Chapter 4

1842 Words
Ang ngiti na nakapaskil sa mukha ni Van Grego ay agad na nawala dahil naisip nito na sampong araw na lamang ang natitira sa kanyang oras. Ang sampong araw na ito ay siya namang ilalaan niya upang pagtagumpayan niya ang Five Revolution Soul Enhancement, magtatagumpay nga ba siya? Ito rin ang nasa isip ni Van Grego ngunit ng maalala niyang ang Five Revolution Soul Enhancement ay isang paraan ng pagpapatibay ng kanyang kaluluwa laban sa mga Soul Attacks. Kahit na sabihing five Revolution ito ay hindi nangangahulugang lima rotasyon ito na kagaya ng Divine Nine Rotations pero hindi dahil sa punting ito ay ang isang revolution ay mayroong 360 degree rotations sa loob ng 365 ½ na araw. Kung susumahin ay nasa estimasyon na humigit kumulang 131,000 na rotasyon kung i-mumultiply pa ito sa lima ay nasa 657,000 na rotasyon sa limang revolution. Mayroong 240 oras lamang si Van Grego (24hours×10 days). Sa ordinaryong Martial Artists na nasa Body Transformation Stage pa lamang kahit na nasa Diamond Rank pa ito ay makakaya nitong tapusin ang First layer ng Five Revolution Soul Enhancement sa isang taon kung susumahin dahil na rin sa napakadelikadong Cultivation Method ito at mahirap i-decipher ito kung ordinaryo lamang ang perception ng isang Martial Artist. Ang Cultivation method na ito ay masasabing kapag nagkamali ka ay mayroong mga epekto katulad na lamang ng pagkasira o pagkasugat ng iyong soul na siyang mahirap gamutin kaysa sa ordinaryong sugat o pisikal na sugat. Isa ito sa dahilan kung bakit ibayong pag-iingat ginagawa ni Van Grego sa pag-aaral ng Five Revolution Soul Enhancement dahil ang simpleng pagkakamali lamang ay magdudulot sa kaniya ng permanenteng sugat sa kaniyang soul. Ngunit mayroong pumasok sa isip ni Van Grego ng makita ang mga kakaibang patterns ng Cultivation Method. Nag-aaral si Van Grego noon ng alchemy maging ang Formation Technique maging ng mga arrays. Kahit na komplikadong bagay ang Cultivation Method na kung tawagin ay Five Revolution Soul Enhancement ay may kaugnayan pa rin ito sa larangan ng Alchemy maging sa Formation Technique. Ngunit ang gagawin niya ay siguradong nangangailangan ng mga ingredients o cultivation resources para gumawa siya ng Pills. Sa oras na ito ay siguradong imposible para sa kanya ang makakuha ng bagay na ito kung sa sarili niya lamang na kakayahan. Hindi na nag-atubili si Van Grego at tinawag ang misteryosong nilalang. "Master Vulcarian, ipagpaumanhin niyo po ngunit kailangan ko ang tulong niyo." Sambit ni Van Grego sa paraang pasigaw ngunit hindi marahas na pagkakasabi. Umalingawngaw ang kanyang sariling boses sa maliit na Space Domain na kinaroroonan niya. "O, bakit mo ko tinawag?! Sumusuko ka na ba? Mabuti nam-------!" Sambit ni Master Vulcarian na halata sa boses nito ang tuwa ngunit agad siyang pinigil ni Van Grego. "Sumuko? Nagpapatawa ka ba Master?" Sambit ni Van Grego ng pasarkastiko. Naiinis siya sa inasal ng Master Vulcarian na ito. Kahit na hindi pa siya totoong disipulo nito ay naiinis rin siya dito, naiinis dahil sa pang-aabuso nito dahil sa maliit na mundo lamang siya nagmula. "Hmmmp! Sarkastiko ka bata, kung ganon ano ang rason mo kung bakit mo ako tinawag?" Sambit ni Master Vulcarian sa seryosong tono. Ayaw niya ring mapahiya pa at mabara ng batang ito. Nainis din siya sa batang ito lalo na sa pasarkastiko nitong sagot. "Kailangan ko lamang ng mga Cultivation Resources partikular na ang mga material ingredients" direktang pagkakasabi ni Van Grego. "Cultivation Resources? Material Ingredients? Isa ka bang Alchemist?!" Sambit ni Master Vulcarian lalo pa't hindi niya nakitang gumawa ng pills ang batang ito. Noon lamang siya nagising ng biglang nagkaroon ng kakaibang distoryon sa loob ng batang ito dulot ng kakaibang pangyayari. Inaakala niyang dulot ito ng seal at ng Perfect Wood-Attribute Body. "At kung sabihin kong oo, maniniwala ka ba?" Sambit ni Van Grego. Halatang wala siyang ganng makipag-usap pa sa matandang ito ngunit wala siyang pagpipilian. "Oo naman ngunit para sakin ay isa ka lamang pipitsuging Alchemist katulad ng mabababang mundo ito. Ang basura ay basura tsaka sumuko ka na lamang. Isang simpleng bagay lamang, sabihin mo lamang ang mahiwagang katagang ito dahil pinahihirapan mo lamang ang iyong sarili hahaha!!!!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y may kasamang panghahamak. Hindi siya naniniwalang mataas ang Alchemy Rate ng batang ito sa paggawa ng Alchemy Products katulad ng Pills o Martial Pills. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Master, walang kwenta rin ang panghahamak mo sa akin." Sambit ni Van Grego na animo'y walang emosyon na lumalabas sa kaniyang tinig maging sa kanyang ekspresyong pinapakita. Habang sinasabi niya ito ay parang natuod si Master Vulcarian. Walang lumalabas sa kanyang dila habang tinitingnan si Van Grego na naglilista ng sa tingin niya ay mga material ingredients. "Ito na po Master ang aking hinihinging material ingredients. Sana ay mahanapan niyo ako ng ganitong mga sangkap." Sambit ni Van Grego na may magalang na tono habang inaabot ang munting papel na may lista ng pangalan ng mga sangkap. Agad na lumitaw ito sa hangin. Habang tinitingnan ito ng misteryosong nilalang ay halos laglag-panga siya sa inabot na pangalan ng bata sa kanya. "Nakikita mo ba ang sangkap na pinapahanap mo sakin? Kahit halughugin mo ang buong kontinente ng Hyno Continent ay wala silang ganitong sangkap dahil kung meron man ay limitado lamang ito pero walang ito sa akin dahil puno ng kayamanan ang Myriad Painting ng ganitong sangkap pero ang pinagtataka ko lamang ay wala ito sa ipinasa ko sayong kaalaman, hindi mo naman siguro pinaplanong gumawa noon pa man hindi ba? Ang bawat sangkap mo ay para may kakayahan sa paggamot ng soul katulad ng Soul Repair, Soul Recovery at Soul Enhancement. Hindi mo naman siguro layuning gumawa ng tatlong top Grade na Martial Pills hindi ba?!" Sambit ni Master Vulcarian ng pagtataka. Hindi niya alam kung ano ang totoong layunin ng batang ito maging sa mga sangkap na Gusto niyang mangyari. Tsaka hindi niya naman siguro gustong gumawa ng tatlong pilla hindi ba? At kakainin niya ito ng sabay? Siguradong hindi makakayanan iyon ng kanyang katawan na magreresulta ng malaking problema sa Cultivation niya lalo na sa kaluluwa niya. "Isang pill lang po Master ang aking gagawin. Iyong nabasa ko lamang sa Ancient Alchemy Book, ang Soul Transformation Pill." Sambit ni Van Grego sa kalmadong boses. "Soul Transformation Pill? Nahihibang ka ba? Sa talento mong yan ay makakaya mo kayang gumawa nito? Tsaka ang pagkain mo ng pill na ito ay napakadelikado maging ang soul transformation ay hindi mo makakayanan ito dahil tanging ang gustong dumaan sa Soul Transformation ay kailang dumaan sa Soul Transformation Stages. Triple Transformation Stages pa ang gagawin mo? Nahihibang ka na ba? Napakaraming mga Martial Artists ang dumadaan sa Single Transformation Stages at iyon ay ang Essence Gathering System at meron ding dumaan sa Body Transformation Stages dahil hindi sila biniyayaan ng dantian. kaunti lamang ang dumaan sa dual Transformation Stages o dual Cultivation System na (Body Transformation System at Essence Gathering System), (Essence Gathering System at Soul Transformation System)o (Body Transformation System at Soul Transformation Stages) iyon ay ang mga ghost Cultivator, Warrior Beasts,Saint Beasts, God Beasts at iba pa. Sa Triple Transformation Stages o Triple Cultivation System ay kaunti lamang ngunit sobrang lakas nila na karamihan ay nasa matataas na mundo namumuno katulad ng mga ibang napakalakas na God Beasts at mga ibang nilalang maging ang lakas nila ay kayang tapatan ang mas mataas na Cultivation Level o ranks sa kanila. Ngunit napakabagal ng kanilang pagtaas ng Level. Ito lang disadvantages ng Triple Cultivation System." Sambit ni Master Vulcarian sa tonong nagbababala kay Van Grego. Alam niya kung gaano ito kahirap at gaano karaming mga Cultivation Resources ang igagastos sa Triple Cultivator. Sa katunayan ay gabundok na Heavenly Resources ang maasring masayang ng Triple Cultivator. Hindi lamang pisikal na lakas o pag-absorb ng Essence ang kanyang kino-cultivate kundi maging ang kaluluwa nito. "Kung ganon ay mabuti dahil iyon lamang ang disadvantage ng Triple Cultivation System. Gusto kong subukan iyon!" Sambit ni Van Grego. "Hmmp! Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Sa talento mong yan,ninanais mong maging Triple Cultivator? Baka abutan ka ng kamatayan bago ka makatapak sa mataas na boundary ng Cultivation. Ang totoo ay maraming tumatahak sa Essence Gathering System ay dahil ito ang pinakamadaling paraan sa pagpapataas ng rank maging ang batayan ng kanilang buhay. Kung mataas ang kanilang rank ay nangangahulugan na mahabang buhay din ang kanilang tatamasain. Kukunin ko na ang mga sangkap na kakailanganin mo maging ang mga bagay na gagamitin mo sa pagbuo ng pills. Para maintindihan mo ang tatlong uri ng Cultivation System ay tanggapin mo ang jade slip na ito." Sambit ni Master Vulcarian na agad na lumitaw sa hangin ang isang jade slip. "Maraming salamat po Master Vulcarian!" Sambit ni Van Grego na agad na tinanggao ang isang Jade Slip. Naramdaman niyang nawala na ang aura ni Master Vulcarian kung kaya't hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tiningnan ang jade slip. ... Ang body Transformation System naman ay hindi nangangahulugang kapag mataas ang lebel mo ay mahaba din ang buhay mo. Ito ay uri ng Cultivation System na nagpapatibay ng iyong katawan sa pamamagitan ng pisikal na transformation at ang iyong pisikal na lakas ay aangat ng sobra maging ang depensa at opensa ay hindi pangkaraniwan. Ito lamang ang layunin ng Body Transformation na minsan ay nagbibigay ng kaunting dagdag sa lifespan ng isang Cultivator ngunit karamihan ay namamatay rin ng hindi natatapos ang Cultivation dahil sa katandaan. Ang Soul Transformation System naman ay isang uri ng Cultivation System na kayang mag-undergo sa Transformation ang soul ng isang nilalang habang tumataas ang kanilang Lebel o rank. Isa ito sa pinakamahirap na paraan ng Cultivation System dahil kahit mayroong kakaibang abilidad ang uri ng Cultivation System na ito katulad na lamang ng paghiwalay ng iyong kaluluwa sa iyong pisikal na katawan at kayang makipaglaban gamit lamang ang soul attack, soul Technique maging ang iba png ekstraordinaryong abilidad. Karamihan sa mga nagcucultivate ng Soul Transformation System ay mga multo, Martial Spirits, Battle Spirits, mga bagay-bagay katulad ng mga espada, sibat at ibang uri ng sandata maging ang iba pa na karamihan ay Ownerless o wala ng nagmamay-ari dahil namatay na ang Martial Artists na nagmamay-ari nito. Mayroon ding nagcucultivate ng ganito. Sa mga Dual Cultivatior at Triple Cultivators, sila ang mga Martial Artists ay maituturing na malalakas na nilalang na masasabing mga henyo at malalakas na existence sa matataas na mundo. Etc. ... Maraming nalaman si Van Grego patungkol sa tatlong uri ng Cultivation System. Dahil sa nakita niya ang bawat uri ng Cultivation System at ang mga benepisyo nito ay agad niyang Naunawaan. Ngayon ay nakapagdesisyon na siya. Kahit napakahirap ng mga Stages na kailangan niyang abutin at lampasan ay naniniwala siyang makakaya niyang maabot ang mataas na boundary ng Martial Arts. Pagkatapos nito ay agad niyang pinag-aralan ang First Layer ng Five Revolution Soul Enhancement habang hinihintay ang mga kasangkapan para sa pagbuo ng pambihirang pill.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD