Vol.3 chapter 23 Agad na nagliwanag ang dalawang interstellar dimension na nasa mga daliri ni Van Grego. Nasa anyong singsing ito ngunit mayroong cube-shape ito na nakakabit sa ibabaw ng ring. "Oo naman, at tsaka para hindi na rin magtagumpay ang mga Martial Beasts dito na makatapak sa Martial God Realm pataas dahil delikado ito sa susunod na papasok ang mga batang Martial Artists. Salamat po Master." Sambit ni Van Grego sa seryosong tono. "Maiba ako bata, hahayaan mo ba ang Adult Purple Rain Lion na manirahan dito?!" Sambit ni Master Vulcarian na puno ng kuryusidad. "Uhm, siyempre dadalhin natin iyon noh tsaka plano kong mangolekta ng mga Martial Beasts na malalakas at iyong ibang Martial Beasts na may matataba na karne ay iihawin ko at pagpapraktisan ko para maimprove ang aking Mart

