Bigla na lamang sumabog ng malakas ang atakeng ito ng lalaki ngunit ng mawala ang usok dulot ng pagsabog ay halos manlaki ang mata ng bawat isang nakasaksi sa labanangg ito. Isang Low-grade Human Step treasure ang espadang hawak ng batang ito. Sa oagkakaroon niya pa lamang ng ganitong kayamanan sa sarili nito ay alam mong hindi lamang siya basta-bastang ordinaryong cultivator. Malamang ay isa itong talentadong cultivator sa kanilang angkan. "Hindi maaari, paano ito nangyari! Hindi ka talentado at siguradong dinaya mo ito!" Sambit ng batang lalaking ito habang muli nitong iwinasiwas ang kanyang espada at direkta niyang inatake si Van Grego sa dibdib mismo. Akmang tatarak na ito ng biglang humarang ang daliri ni Van Grego na siyang pumigil sa espada sa pag-ulos paabante. Mas nabigla ang l

