Kasalukyang naririto sila ni Van Grego sa itaas ng plateau kung saan ay nasa loob sila ng Miniature House Artifact. "Saan sa tulong mo Kuya sa akin. Muntik na kong mapaslang at maging hapunan ng Black Poison Wolves na iyon! Ako nga po pala si Breiya at kuya ko ang matabang si Bim." Masiglang sambit ni Breiya. Bakas pa rin sa mata nito ang takot dulot ng kani-kanina lamang na pangyayari. "Hahaha... Kilala ko na yan si Fatty Bim dahil kasama at naging kaibigan ko siya sa loob ng Black Phantom Mystic Realm. Ako nga pala si Van Grego, kuya Van na lang tawag mo sa akin." Masayang sambit ni Van Grego sabay ngiti. Napabilib din siya sa abilidad ng kapatid ni Fatty Bim na si Breiya dahil marunong din pala itong umiwas sa panganib sa loob ng mahigit apat na buwansa loob ng kuweba. Yun nga lang a

