"Anong pangalan mo?" Tanong ni Hector sa dalaga na nag-aapply bilang kasambahay. Nakasandal siya sa bureau desk niya habang nakaupo ito sa visitor's desk. "Belinda po," "Ilang taon ka na?" "21 po," "May boyfriend ka na ba?" Nagtaka ito sa tanong niya pero umiling. "Wala po," "Wala ka pang naging boyfriend kahit sa high school?" Nag-alangan ito pero umiling pa rin. "Di pa po ako nagkaka-syota. School at bahay lang po ako." Tumango ito at kinilatis pa ang dalaga. Maputi ito, mayumi ang pananamit. Nakasuot ito ng mahabang palda at naka-blouse na puti. Maganda ang tindig at may postura. May katangkaran din at maganda ang mukha. Balita niya kasi sumasali ito sa mga beauty contest sa bayan at mga karatig na lalawigan. Breadwinner kaya hindi muna nakapagtapos sa kolehiyo. Ang nakalagay s

