Chapter 1

2923 Words
Sa isang walang katapusan lagusan ng Space and Time ay naroroon ang isang batang animo'y walang buhay at parang gawa lamang sa papel ang kanyang katawan dahil sa kakaibang markang bumabalot sa buong katawan nito. Lingid sa kaalaman ng batang nasa edad sampo hanggang labinlimang taong gulang na ito ang mga mababagsik na Space storm ay nakakalat lamang sa paligid maging ang space turbulent na natural na nangyayari sa loob ng Transmission Arrays. Maging ang natural na daloy ng Space and Time dito ay nagkakaroon ng fusion o paghahalo na siyang kayang magpadala ng mga nilalang o bagay mula sa isang lugar papunta sa ibang lugar. Ang sinasabing Teleportation ay ito ay pagkakamali lamang na sinabi ni Mystica lalo pa't nagbibiro lamang ito dahil imposible para sa batang si Van Grego na mapagana ito ngunit nagkamali si Mystica. Ngayon na nandito sa loob ng Transmission Array ang batang ito ay imposible para dito na makaalis sa loob na hindi nasusugatan ng malala. Huli na si Mystica nang pumunta siya sa loob ng Interstellar Palace dahil ang kalunos-lunos na kalagayan ng batang ito ay alam ni Mystica na magtatamo ang batang ito ng malalalang sugat na magreresulta sa kamatayan. Ngunit isang bagay ang hindi alam ni Mystica at ito ang mga sikreto sa loob mismo ng katawan ng batang si Van Grego. Kung sinuman ang nakakakita ng kabuuang anyyo ng katawan ng batang si Van Grego ay masasabi nilang hindi ito katawan ng buhay dahil animo'y gawa ang katawan nito sa papel na mayroong kakaibang simbolong nakaukit sa katawan nito. Mayroong mga kakaibang runes maging ang mga sobrang komplikadong linya na may mga distorsyon kung saan ay kumukunekta sa mga pakurbang linya at mga hugis. Sa katawan ni Van Grego ay makikita ang unti-unting pagkasira ng mga ordinaryong Spatial rings maging ng mga Spatial Sacks na masasabing naglalaman ng mga Cultivation Resources kagaya ng pills, jade slips, Cultivation method, libro at iba pa ay nasira dulot ng space storms maging ang pag-twist ng space na may halo ng konsepto ng oras. Maging ang Flying Technique na isang top grade ay nasira. Ang lahat ng kagamitan na nakapaloob sa labas ng katawan ng bata ay unti-unting kakikitaan ng mga cracks at unti-unting nasira at ang iba ay sumabog pa ngunit madalian lamang. Ang immortal Eyes na isang espesyal na bagay ay kusang nasira dahil na rin sa mistulang nakaawang ang mata ang batang si Van Grego ay nagawang pasukin ito ng Concept of space and time. Maging ang mumunting awra at spiritual mark na inilagay ni Alfero ay unti-unting nawala na parang bula. Ang tanging nakaligtas lamang na bagay sa katawan ni Van Grego ay ang Myriad Painting, Myriad Maze at ang isang mumunting bahay na ibinigay ng Armageddon Blue Serpent na si Mystica ang nakaligtas sa bagsik ng pinagsamang konsepto ng Space and Time. Kung hindi dahil sa kakaibang katangian na taglay ng katawan ni Van Grego ay siguradong kanina pa ito nawala na parang bula na magreresulta ng agarang kamatayan. Isa sa requirements ng paggamit ng Transmission Array/s ay ang mataas na Cultivation Level ng isang Cultivator/Martial Artists at ang pagkakaroon ng malakas na pag-unawa sa konsepto ng Space and Time. Kung ang sinumang ordinaryong Martial Artists na walang isa man sa dalawang requirements ang tinataglay ay alam na ang kanilang kakahantungan, ito ay ang pagtatamo ng mga malalalang sugat o kamatayan. Alinman sa dalawang ito ay siguradong malaking impact ito sa mga Cultivators na hindi babaliwalain ang requirements ng Transmission Array/s. Kahit na isang uri ito ng ordinaryong Transmission Array ay hindi maaaring balewalain. Kung nakita nilang sinubukang paganahin at sakyan ito ng batang Martial artist na si Van Grego na may Cultivation Level na isang Martial Ancestor Realm na bumababa pa ang ranggo habang tumatagal ay matinding panghahamak at hindi magagandang salita ang matatamo nito mula sa mga Martial Artists. Ngunit yun ang akala ng lahat dahil hindi ordinaryong Martial Artists si Van Grego dahil na rin sa Kakaibang nangyayari sa katawan nito. Mula sa kaloob-looban ng Myriad Painting ay mayroong nilalang ang bigla na lamang nagmulat ng kanyang pares na nag-aapoy na mata. Kung sinuman ang tumingin ng direkta sa nag-aapoy na mata na walang mataas na Cultivation Level ay siguradong mamamatay lamang sa isang kisap-mata. Nagising na ito ng tuluyan dahil sa mga distorsyon ng enerhiyang nararamdaman niya sa labas ng Myriad Painting. Animo'y nararamdaman nito ang mayamang Ancients Concept na Space and Time. Kung hundi siya nagkakamali ay ito ang Ancient Transmission Array ng Interstellar Palace. "Hindi ko aakalaing malakas ang loob ng Ancient Transmission Array na ito na gambalain ang aking pagpapahinga sa loob ng Myriad Painting. Break for Me!" Sambit ng isang misteryosong Ancient Beast habang mayroong kakaibang enerhiyang bumalot sa tatlong salitang sinabi nito. Ang mararahas na Space Turbulents maging ang Space Storms na may kasamang konsepto ng oras ay nagmistulang naglaho ng makasagap ng kakaibang enerhiyang nagmula sa loob ng katawan ng batang si Van Grego. Ang sana'y napakarahas na Ancient Transmission Array na kinapapalooban ni Van Grego ay naging payapa ang daloy ng enerhiya na walang bakas ng mga leakage na nagdudulot ng Space Turbulents at Space Storms. Mayroong sanang mga delikadong maliliit na Space Cracks sa kasalukuyang dadaanan ng katawan ni Van Grego ngunit naayos ito sa hindi malamang dahilan. ... Mula sa loob ng misteryosong dimensyon sa isang parte ng consciousness ay naroon si Van Grego. Animo'y natutulog siya ngunit ang kanyang isipan ay animo'y gising. Mistula siyang bulag dahil hindi niya nakikita ang anumang bagay. Tanging ang nararamdaman niya ay ang mga mahihinang konsepto ng Space and Time. Nararamdaman niya kani-kanina lamang ang mga distorsyon ng kakaibang konsepto na ngayon niya lamang nararamdaman. Sinimulan niyang hawakan ang mga mumunting enerhiya na nararamdaman niya ngunit hindi niya mahawakn ito. Parang nandoon lamang ang enerhiya ngunit hindi niya mahawak-hawakan. Dumaan pa ang ilang minuto ay parang walang kahit na anong napala si Van Grego sa kanyang ginawa. Maya-maya pa ay may isang boses ang umalingawngaw sa kinaroroonan ni Van Grego. "Hangal, kung iyan lamang ang iyong ginagawa ay siguradong kahit na abutin ka ng milenyang taon ay wala kang matutunan." Sambit ng misteryosong tinig habang mayroong iritasyon na mababakasan sa tono ng boses nito. "Nasaan ako? Sino ka? Ano ang ginagawa ko rito?! Bakit di ako nakakakita?" Sambit ni Van Grego habang mababakasan ng pagkalito. Nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya sa boses ng misteryosong tinig. "Nasa loob ka ng isang maliit na space domain na matatagpuan sa Myriad Painting. Nakaugnay ang iyong isip dito at sinilid ko ang iyong consciousness dito upang maiwasan ang pagkapira-piraso ang iyong kaluluwa sa malupit na enerhiya ng Space and Time. Sa tingin mo ba ay kaya mong makatawid sa Transmission Array sa pamamagitan lamang ng iyong kakayahan? Nagkakamali ka. At kung sinuman man ako, hhhmmmp! Wala kang karapatang alamin pa. Kung bakit hindi ka makikita? Sigurado akong dulot iyan ng basurang immortal eyes na ginamit mo hangal na bata hmmmp!" Sambit ng misteryosong nilalang na may iritasyon sa bawat salitang binibigkas nito. Halatang hindi niya binibigyang atensyon ang batang si Van Grego. "Pasensya na po sa aking naging asta. Matanong ko lang kagalang-galang na nilalang, ano po ba ang ginagawa ko dito, bakit hindi ko mahawakan ang mga enerhiyang nakakalat sa paligid. Anong klaseng misteryong nababalot sa lugar na ito?!" Buong galang na pagkakasabi ni Van Grego. Hindi naman niya ugali ang pagiging pangahas at bastos sa mga nilalang na hindi niya kayang abutin sa kasalukuyan niyang lakas. Alam niyang isang ekstraordinaryong nilalang ito na hindi niya kilala o ninuman. "Dulot ng iyong padalos-dalos na desisyon ay ilang araw ka nang naglalakbay sa Ancient Transmission Array na ito. Kung hindi dahil sa pambihirang Perfect wood-attribute body mo ay matagal ka na sanang winasak ng mga Space Storm at Space Turbulents na karaniwang nangyayari sa loob ng Transmission Array. Kung hindi dahil sa tulong ko ay siguradong hindi lamang ang katawan mo ang nasa alanganin maging ang kaluluwa ay siguradong walang awang pinagpipiraso-piraso ng pinagsamang konsepto ng Space and Time. Dahil naawa ako sa iyo at ang talento mo ay disente naman para sa maliit na mundong ito ay ikinokonsidera ko ito. Alam ko rin ang pinagdaanan mo noon at napahanga mo ako ngunit sa ibang mundo, ang talento ay parang isang patak lamang sa malawak na karagatan. Sa mga nagmay-ari ng Myriad Painting o ng ibang artifacts na ito, ikaw ang pinakalampa at pinakamahina!" Sambit ng misteryosong nilalang sa prangkang tono ng pananalita. Kahit na naglalaman ng papuri ang kanyang mga salita pero mas pinagdiinan niya ang kakulangan sa kakayahan ng bata. Ang totoo niyan ay hindi niya maituturing na disente ang talento ng batang ito kundi basura ngunit ayaw niyang sirain ang pag-iisip ng bata lalo na ang Heart of Martial Arts nito dahil makakaapekto ito sa hinaharap na Cultivation process ng batang si Van Grego. Pangalawang beses na siyang nagising dahil sa batang ito. Una ay nang pumasok ang batang si Van Grego sa Myriad Painting at ang pangalawa ay ang noong pumasok ang batang si Van Grego sa Transmission Array ng padalos-dalos. Gusto niya sanang sigawan ito at pigilan ngunit napaisip siyang delikado para sa batang ito ang manatili pa rito. Hindi pa tapos ang kaguluhan sa pipitsuging napakaliit na Kontinente na maituturing lamang na isla dahil sa liit nito. Ngunit hindi niya diniktahan o pinigilan ang takbo ng pangyayari dahil masisira nito ang daloy na tatahakin ng bata. Dahil nakakonekta na ngayon o sabihin niya ng noon pa ay wala pa rin siyang karapatang wasakin ang binubuong pangarap ng batang ito. Kung matigas ang puso ng Martial Spirit na si Alfero ay mas lalong mas matigas ng ilang beses ang puso ng nilalang na ito. Ang ayaw na ayaw niya ay ang mga lampa at mga basurang nilalang na palaging inaalipin ngunit ngayon ay binibigyan niya ng pagkakataon ang batang ito dahil ito na ngayon ang nagmamay-ari ng Myriad Painting at alam niyang may isa pang artifact ang suwerteng natamo ng batang si Van Grego. Ang masasabi niya lamang ay masuwerte ang batang ito ngunit maaga pa para magsaya siya o ang batang ito. Baka nga hindi ito palarin sa hinaharap kung kaya't wala soyang inaasahang future achievements sa anyo ng batang ito. Dahil konektado na sila, sigurado siyang lucky chance ito ng batang ito. Pero hanggang kailan? Ito ang hindi niya pa alam. Hahayaan niyang panahon ang magdikta at kung saan dadalhin ng kapalaran ang batang ito. "Salamat sa iyong naging tulong kagalang-galang na nilalang. Ituturing kong itong utang na loob habang nabubuhay ako." Sambit ni Van Grego habang nagsasalita. Isa itong oath o pangakong ginawa niya upang mangakong hindi niya babaliin o tatalikuran. "Hindi mo na kailangan pang mangako. Tsaka isa pa ay ikaw ang nagmamay-ari ng Myriad Painting kung Kaya't malaking benepisyo ang makukuha mo. Kung wala kang makukuhang benepisyo ay parang walang kwenta rin pagkakaroon ng ganitong pambihirang artifact." Sambit ng misteryosong nilalang ng buong pagmamalaki. Isa ito sa katangiang taglay ng malakas at misteryosong nilalang. "Ngayon, ang Space Domain na ito ay pag-aari mo na. Sa ngayon ay wala kang magagamit na anong bagay dahil kasalukuyang naka-lock ang mga Interstellar Rings at Sacks na pagmamay-ari mo maging ang Myriad Painting at Myriad Maze dahil na rin sa padalos-dalos mong pagpasok sa Transmission Array. Ilang taon pa bago tuluyang mawala ang lock ng mga ito. Kaunting enerhiya lamang ang magagamit ko at tanging ang Space Domain na ito ang magsisilbing Training area mo. Kailangan mong magkaroon ng matibay at solid na pundasyon ang iyong Cultivation. Kung mahina at masyadong hindi matibay ang pundasyon mo ay siguradong hanggang Blood Awakening Stage ka lamang o Earthen Fate Realm. Dito lang ang hangganan mo. Pero dahil Diamond Rank na lamang ang iyong Cultivation Level ay bumababa pa ito. Sa ngayon ay mas kailangan mo ng mga pagkaing naglalaman ng mga mayayamang enerhiya upang magsuplay sa iyong katawan para maging solid o matibay ang pundasyon ng iyong katawan." Mahabang sambit ng misteryosong nilalang habang isinasalaysay nito ang mga paunang paalala niya at maaaring gawin ni Van Grego upang sa huli ay magkaroon siya ng lakas upang makamit niya ang mataas na lebel ng Cultivation. Natahimik naman si Van Grego upang ipasok ito sa kanyang isipan. Lahat ng sinabi ng misteryosong nilalang ay totoo lalo na ang unti-unting pagbaba ng kanyang ranggo. Nagpapatunay lamang na nawala na ang bisa ng seal sa kaniyang katawan. Hindi niya aakalaing alam na alam ng misteryosong nilalang ang kaniyang kakulangan lalo na larangan ng pagpapataas ng kanyang Cultivation. "Mayroon akong mga paunang kaalaman na ilalagay sa iyong isip maging ang mga bagay-bagay at impormasyon na aking nalalaman. Ang kailangan mo ngayon ay magpukos at hayaan mong makakonekta ang aking isipan sa iyo. Huwag kang mawalan ng pukos dahil siguradong malaki ang magiging epekto nito sayo." Dagdag na sambit ng misteryosong nilalang maging ang paalala at babala nito ay umalingawngaw sa Space Domain. Sa una ay nagdududa si Van Grego sa sinasabi ng misteryosong nilalang ngunit wala naman siyang maaaring magagawa dahil nagkaroon siya ng tiwala dito dahil tinulungan siya nito upang hindi siya maapektuhan ng Transmission Array maging sa bingit ng kamatayan. Sa oras na ito ay susugal siya. "Handa na ako" Tipid na sagot ni Van Grego. Agad niyang ipinikit ang kanyang mata at binuksan ang kanyang isip. Animo'y nagmemeditate lamang si Van Grego ngunit dahil sa pagbukas ng kanyang isip ay isa itong delikadong paraan lalo pa't kayang-kaya siyang i-possess ng kahit na sinong nilalang ngunit nagtitiwala siya na hindi iyon gagawin ng misteryosong nilalang. Sa panghahamak at pagpupunto ng mali niya ay tingin sa kanya ng misteryosong nilalang na ito ay isa lamang siyang hamak na Martial Artist na sobrang ordinaryong nilalang. Agad na winala ni Van Grego ang kanyang malikot na pag-iisip at ikinalma ang kanyang sarili. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng mga mala-dagat na impormasyon na patuloy na bumabaha sa kanyang isipan. Halos makikita ang kanyang mga ugat sa bandang ulo at noo niya na halos puputok na habang ang mga ngipin nito ay nagkikiskisan dulot ng sobrang presyur ng pagpapasa ng impormasyon sa kanya. Agad niyang pinakalma ang kanyang isip at pinag-circulate ang kanyang true essence sa kanyang meridian. Dahil sa pagbaba ng kanyang Cultivation Level ay naging sarado ang kanyang dantian. Tanging ang mga kanyang acupoints lamang at meridian ang bukas. Nasa Body Transformation pa lamang siya kung kaya't ang Dantian niya ay sarado pa. Bubukas lamang ito kapag nakatapak siya sa Essence Gathering Stage ( Martial Knight pataas). Sa tulong ng pag-circulate ng true essence sa meridian ni Van Grego maging ang pagbibigay ng buong pokus at konsentrasyon ay unti-unting nabawasan ang presyur na nararamdaman niya. Halos mamangha sa rumaragasang impormasyon na pumapasok sa kanyang isipan. Bawat impormasyon ay napakadetalyado na siyang naging inspirasyon ni Van Grego upang ipasok lahat ng mga hindi mabilang na impormasyon na patuloy na pumapasok sa kanyang isipan. Habang pumapasok ang impormasyong ay iniinspeksyon ito ni Van Grego upang magkaroon ng paunang kaalaman. Habang papatagal na impormasyon ay nagiging komplikado ito ngunit mas nakakamangha at ekstraordinaryo ito. "Paunang impormasyon lamang ba ito? Eh halos punuin nito ang utak ko eh." Sambit ni Van Grego na hindi alam ang gagawin kung tatawa o mababahala. Ngunit agad ding ipinukos ang kanyang sarili dahil takot siya sa maaaring maging masamang resulta kung mawawala siya sa pukos. ... Sa ibang parte ng dimensyon na malayo kay Van Grego ay napangiti ang misteryosong nilalang. Nakaupo ito sa animo'y kumikinang na upuan habang walang sinuman ang naririto sa napakalawak na Space Domain na ito na mas malaki kumpara sa kinaroroonan ni Van Grego. "Hindi ko aakalaing malakas ang persepsyon ng batang ito, nakaya niyang kontrolin ang daloy ng rumaragasang impormasyon at na-iinspeksiyon niya pa ito habang pinapapasok ito sa kaniyang isipan. Kahanga-hanga, talagang kahanga-hanga hahaha" Sambit ng misteryosong nilalang habang tinitingnan ang isang maliit na salamin na siyang may gumagalaw na imahe. Imahe ito ni Van Grego habang nagmemeditate at nagpupukos upang tanggapin ang mga parang walang katapusang impormasyon. Mayroong matamis na ngiti ang makikita sa misteryosong nilalang na ito. "Anong--- hindi maaari, sa pamamagitan lamang ng pagpukos ng pagpasok ng kaalaman at malayang pagpapasok ng impormasyon ay hindi ko aakalaing unti-unting natutunan ng bata ang kaunting konsepto ng Space and Time. Sa mga nakakalat na impormasyon ay unti-unting nakaayos ito kapag pumapasok ito sa utak nito na may kasamang kaunting konsepto ng Space maging ang oras na lumilipas ay hindi ganoon katagal lalo na't napakabilis ng pag-absorb ng impormasyon na hindi nalalaman ng batang ito na may kaugnayan sa kaunting Konsepto ng Oras. Kahanga-hanga, siguradong hindi magtatagal ay makakaya nitong matutunan ang mga malalakas na natural na konsepto ng mundong ito. Sa murang edad nito ay maaari siyang maging malakas na Cultivator ngunit depende ito sa magiging kapalaran niya sa hinaharap." Sambit ng misteryosong nilalang na may pagpupuri ngunit mayroong agam-agam na namumuo sa kanyang isipan. Masyado pang maaga para sa bagay na ito. Ang importante ngayon ay ang pagpupursigi ng bata at ang dedikasyon nito sa pagtahak sa daan ng Martial Arts. Patuloy lamang siyang nag-oobserba kahit na may kahanga-hangang pangyayari sa batang ito ay hindi siya umaasa ng malaki ukol dito. Para sa kaniya, ang basura ay mananatiling basura magpakailanman at hindi magbabago iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD