Dumating ang bagong buwan at panibagong umaga na naman ang hinarap ni Belinda. Panibagong pakikipagsapalaran na naman at pakikisama at kailangan niyang harapin. Maraming na siyang nalalaman tungkol sa nobyo at nagulat siyang dati palang nakulong ito sa kasong pagnanakaw at rape. Ang malala pa, hindi agad na-areglo dahil kulang sa pambayad ng abogado ang pamilya nito. Dati lang kasi itong mahirap at hamak na driver lang ang ama. Ang ina naman ay manggagawa sa plantasyon. Matagal na talagang magkasintahan ang nobyo niya at ang dati nitong nobya na si Victoria, ang unang babae sa buhay nito. Noong una ay nakadama siya ng selos pero kalaunan, nang malamang siya ang pakakasalan ay unti-unting nawala iyon. Nasa harap siya ng salamin matapos mag-ayos para sa isang event na dadaluhan niya

