heto ako ngayon sa bahay namin kung saan ginaganap ang burol. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ni mama ay hindi ako magsasayang ng oras na isagawa ang burol na ito, can't help it.
"Ate Keilee?" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses
"Oh, Sanjo?!" Singhal ko sa gulat
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa
"Bawal ko bang makita ang dati kong teacher?" Nakangiting tanong nya sakin
Oh, I almost forgot na music teacher nga pala si mama at dati nyang estudyante si Sanjo
"HAHA, ang bilis ng pangyayari ano?"
"Nasa baba rin po sila Zaikie at Danwil" aniya Sanjo
"I see, the three idiots are still together huh?" Biro ko naman sa kanya na ikinakunot ng noo nya
"You still calling us that?!" He pouted
"HAHAHAHA! My bad, nasanay lang talaga ako na ganun ang tawag ko sa inyo" tugon ko sa kanya
"You know, ate Keilee, you're so strong" he's voice become serious
"What do you mean?" Tanong ko
"Teacher Heena passed away five days ago and here you are. You're still smiling even though you're so broken inside." He said
"Don't look at me like that" saway ko sa kanya at laking gulat ko naman ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit
"W-what a-are you doing?" Utal na tanong ko
"Don't worry, ate Keilee, dahil andito ako para sayo kahit ano mang mangyari" sagot sakin ni Sanjo at maya maya pa ay may naramdaman akong mainit sa balikat ko kasabay ang paghikbi ni Sanjo
"Hmm, thank you Sanjo" saad ko at hinagod ang likod nya
"Ang daya ni teacher, ang sabi nya sakin noon na manonood pa sya kapag kinasal na ako pero bakit anong ginagawa nya doon?" Ahhh, so hindi lang pala ako ang nangulila nang mawala si mama. Hindi lang pala ako yung nasaktan nang mawala si mama
"You've just turned twenty, huwag mo munang isipin ang kasal" biro ko sa kanya
Dahil hindi naman lahat ng kasal ay masaya.
"Kahit na" he said
"Anyway, tama na ang drama ayaw ni mama ng nag-iiyakan di ba?" Pagiiba ko ng usapan at kumalas mula sa pagkakatyakap ni Sanjo sakin
"T-tama kayo" utal nyang sagot at umayos ng tayo
"Let's head back, maraming bisita si mama kaya dapat andoon tayo" I smiled at him bitterly
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin sa loob ng limang araw pero parang napagod agad akong umiyak at wala nang gustong umagos mula sa mata ko at limang araw na rin simula nang makita ko balita tungkol kay River at ni isang text o tawag man lang ay wala akong natanggap sa kanya
"Is it because it's true?"
"Huh? Ang alin ate Keilee?" Tanong sakin ni Sanjo na ikinagulat ko
"Huh?"
"Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?" Tanong nya pa
"Did I say something?" Tanong ko
"Is is because it's true?"
"Ayon ang sabi mo" tugon sakin ni Sanjo
"Ah! Wala 'yon may iniisip lang ako" hindi ko alam na sinabi ko nang malakas ang nasa isip ko, I should be careful
"Ate Keilee!" Sabay na tawag sakin nina Zaikie at Danwil nang makita nila ako
"Zaikie, Danwil!" Tawag ko sa kanila
"Okay ka lang ba ate?" Malungkot na tanong sakin ni Zaikie
"Kailangan mo pa bang itanong 'yan!" Singhal naman sa kanya ni Danwil
"Shhh!" Saway ko sa kanila
"Bakit hindi mo man lang kami sinabihan ate at sa ibang tao pa namin nalaman" aniya Danwil na may halong pagtatampo sa kaniyang tono
"Bukod sa busy ako na asikasuhin lahat ng papel ni mama ay bago palang kayo sa college at nalaman kong may exam kayo at ayaw kong maapektuhan ang exam performance nyo dahil sa pagkakawala ni mama at paniguradong ayaw rin ni mama na mangyari 'yon" paliwanag ko sa kanila
"Kaya hindi mo agad sinabi samin at hinayaan mong sa ibang tao pa namin malaman?!" Inis na tanong sakin ni Danwil
"Oo" mabilis na sagot ko sa kanya
"Bakit?" Nakangising tanong pa nya
"Hindi ko na dapat sagutin 'yan" sabi ko naman at tinalikuran silang tatlo
"A-ate K-eilee" utal na tawag sakin ni Zaikie
"Bakit?" Tanong ko naman
"I'm sorry for your lost" he said
"What's that? HAHAHAHA" saad ko at dumiretso na ako sa kusina para paghandaan sila ng pagkain
"Magsi-upo na kayo dito!" Tawag ko sa kanila
"Oo nga pala ate Keilee. Where's your husband?" Biglang tanong sakin ni Sanjo
"What?!" Singhal ko sa gulat
"Wala ba sya dito?" Tanong pa nya
"Kasal ka na ate?!" Hindi makapaniwalang tanong naman nung dalawa
"Saan mo nalaman 'yan, Sanjo?" Tanong ko
"Sinabi sakin ni teacher" sagot nya
"Sinabi nya ba sayo kung sino?" Tanong ko pa
Hindi ko alam kung kailan sinabi sa kanya ni mama ang tungkol sa pekeng kasal ko
"Hindi, ang sabi nya lang sakin na kasal ka na" thank god she didn't named River
"That's not the question here. Kasal ka na ate?!" Ulit na tanong ni Zaikie
"Well..." Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa kanila di ba?
"Well?"
"What you have heard from Sanjo is true, oo, kasal na ako dalawang taon na" sagot ko
"Dalawang taon na?!" Sabay sabay nilang sambit
"Oo" maiksing tugon ko naman
"Bakit hindi namin alam?" Kunot noong tanong ni Danwil
"Well, hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa inyo ang totoo tutal wala na rin si mama" saad ko at ngumiti ng mapait
"Anong totoo?" Naguguluhang tanong nilang tatlo sakin
"The truth is..." Umupo ako at sinimulan ko nang ikwento sa kanila ang tungkol sa kasal simula sa parteng magkasakit si mama at kailangan ko ng pera hanggang sa pumayag ako sa pekeng kasal para matustusan ang hospital bill ni mama at hanggang sa kung paano ako nahulog sa lalaking sa kontrata ko lang matatawag na asawa pero hindi ko na sinabi sa kanila na si River ang asawa ko dahil alam kong kilala nila ang mga Collymore. Wala akong tinirang detalye tungkol sa naging buhay ko sa loob ng dalawang taong kasal ako kay River, wala na rin namang mawawala sakin kung sabihin ko sa kanila as long as hindi nila malaman na isang Collymore ang napangasawa ko di ba?
"And that's what happened" saad ko nang matapos akong magkwento sa kanila
"Hindi ko alam na nagpakasal ka sa isang hayop ate" saad ni Danwil
"At hindi man lang nya alam ang nangyayari sayo ngayon? Such a scumbag!" Inis na sambit naman ni Sanjo
"Dapat samin ka na lang nagsabi ate dahil andito lang naman kami, tignan mo dalawang taon ka na palang nagkakaganyan tapos hindi man lang namin mga alam" dagdag pa ni Zaikie
"Alam kong mga anak kayo ng mga burgis pero hindi iyon dahilan para kayo ang takbuhan ko" sabi ko naman sa kanila
"But still, ate you marry a jerk" Sanjo rolled his eye on me
"Hiwalayan mo na lang kaya sya" Danwil suggested
"I can't" maiksing tugon ko sa kanya
"Why? Don't tell us that he threatened you?" Aniya Zaikie
"No, base sa kontrata namin sya ang magdedesisyon kung kailan at saan namin tatapusin ang kontrata namin" pero ayaw kong matapos ang kontrata namin
CLING!
"Someone texted you, ate" said Zaikie and pointed his finger towards my phone
"Secretary Sid?" Kunot noo kong sambit nang makita ang pangalan ng secretary ni River sa screen ng phone ko kaya naman agad ko itong kinuha at binuksan ang message nya sakin
"I think I need to go out for a while. Can you guys watch mom for a while and take care of the guests?" I asked
"Sure, but where are you going?" Tanong ni Sanjo
"I'm going home to meet my husband's secretary" I answered
Hindi ko na hinintay ang iba pa nilang sasabihin bagkus ay mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko at tumakbo palabas ng bahay at pumara ng taxi
"I'm here at your house but you're not here. Mrs. Collymore, I have something to give you from Sir River." Basa ko sa text ni secretary Sid para sa akin
Ano naman kaya ang ibibigay nya sakin at bakit hindi na lang si River ang magbigay sakin paguwi nya at isa pa hindi ba't kasama si Sid sa Maldives?
45 MINUTES LATER
Nang makababa ako sa taxi at maibigay ang bayad ko ay agad akong pumasok sa bahay kung saan ay naabutan kong nakaupo sa sofa ng sala si secretary Sid
"Secretary Sid" tawag ko sa kanya at agad ko itong nilapitan
"Mrs. Collymore" saad naman nya
"Anong ginagawa mo dito, di ba dapat ay nasa Maldives ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya
"I just came back because, sir River asked me to give this to you." He said and hand me a brown envelope
"What is th----" Natigilan ako nang buksan ko ang envelope at makita ang papel na laman nito
"What is the meaning of this?" Naguguluhang tanong ko
"I also don’t know what’s running through Sir River’s mind." He just simply replied. I was so shocked by what I saw written on the paper that my vision seemed to blur and everything around me seemed to be spinning.
"Annulment paper? Does he really want to end our contract this time?" Tanong ko
"As you talked about before, at the end of your marriage contract, after you sign this annulment paper, all the agreements you said will be followed legally." Sid said calmly
Of course, our marriage was just an agreement, and I was the fool who really fell in love with River and hoped that our relationship would be true. Our two years of marriage will end with a piece of paper.
"Kaya ba gusto na ni River tapusin ang kontrata namin ay dahil sa bal----" Sid cut me off
"Wala po akong karapatang magsalita tungkol sa relasyon nyo, ginagawa ko lang kung ano ang iniutos sakin" saad nya
"Well, I guess that's the answer I want to hear" nakangising saad ko
Gusto ko ba talagang matapos 'to?
"Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Heena pero dahil sa nakita nya sa TV. Sigurado akong dahil sa mapanood namin kaya ganito"
"Eh?" Natigilan naman ako nang bigla kong maalala ang sinabing iyon ni Mrs. Alfue
"Bakit Mrs. Collymore? May hindi ka ba nagustuhan sa arrangement?" tanong sakin ni Sid
Right, bakit pa ba ako aasa kay River na mamahalin nya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya kung sya ang taong dahilan kung bakit nawala si mama sa buhay ko kaya bakit ko mamahalin ang taong pumatay sa magulang ko?
"HAHAHAHAHAHAHA!"
"Mrs. Collymore?" Tawag sakin ni Sid
"Oh no, call me Ms. Raven, because I'm not Mrs. Collymore in the first place." I smirked at him
"Kontrata lang naman ang kasal namin kaya hindi na namin kailangang magkita sa korte para sa iba pang kabalbalan di ba?" Dagdag ko pa na tinanguan lang ni Sid
"Sir River said that he will not accept this paper without your signature and that you only have it until he returns to sign your annulment paper." Sid explain
"At kapag hindi ko 'to pinirmahan hanggang sa makabalik sya ay pepwersahin nya ako na pirmahan ito?" Hindi naman nakasagot si Sid sa sinabi kong iyon
"Don't worry Mrs. Collym---" I cut him off
"Ms. Raven" sabi ko
"Ms. Raven" ulit nya sa sinabi ko
"Wala ka naman nang ibang iisipin kapag pinirmahan mo itong annulment paper dahil makakakuha ka ng malaking compensation" said Sid
"At isa pa may linggo ka pa para pirmahan ito" dagdag pa nya
"Don't worry Sid hindi mo ko kailangang pilitin" nakangiting saad ko sa kanya
"What do you mean?" Tanong nya sakin
"This is what I mean" saad ko at kitang kita ko namang ang pagkagulat ni Sid nang makitang pirmahan ko agad ang annulment paper
"Done" saad ko pa
"M-ms. Raven" Utal nyang tawag sakin
"Now that I have signed the annulment, it means that we are no longer connected from now on, and from now on we will never see each other again, right?" Nakangising sambit ko
"Ahem, since napirmahan nyo na ang annulment ay ang ibig sabihin lang nito ay hindi na kayo pwedeng bumalik dito sa villa, wala naman kayong ibang dapat na ipag-alala dahil tatawag ako ng mga tao para tulungan kang kuhain ang mga gamit mo" paliwanag ni Sid
"Hindi na kailangan Sid, lahat ng gamit ko dito ay galing sa pera ni River at ngayong tapos na ang kontrata namin ay ibabalik ko na sa kanya lahat ng gamit na ibinigay nya sakin. Simula sa bahay hanggang sa mga damit at sapatos" tugon ko naman sa kanya
"But"
"No buts, mauuna ako. Salamat sa lahat ng tulong mo sakin Sid until now" saad ko bago ako tumayo at umalis
Nang makalabas ako sa villa ay nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib, hindi ko alam ang gagawin ko dahil sobrang sakit ng puso ko na parang ilang beses akong sinaksak. Patuloy akong naglakad dahil nasa teritoryo pa rin ako ni River, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko na lamang ang sarili kong humahagulgol sa tabi ng kalsada
"It hurts..."
Ngayong tapos na ang kontrata namin ni River ay hindi na ako pwedeng bumalik sa villa at higit sa lahat ay hindi na rin namin makikita ang isa't isa. Dalawang araw na lang ay ililibing na si mama, may dahilan pa ba ako para manatili dito?
"Keilee?"
"Who?"
"Keilee, ikaw nga!"
"Mr. Cruz?!" Sigaw ko sa gulat
"What are you doing here?" Tanong nya sakin kaya agad akong tumayo at pinagpagan ang suot ko
"Are you crying?" Dagdag na tanong pa nya
"Hindi ko alam na makikita kita dito Mr. Cruz. Do you live in this Neighborhood?" Tanong ko naman sa kanya
"No, I just visit an old friend of mine" he answered
"What about you?" He asked
"Ah, may dinaanan lang po ako dito" sagot ko sa kanya
"You don't look well, ayos ka lang ba?" Tanong pa nya
Siguro isa na sa karakter ni Mr. Cruz ang pagiging matanong na tao
"Well, I'm not actually okay" I smiled at him bitterly
"Anong nangyari?" Tanong nya sakin at magsasalita na sana ako nang makita ko ang kotse ni Sid kaya dali dali kong hinatak si Mr. Cruz papunta sa isang eskinita upang magtago
"W-w-w-what?" Utal nyang tanong sakin
"Keilee, ano bang nangyayari sayo?" Dagdag na tanong pa nya
"Oh, I'm sorry. May nakita lang po akong kakilala ko kaya medyo nagpanic ako hehe" palusot ko sa kanya
"Hindi ka mukhang okay, you can tell me if there's something wrong going on" he said
Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap kay Mr. Cruz at nagsalitang muli "sa totoo lang po hindi ako okay... My mom passed away five days ago and my lover broke up with me"
Mr. Cruz seemed surprised because of what I said that left him speechless and just stared at me while his mouth was slightly open, which was a sign of shock.
"Am I so pitiful that you can't speak?" Dagdag ko pa habang nanginginig ang boses ko.
"N-no, ano... Hindi ko lang alam ang sasabihin ko" mahinang tugon nya sakin. Kahit ako rin, hindi ko din alam ang sasabihin ko sa sarili ko dahil sa mga nangyari at patuloy na nangyayari sa buhay ko ngayon
"Sya nga pala, Mr. Cruz" saad ko
"What?"
"Payag na po ako sa proposal nyo" nakangiting saad ko sa kanya
That's right, mas mabuti kung sasama na lang ako kay Mr. Cruz tutal wala naman na si mama at tapos na rin ang kontrata namin ni River kaya wala na akong ibang dahilan para manatili dito at higit sa lahat malaya na akong gawin ang mga bagay na gusto kong magawa gaya na lang ang abutin ang pangarap kong maging isa archeologist dahil alam ko sa sarili ko na kapag nanatili ako dito sa pilipinas ay hindi malabong magkita pa kami ulit ni River dahil bilang isang sikat na businessman kalat dito sa pilipinas ang pagmumukha at pangalan nya.
"Wait a minute" aniya Mr. Cruz
"Bakit po?" Tanong ko
"Wait lang Keilee ah" sagot nya
"Sige po"
"Listen to me, masaya akong pumayag ka na sumama sakin sa China para sa ekspidisyon ko na ito pero sigurado ka ba sa desisyon mo?" Saad ni Mr. Cruz
"Oo naman po, wala na si mama kaya wala na rin po akong ibang rason para manatili dito" mabilis kong sagot sa kanya
"Wait, I think it’s okay if we talk about it somewhere else and not here in the alley that looks unsafe." Mr. Cruz said
"Oh, I forgot about that" pagsang-ayon ko naman sa kanya nang mapagtanto ko na nakatayo pa rin kami sa eskinitang pinaghatakan ko sa kanya
"Come with me, my car is nearby" he said and lead the way
When we got to where his car was parked, Mr. Cruz and I immediately boarded it and headed to a cafe near their company headquarters.
"So about what you said earlier." Paguumpisa ni Mr. Cruz sa usapan
"As I told you earlier, Mr. Cruz, I agreed to come with you to China not only because my mother is dead but also because I have long dreamed of becoming a full-fledged archeologist." I explained
"First of all, I just want to tell you that I sympathize with the loss of your mother, but are you really sure that you want to come with me and help me with this assignment or are you just confused because of what happened to you?" Mr. Cruz said
I sigh "to be honest Mr. Cruz alam ko sa sarili kong magkukulong lang ako sa kwarto ko kapag tapos ng libing ni mama at alam kong ayaw ni mama na mapabayaan ko ang sarili ko at isa pa po, gaya ng sinabi ko sa inyo na hiwalay na kami ng asawa ko... Gusto kong pumunta sa malayong lugar para hanapin ang sarili ko at makapag-move on" paliwanag ko pa sa kanya
"You know, I like your braveness and courage. Thank you." Nakangiting sambit nya sakin
"So I guess we're settled now?" I smile back at him
"Since you already agreed, guess we are" pagsang-ayon naman ni Mr. Cruz sakin
"Eh kailan po ang alis natin?" Tanong ko pa
"We can't leave right away because of your current situation. I want to make sure before we leave that you are well and have focus because this is an important assignment. But you don't have to worry because I will help you." Sagot nya naman
"I guess you're right, hindi dapat ako magmadali" mahinang saad ko ngunit sapat na ito para marinig ni Mr. Cruz na kaniya namang ikinatuwa
"Time sure flies fast. The sun is already setting." Aniya Mr. Cruz habang nakatingin sa labas ng Cafe kung saan ay tanaw namin ang paglubog ng araw na para bang isang mahika na pinapakalma ang magulo kong kaluluwa
"Yeah, it is" I said
After our long conversation, Mr. Cruz and I decided to leave. He took me home and peeked at mom for a while. I also introduced him to Sanjo, who was very shocked because of my news to them all.
"Sigurado ka na ba dyan ate?" Tanong sakin ni Zaikie
"Oo, babalik naman ako after a six months eh" sagot ko
"Should we sue your husband and his mistress?" Tanong pa ni Danwil na bahagya ko namang ikinatawa
"HAHAHAHA! Buti na lang at andito kayo kasi kung hindi eh baka nabaliw na talaga ako" saad ko
"Kasi naman ate Keilee, parang kanina lang ikinukwento mo palang samin lahat tapos biglang hiwalay na kayo sa isang iglap?" Nakangising sambit ni Sanjo
"Ika nga ng mga matatanda, everything happens for a reason" sabi ko naman
"Reason what?" Sabay sabay nilang tanong na mga nakakunot pa ang noo
"Na magagawa ko na din yung mga bagay na hindi ko nagagawa noong may kontrata pa ako" pilit akong ngumiti sa harap nila
"So you're saying na kaya sasama ka sa China kay Mr. Cruz ay para mag-move on at hindi para sa history?" Kunot noong tanong sakin ni Danwil
"You're not right but you're not wrong too" sabi ko
"Buhay mo naman 'yan ate eh, ang amin lang ay gusto sana naming masapak yung lalaki ay este makita kang masaya na wala kang ibang iniisip" sabi naman ni Zaikie
"Babalik naman ako dito kaya tigilan nyo yang pagkunot kunot ng mga noo nyo, sige kayo mas mauuna pa kayong magmukhang matanda kaysa sakin" biro ko sa kanila
"Eh apat na taon lang naman ang tanda mo samin" aniya Sanjo
"Pero kailan daw ang alis nyo?" Biglang tanong naman ni Danwil
"Well, nakadepende daw sakin. Kung kailan daw ako handa, ayon ang sabi sakin ni Mr. Cruz" paliwanag ko
"Sa tingin mo kailan ka magiging handa?" Tanong pa nila
"Matagal na akong handa dahil matagal naman na naming napagusapan ito ni Mr. Cruz, hindi ko lang talaga maiwan si mama pero dahil wala na si mama at tapos na rin ang kontrata namin ng ex-husband ko ay anytime pwede na akong umalis, aayusin ko lang lahat ng kailangan kong ayusin para sa libing ni mama and I think after a week pwede na akong umalis" tugon ko
"Pangarap mo namang maging historian eh" nakangiting saad naman ni Zaikie
"HUH?! HISTORIAN?!" Kunot noong tanong naman naming tatlo sa kanya
"Oh bakit?" Tanong nya
"Tanga, archeologist" pagtatama naman sa kanya ni Sanjo
"Huh? Di ba pareho lang naman 'yon?' Naguguluhang tanong nya
"Historians study and write about history, while archaeologists only write about history. Historians analyse old artefacts and write about them, while archaeologists study history. You get what I said?" Paliwanag ko naman kay Zaikie
"Aaaah! Eh halos magkapareho lang kasi sila para sakin" natatawang sabi ni Zaikie na napahawak sa kanyang batok
"We both study history pero ang pagkakaiba lang ng trabaho ng archeologist eh ang pagkalkal at pangongolekta ng mga artefacts" sabi ko
"Pero nag-take ka din ng history course di ba?" Tanong ni Danwil
"Oo, pero isang taon lang 'yon nung wala ng slot sa archeology noon" mabilis na sagot ko sa kanya
"Your work is so complicated" aniya Zaikie na kumakain na naman
"Don't worry mas magulo ang course mo" asar ko sa kanya
"Yeah, pre-med course really sucking up my energy tapos hindi pa pala ako tapos after ko sa pre-med nakakainis!" Pagrereklamo ni Zaikie
"Another nine years sa medical course, NMAT ang tawag doon di ba yung test para makapasok ka sa school of medicine?" Sambit ko
"Anyway, dadating daw yung iba nating ka-batch para makiramay" pagiiba naman ni Sanjo sa usapan
"Talaga?' Tanong ko
"Yeah, they chatted me" he replied
"Then I guess we need to cook something for them" sabi ko naman at agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nagtungo sa kusina upang magluto para sa mga darating na bisita ni mama
TWO DAYS LATER
After a few days, the time came when I needed to let go of my mom forever. The days are very fast because it seems like only yesterday I was still visiting her at the hospital, but now she is in front of me lying inside the coffin.
"Ito na talaga 'yon mama, ito na talaga yung oras na kailangan kitang pakawalan na panghabang buhay" saad ko habang aking hinihimas ang salamin ng kabaong ni mama
Sobrang sakit ng dibdib ko ngunit hindi ko magawang umiyak, walang luhang umaagos mula sa aking mata.It was as if I was already drained and my eyes got tired of crying.
"Goodbye mom" saad ko kasabay nito ang bahagya kong pag-atras upang bigyan ang mga tao ng espasyo para maiayos ang kabaong ni mama para maibaba ito sa ilalim ng lupa at doon na nga nag-umpisa ang mga tao na maghagis ng puting rosas kay mama
Habang nagpapaalam naman sakin ang mga kaibigan nila mama ay nakita ko sila Danwil na may kausap na isang lalaki kaya agad ko itong tinawag at nilapitan
"Three idiots!" Tawag ko sa kanila
"The heck?!" Sigaw nilang tatlo sakin
"Just kidding, anong ginagawa nyo dito at sino sya?" Saad ko na papahina ang boses
"Kuya Hunter, isa ring dating estudyante ni teacher Heena" said Sanjo
"Oh, hello" I smiled at him
"My deepest condolences, Ms. Raven" he said
"Anyway, boy I need to tell you something" sabi ko at agad silang hinila papalayo
"Ano 'yon?" Sabay sabay nilang tanong
"Gusto ko lang sanang humingi ng pabor sa inyo"
"What is it?" Tanong ni Zaikie
"Can you guys make sure na magiging malinis ang puntod ni mama once na umalis na ako?" Tanong ko
"That's too easy" said Danwil
"I agree" aniya Danwil
"Wala namang kaso sakin pero kailan ka ba aalis?" Tanong naman ni Sanjo
"The day after tomorrow" Nakangiting sagot ko