Chapter 16
Bye guys thank you for today. Masayang paalam ng department President nila.
Nakangiti nyang inayus yung gamit nya at naghanda na ding umalis. Biglang nag patawag ng meeting kasi ang Department president nila isa sya sa mga representative ng year level nila kaya sya andoon.
Hi Angilie good to see again. Nakangiting bati sa kanya ng President nila.
Hi kuya Paul, good to see you too. Matamis ang ngiti ng balingan nya ito sabay silang lumabas ng meeting room.
Oh sya Angie mauna na ako ha. Paalam nito naging close din nya ito dahil madalas nya itong nalalapitan pag may mga kailangan sya sa admin nila.
Mas lalo syang napangiti dahil naisip nya parang kilan lang 3rd year na agad sila at masaya sya dahil maganda ang resulta ng pagpupursigi nya sa pag aaral. Nang tumunog ang cellphone agad nya itong kinuha. Napakunot noo sya ng Makita sino nag text sa kanya.
Hi Angz, where are you? Text mula kay Justin nagulat sya dahil matagal na din hindi ito nag titext sa kanya or chat after ilang minutong pag iisip nagpasya syang replyan ito iba kasi pakiramdam nya sa pag biglang text nito.
At the school right now. What’s up? Reply nya rito.
Are you busy? Can you wait for me there? Text ulit nito
Ok! Maikli nyang sagot rito. Nagpasya nalang syang pumunta sa paborito nilang spot na tambayan dati. Maaga pa kasi kaya pauwi sana sya sa boarding house nya dahil isang oras pa bago mag simula ang klasi nila.
Habang nag hihintay sya doon naalala nya ang dahilan kung bakit nahiwalay sa barkada nila si Justin. Malungkot at mabigat pa din ang loob nya sa tuwing naiisip nya yun nag tatampo din sya kasi parang binaliwala lang nito ang mga pinag samahan nila para sa isang tao. Napabuntung hininga nalang sya upang ibsan ang bigat ng dibdib nya.
Hi Angz! Rinig nyang tinig mula sa likuran nya. Nagulat pa sya ng Makita si Justin at ang itsura nito.
What happened? Nag alala nyang tanong rito, nagulat sya ng bigla sya nitong niyakap. Hindi sya agad naka galaw dahil di nya alam ang gagawin nya ramdam na ramdam nya ng bigat ng dibdib nito at mahinang pag hikbi.
Shhhh, it’s ok, kung ano man yang dinadala mo iiyak mo lang. mahina nyang wika sabay marahan nyang hinagod ang likod nito. Ilang minute din itong nanatili sa ganong ayus bago kumalas sa pagkaka yakap sa kanya.
Are you ok now? Tanong nya rito binigay nya din rito ang panyu nya.
Sorry Angz, nabasa ko tuloy and gamit mo. Nag alala nitong sabi ng mapansin na basa yung balikat na bahagi ng uniform nya.
Nah, it’s ok, ano bang problema bakit ga nagkakaganyan?
Malaim na buntnung hininga muna nag pinkawala nito bago sya sinagot. We broke up. Mahina nitong sabi.
What? Ano yun? You broke up? Ulit nya rito, tumango naman ito bilang tugon naka tungo lang ito sa mesa. But why?
Nag away kami and she suddenly texted me na ayaw nya na. kwento nito. Naawa nya itong tinitigan bakas ang lungkot sa mga mata nito at halatang wala din itong gaanong tulog.
Sa text lang ba nya sinabi yun? Baka naman nagtatampo lang kasi nag ayaw kayu kaya nya nasabi yun. Pagpapagaan nya ng loob rito.
No Angz si always do that, every time na may mis understanding kami lagi nalang syang nakiki pag break ang dali dali lang sa kanyang gawin yun. Malungkot nitong sumbong
Baka kasi nagpapalambing lang si Danica Jus, and need nyu lang pag usapan at ayusin yan. For me ha, baka need nyu mag usapa ng personal to clarify things, iba kasi pag sa chat or text lang. mungkahi nya rito.
Hindi Andgz eh, napapagod na din ako paulit ulit nalang kasi kaming dalawa hindi naman sya nakikinig sakin lagi gusto nya sya tama at nasususnod.
Baka naman nga kasi di kayu nag kakaintindihan, an tagal nyu na din Jus kung bibitawan nyu lang ng ganon ganon nalang yun, saka bakit ano ba kasi pinag awayan nyu? Tanong nya rito.
Bago palang kami Andgz eh more than a week pa lang. mahina nitong sabi sa kanya na ikinagulat nya.
What? More than a week? Eh simula second year last sem natin lagi kayu magkasama di pa kayu sa lagay nay un? Gulat na gulat na sabi nya.
Yup nanliligaw palang ako sa kanya nun Andgz, kilan lang official na naging kami pero parang kami na din naman dati pero hindi pa official, yun kasi gusto nya eh lagi dapat akong kasama nila.
Gulat pa din sya sa nalaman. Akala naming matagal na kayu kasi nga halos di na kayu mapag hiwalay.
No, nito lang din naging kami, matagal din ako nangligaw sa kanya pero madalas na kami may misunderstanding noon, pero akala ko naman magbabago pag naging kami na. malungkot padin na kwento nito.
Ano ba kasi pinang awayan nyung dalawa this time?
Yung dati pa din, yung madalas na pag labas nila ng barkada nya at pag iinum sa labas. Kwento nito.
Jus kasi para sakin ha, you know that in the first place, alam mo nag anon sya alam mo na madalas silang lumalabas with friends pero tinuloy mo panliligaw mo sa kanya ibig sabihin dapat tanggap mo yun.
I know Andgz, pero iba eh, dati naman napag usapan na naming yan wala naman sakin problema kung lumalabas sila basta moderate lang yung pag inum , pero lagi nyang sinasabi na oo kunti lang ladies drink lang naman, until I found out na naumagahan sila sa labas dahil sa subrang kalasingan and with other boys pa. mahabang paliwanag nito sa kanya.
Kung ako tatanungin mo Jus, mas ok na mag usapa muna kayu ng personal na dalawa ng masinsinan ng magka intindihan kayu kasi iba yung sa text lang at iba pag nagtatampo pa. baka kasi dala lang din ng sama ng loob kaya nya nasabi sayu yun. Mungkahi nya rito.
I don’t know Andgz, parang napapagod na din naman ako eh, walang araw halos na di sya nag tatampo. Mahina nitong sabi batid nya din ang bigat ng sama ng loob nito ewan nya din ba bakit parang sya din ang nasasaktan para rito.
Ok lang yan normal lang naman yan sa isang relationship na nag aaway ang importanti inaayus, saka isipin mo nalang din ang tagal mo syang sinuyo at niligawan tapos matatapos ng ganon ganon lang. pagbibiro nya rito.
Alam ko naman yun eh. Malungkot na saad nito.
Nalulungkot din sya para rito dahil kilalang kila nya ito alam nyang pag ma effort ito at mahabang mahaba ang pangunawa at di madaling sumuko unless subrang pagod at nasasaktan na ito sa sitwasyun. Di nya mawari bakit parang ramdam nya din ang sakit.
What happened here? Nagtatakang tganong ni Karen sa kanila ng makita si Justin na kasama nya.
Heart problem. Maikling sagot nya.
Bakit ang nangyari? Nag alala ding tganong nito sa binata. Nag kwento din ito ng saloobin sa kaibigan.
Tama naman kasi Aj si Angie na dapat pag usapan nyu yan ng personal wag pa dalos dalos. Advice din nito sa lalaki. .
Pero grabi yun ha, buong akala pa naman naming going strong kayu kasi di kayu mahiwalay. Nailing na saad nito. Yun pala more than a week palang kayu officially! Dagdag na palatak nito,
Sya ok lang yan, life must go on, mag aral na muna tayu sabi nito pagkaraan. Malapit na mag simula ang klasi nila.
Good afternoon everyone. Masayang panimula ng marketing instructor nila.
Good afternoon sir. Sabay sabay na sabi nila.
So as you can see may mga tent na sa yard tama? Sabi nito. Alam nyu na ba ano magaganap this sem? Excited na tanong nito sa kanila. Na agad naman nilang sinagot.
Yes that’s correct. We will having our annual Market Market day! Excited na anunsyu nito.
So kanina napag usapan na yung magiging set up and you guys na 3rd year yung sa mga booth and bahala kayu ano pwede nyu ma show case. Yung 4th year kasi yubf assigned sa food marketing sa inyu is yung mga bazzar and tyagge. Dagdag na sabi nito. Nag usap na kami ng adviser from accounting and finance and nag piliian yung sa finance is any souvenir shops, yung accounting is they settle for pack snacks. And satin guys anything aside sa mga nabanggit. So I need you ideas and input here.
How about parang mini boutique like clothes, shoes, mga make up and other kikay kits. Suggestion ni Claudine.
Yeah pwede you can have that and you can ask sa mga kakilala nyu na willing mag invest sa inyu or magpahiram ng items and products. Sang ayun ng instructor nila.
Maganda yan guys but we need more para mas madami tayung profit since madami naman tayu we can group para ibat iba yung pagkaka abalahan natin. Mungkahi ng isa pa nilang kaklasi.
Ok sige let group na muna. Nang matapos malaman ang grupo nila kanya kanya na ideas and suggestions.
Sir for our group we will make a photo booth I think gagana naman yun, we can use my camera. Sabi nya na agad naming sinang ayunan nito.
Ok we have photo booth ano pa sa ibang group? Any one? Tanong pa nito sa kanila.
Sir I suggest parang mini arcade for us. Sabi ni Justin
Yes that brilliant idea Aj but the question is papano nyu gagawin? Balik na tanong nito.
I can make sa DIY na arcade like na games sir. Sagot naman nito na sinang ayunan naman nila.
Ok good so may tatlo na tayung booth the mini arcade, the photobooth, and the mini boutique. Sabi nito. So pano pala yung boutique yung Items?
I have friends po na pweding makunan ng mga clothes item sabi ni Jhen. And I know Angie family has a boutique also so maybe we can ask some beauty product from her, right Andgz, sabay kindat pa sa kanya.
Yeah I think I can ask mama if pwede. Sagot nya.
Chapter 17
Habang busy sila sa pag aayus at display sa booth nila nagulat sya ng biglang may sumundot sa tagiliran nya dahilan para magulat sya at ma out balance sa kinapapatungan nyang mono block chair.
Ay palaka kang may bangs! Tili nya buti nalang nasalo sya agad ni Justin.
My gosh Jus may balak ka bang pilayan ako? May galit ka ba sakin? Nakataas ang kilay na hinaray nya ito pero tutup nya pa din an g dibdib dahil sa kaba.
Ahhahahaha sorry na Andgz na miss lang kitang gulatin. Naka peace pa ang mga kamay na sagot nito na ngingiti ngiti nan aka tingin sa kanya.
Yun yun noh, saya ng trip mo sa buhay. Inis na turan nya at tinalikuran na ang binata at pinag patuloy ang ginagawa.
Here let me help you. Sabi nito sabay kuha sa kanya ng mga bulaklak na ikinakabit nya sa wall ng photo booth nila.
Naku ikaw na lalaki ka pagklatapos mo ako halos pilayan ngayun tutulong tulong ka dyan. Kunwari galit na sabi nya rito.
Sorry na babe! Pagbibiro nito kaya hinampas nya ito sa balikat.
Aaahhhh why so sweet.. tili ng Jessa na kasama nya na nag aayus ng booth.
Naku Aj, na miss ko yang pang aasar mo dyan kay Angie. Natatawang sabi ni Karen.
Tapos na ba kayu doon sa mini arcade nyu? Tanong nya rito maya maya
Yup were done ready na kami sa opening mamaya. Sagot nito habang busy sa pag dikit ng mga décor nila sa wall.
Malapit naman na kaming matapos eh ito nalang yung kulang sabi ni Jessa. An dami nan g**g nagtatanong kung magkano daw. Excited na sabi pa nito.
Syempre maganda to si Angie kasi naka isip. Sabi nito. Sabay siko sa kanya.
Hoy Aj tigilan mo at baka langgamin kami rito. Natatawang sabi ni Jessa.
Naku ikaw lalaki ha, ang aga aga ang landi mo. Naiinis nyang sabi rito pero alam nyang namumula na yung pisngi nya.
Naku Aj parang kahapon lang eh para kang pinag sukluban ng langit at lupa dyan eh, panunukso ni Karen ditto.
Nang matapos nila lahat halos sakto lang sa oras dahil ang simula na ang program ng opening ng Annual Market Market sa Business Ad department. Lahat sila nagging busy sa pag aasikaso sa kanya kanyang assignment.
Grabi Angie subrang dami ng naka pila sa photo booth natin. Pagod na pagod na sabi ni Karen ngunit halata din na natutuwa ito.
Oo nga Naku buti nalang dito ako sa boutique na assign natutuwang sabi ni Jhen. Sila kasi ni Trixe at dalawa pa nilang kaklasi yung nakatukang mag bantay sa mini boutique.
Oo nga eh mamaya ulit na 1 pm resume natin cut off tayu ng 3 pm para sa printing ng mga pictures. Sabi nya nanakit na din kasi binti nya sa kakatayu kanina pa sa photo booth sya din sa likod ng camera dahil mas alam nya gamitin yun.
Grabi na meet na din natgin yung maximum projected income natin for this day. Tuwang tuwa din na kumentoi ni Jessa.
Oo nga sana mag tuloy tuloy hangang end of the week. Sabi ni KarenpKaya we need to think other gimik for the following days para di sila mag sawa. Sabi nya habang inaayus ang gusot nyang pantalon.
Parang maganda din kita ng mini arcade nila Justin ang dami din kasi tao kanina. Sabi ni Trixie.
Oo nga eh, parang gusto ko din ma try yung mga laro nila. Parang batang excited na sabi nya.
Sure why not basta mag babayad ka din. Sabi ni Justin na di nila namalayan na nakalapit na pala sa kanila kasama si Francis.
Ay grabi naman yun, parang ang hina naman ni Angie sayu. Biro ni Jhen ditto.
Joke lang naman naniwala naman kayu agad. Syempre free yun sa kay Andgz, sabi nito sabay kindat sa kanya.
Naku ako Justin ay tigilan mo dyan malulugi kayu sakin naku magagalit yung team mo sayu. Natatawa din nyang sinakyan ang biruan ng barkada na ikinatawa nila.
Nagulat sya ng bigla itong lumapit sa likuran nya sabay punas sa pawis nya sa noo at mukha.
Hay naku naman bakit ako kinikilig. Mahinang tili ni Karen sabay hampas sa katabing si Trixie.
Naku Justin baka mamaya isyu pa yan, ako na, biro nya rito pero ang totoo alam nyang hindi pa ito talagang ayus at pinip;ilit lang nito na maging ok.
Anyways Bro, kilan mob a balak ayusin yung gusot nyu ni Danica. Tanong ni Francis rito.
I don’t know bro, nappagud na din ako eh. Sabi nito na agad sumeryuso.
Pero Jus need mo muna yan I settle kasi di mo malalaman yan pag di kayu nag kausap na dalawa ng masinsinan. At least kung personal at magkaharap kayu baka magka unawaan pa kayung dalawa at maayus nyu pa kisa hinahayaan nyu nalang na ganyan kayu. Pareho nyu lang sinasaktan mga sarili nyu. Sabi nya rito.
Tama si Ate Angie Aj, kasi kung ayaw nyu na talaga eh di tapusin nyu ng maayus yung tamang closure ba. Sabi naman ni Jessa na andoon din
Oo nga naman pare kasi kung pagnagkita kayu tapos malaman mo na ayaw mo na talaga di sabihin mo sa kanya ng harapan at diretso para ikaw din maka let go ka ng maayus. Dagdag na sabi nmi Francis.
Yup, kasi based naman sa mga text ni ate gurl nakikipag balikan naman na sya sayu nag shes sorry na daw. Saad din ni Jhen. Sorry which I doubt dagdag pa nito.
Ay grabi ka naman Jhen, nag sorry naman na yung tao, at least she know shes wrong this time and sabi nya naman nga na love nya talaga itong frenie natin. Natatawa na sabi ni Triixe na alam nyang pinagagaan lang ang usapan.
Ganon naman kasi lagi ginagawa nya eh, she’s sorry then uulit uli. Pabuntunghininga na saad nito.
Kaya nga Jus, yun yung point naming sa sinasabi naming sayu, ikaw lang kasi makaka assist sa feelings mo kung kaya mo pa ba or hindi na, and malalaman mo yun once you two talk personally and openly. Paliwanag nya rito.
Ok ok I’ll talk to her later. Sabi nito maya maya after mag isip.
Alas tres ng hapon habang naka tambay sya sa boutique nila Jhen panay yung kwentuhan nila pangalang araw na ng market market nila at masaya sila na effective yung mga naiisip nila na mga booth, yung mini boutique nila dahil sa affordable na mga items ay mabinta rin, open kasi yung market market nila kahit sa mga outsiders and non school youth kaya aside sa mga students ng university may mga pumupunta na galing sa labas. Madalas din silang purihin ng adviser nila dahil kita daw nito na base sa volume ng tao ay mas maganda na di hamak yung gimik nila kisa ibang major.
Let’s eat. Sabi ni Justin sabay lapag ng dalang pagkain sa mesa nila. May mga kwek kwek at iba pa itong dala.
Oh why are you here? Akala ko ba mag uusap kayu ngayun? Taka nyang tanong rito.
Yup and were done. Baliwalang sagot nito sa tanong nya.
Anong done? As in tapos na kayung mag usap na dalawa or done as in wala na talaga? Intrigang tanong ni Jhen agad rito.
Both. Maikling sagot nito sabay tusok sa kikiam at inamba sa kanya.
Anong both? Tanong ulit nya rito na hindi pinansin ang sinusubo nito sa kanya.
Ahh,, sabi nito sa kanya kaya kinagat nya nalang yung sinusubo nito. Nakita nya din nag hihintay ng sagot mula rito ang mga kaibigan.
Kwento dali. Excited na sabi ni Jhen para itong bata na makikinig ng kwento ng lolo nito.
Wait what happened to your face? Tanong nya sabay baling ng pisngi nito, namumula iyun at may marka na pang latay.
Yan yung napala ko sa pakikipag usap ko. Baliwala padding sagot nito sabay subo ng kwek kwek.
Ano yan sinampal ka nya? Taking tanong ni Karen ditto.
Oo not once but twice. Sagot nito.
Hanep bro totoo? Sinampal ka? Gulat na gulat na tanong ni Francis na kakarating lang din at may bitbit ding kakanin.
Oo pre, pero tama kayu, nasigurado ko yung nararamdaman ko ng magkita kami. I fell nothing, and siuguro dahil napagud na ako.
What did she said? Tanong ulit ni Jhen.
Yun gaya sa chat and text nya na she’s going to change na nga daw, and nad sorry din sya and she wants to fix things up.
Ano sinabi mo?
I told her kung bakit ganon nga, and I told her na naubos na ako, pagod na din ako and I want to formally end everything na kaya ako pumayag na makipag kita sa kanya. And yun bigla nya nalang ako sinampal ng dalawng beses kasi pina asa ko daw sya na kaya ko syang mahalin at tanggapin. Sinabi ko din sa kanya na ginawa ko naman lahat at tinanggap ko naman lahat pero nasagad na din ako. Kwento nito sa kanila.
You did the right thing pare. Sabi ni Francis after mag kwento nito.
Ok ka lang ba? Nag alala nyang tanong rito
Oo naman, and I realized kanina habang pabalik ako rito how stupid I am na iniwan ko kayu para sa kanya, tiniis ko na hindi sumama sa mga lakad nyu at ni lapitan kayu lalo na si Andgz para sa kanya and its not worth it. Mahinang sabi nito na ahalatang nagsisisi. Im sorry guys. Sabi pa nito.
Hay naku Aj buti alam mo. Naiinis na turan ni Trixie, alam mo bang ang sarap mong itali nalang sa babaing yun dahil para kang buntin nito lagi.
Sorry guys. Mahina nitong sabi.
Naku kay Ate Angie ka mag sorry ng bongga kasi dami nyang naririnig na kung ano ano dati galing dyan sa gurlalo mo. Sabi naman ni Karen.
Im so sorry Andgz, sabi nito sabay yakap sa kanya.
It’s ok tapos nay un and were friend kaya wala kami magagawa kundi ampunin ka ulit. Natatawa nyang sabi rito.
Thank you guys. Masaya nitong tguran.
Nah not that fast! Biglang bawi ni Jhen. You need to earn our trust again sabi nito sa mataray na tuno.
Yes your highness. Natatawa pang yumuko ang binata na ikinatawa nalang nila. Masaya syang buo na ulit sila pero alam nya na deep insiode malungkot padin ang binata..
Naging subrang busty nila ng mga sumunod na araw sa Market market dahil sa malapit na itong matapos.
It’s the last day of Market market and lets make this day productive and profitable. Masaya nyang sabi sa mga ka grupo sa Photo booth. Halos lahat din ay kanya kanyang gimik para sa last day. Kahit nakakapagod masaya dahil matutuo sila at the same time nagagamit ang mga pinag aralan nila an marketing students. at the end of this event is malalaman nila kung sino and nag gain ng profit or na lose between sa kanila at ng dalawa pang major Finance and Accounting.
Congrats guys, masayang bati nila sa mga kaklasi nila ng malaman nila na sila ang may pinaka mataas na income and profit sa market market nila.
Congrats sa inyu. Nagulat pa sila ng biglang lumapit sa kanila si Danica sabay bati sa kanila.
Salamat. Agad nya naman sagot rito kahit nagulat sya.
Iba talaga ang marketing eh, dagdag pa nitong sabi ngumiti nalang din sya rito,
Anong nangyari don? Maysakit bay un? Mahinang tanong ni Trixie nagulat din sa naganap.
Kibit balikat lang sinagot nya sa kaibigan, luting pa din kasi sya sa subrang saya dahil result ng market market nila. Paid off lahat ng pagod at puyat natin sa market market guys. Tuwang tuwa pa din nyang sabi.
Oo nga Ate Angie, pero di pa din ako ka get over kay ate gurl ano kaya nakain nun? Ma intrigang saad ni Jhen.
Naku hayaan nalang natin sya, malay mo masaya lang talaga sya kasi maganda yung naging performance natin. Saway nya rito. Kasi kung ano man dahilan nito sa paglapit sa kanila wala na sila doon.
Ano tara na. agad na aya ni Justin sa kanila ng lumabas ito at si francis mula sa Admin office nila.
Where to? Tanong nya.
Maglalakad lakad. Nakangiting aya nito sa kanya
Wait hindi ba kami kasama dyan sa lakad na yan? Tanong ni Karen
Chapter 18
Ahhhh antok na ako bukas na ulit toh. Aniya sa sarili ng ilang bises na syang humikab. Gumawa sya ng draft para sa marketing strategies and planning nya. Maaga pa naman pero inaantok na sya mag aalas nwebe palang ng gabi. Nang naghahanda na syang matulog tumunog ang phone nya. Mapa angat ang kilay nya ng Makita kanino galing ang mensahe.
“I didn’t know I was this fragile until I meet you” my hurt and sad! #GM mensahe mula kay Danica naka group message yun ayun sa dulo ng text nito, nagulat sya bakit kasama sya sa group message nito hindi naman sila close, may number sila sa isat isa dahil minsn na din sila dating nagkasama sa isang project kaya may contact number sila.
Di naman ako kasama sa mga GM nito dati ah. Apaisip na sabi nya. Di sila nag titext kung hindi lang importante. Hahayaan nya nalang sana dahil baka aksidenting nasali lang sya sa group message nito ng tumunog ulit ang phone nya, this time sure syang para na talaga sa kanya yun.
Hi Angelie sorry to disturb you at this late, are you still up? Tanongnito.
Nagtataka man ay nireplyan nya pa din naman ito. Yup, gising pa naman, why?
Nothing just want someone to talk too. Sagot naman nito na mas lalo nyang ikinataas ng kilay at pinag takhan close ba tayu? Parang gusto nyang itanong rito.
Ahhh yun lang tanging reply nya ditto.
Is it ok if I ask you something personal? Tanong ulit nito kaya lalo syang naguluhan.
Yup, no probs if I can answer it, why not, wag lang pera kasi wala ako. Pabiro nya nalang sagot rito na may smiley emoji sa dulo.
Hahahaha, no no, its about Aj sana if ok lang?. reply nito
Yup, no problem what about him? Agad nyang tanong
Is he ok na ba? Nalulungkot pa ba sya? Pagtatanong nito, na inaasahan nya na an about sa bestfriend nya ang tatanungin nito.
I don’t really know Danica, lately honestly he is not talking about what happened. Sabi nya rito
Ah I see, I can see kasi na his ok na, he smile often na kasi. Sabi nito.
I don’t know eh, kasi kahit dapat pa naman even his hurt inside he manages to smile naman talaga lagi. Sagot nya. And this past few days kasi madalas nya din kasama sila Rodel kaya I don’t know if he share with them. Dagdag pa nya. Lately kasi madalas nitong kasama ang boys sina Francis, Rodel and Carlo
Can I ask a favour Angelie if ok lang sayu. Tanong ulit nito sa kanya.
Of course if kaya ko lang din naman, why not.
Thank you Angelie I know you are the only person kasi na subrang close sa kanya kasi I know your bestfriend, can you make him happy and made him smile always? Pakiusap nito sa kanya na may please emoji pa
I don’t know Danica ha, I can’t promise kasi yeah were close but I don’t really know kung kaya ko yang hinihingi mo kasi, iba naman yung friendship naming kaysa sa meron kayu and I know that he was hurt also. Yeah he is smilling but Im not asking na kasi about how he fell kasi, hinahayaan lang kasi naming sya most of the time to open up with us ng kusa eh. Mahaba nyang sagot rito.
Yeah I know Angelie and I know you’re the only person I can talked to about him. I fell sad and sorry but kahit ano din gawin ko wala na ayaw nya na eh. Ramdam nya ang lungkot at sakit nito ewan nya ba bakit parang this time she really showed her other side na mas na fell nya. At nalulungkot din sya para rito.
Ahhmmm pano ko ba sasabihin toh, text nya rito na nag aalangan kung tama ba ang sasabihin or hindi.. I know kasi pariho kayung nasaktan about what happened kaya lang wala din kasi ibang makakatulong sa inyu kundi sarili nyu lang din, just don’t rush things unti unti makakalimutan nyu din yung sakit. Sabi nya rito.
I know Angelie, kaya lang I hold to his promise na he will stay with me no matter what. Reply nito na may crying emoji pa.
I know pero di ko din masasagot yan eh, of all people kasi kayung dalawa yung makakapag sabi anong nangyari, and why it happened. Sabi nya rito.
and why it happened. Sabi nya rito.
Yeah! But I was hurt. Reply nito sa kanya na pabuntunghininga nalang sya dahil di nya din alam yung sasabihin para gumaan yung pakiramdam nito.
Im sorry Angelie nadamay ka pa tuloy na isturbo ka pa. sunod na mesahi nito.
No, its ok. You can talked to me naman anytime. Sagot nya rito.
Salamat Angelie ha, sige na pasensya na ulit. Baka antok ka na din good night. Sabi nito
No prob! Sige good night din. Reply nya rito. Napabuntong hininga sya ulit ng ibaba ang phone nya, ginawa nya na din kasi lahat sinabihan nya na din si Justin nab aka makakaya pa namang ayusi eh pero ayaw na talaga nito at di nya naman ito masisisi.
Hay naku g**o ng mga love life ng mga ito. Naguguluhan nalang syang umayus ng higa.
Kinabukasan maaga syang nag handa papuntang unibersidad dahil may mga kailangan syang I submit ng maaga at puntahan sa adin office ng department nila. As usually uniform pa din sya, may designated uniform kasi sila sa department nila maging ang ibang department mini skirt na mataas ng ilang pulgada mula sa tuhod nya ang haba at ang blouse nila. Hindi sa pag mamalaki pero kasi ang mga kaibigan nila madalas syang punahin na bagay na bagay sa kanya ang unipormi nila at para syang modelo pag sya nag susuot nito. Bukod kasi sa taas nyang five and seven inches ay maganda rin ang hubog ng katawan nya di man gaano kalakihan ang bidbid nya pero bagay ito sa kurti ng maliit na baywang at maumbok na pangupo nya isabay pa ang mahahaba nyang legs. Kaya madalas syang tuksuhin ng mga kaklasi at 4th year nag awing pambato sa departamento nila bilang representative sa pageant ng school. Na lagi nya lang tinatawaan.
Andgz where are you? Text mula kay Justin
Papunta ng university. Why? Sagot nya rito.
Antayin mo ako sunduin nalang kita Im on my way. Sabi nito
Ha? Eh nag lalakad na ako papuntang campus eh. Reply nya ulit rito.
What? Saan kana banda malapit kana ba?
Oo malapit na malapit na. asan ka ba? Tanong nya rito tanaw nya na kasi ang university nila.
Malapit na din ng gampus hintayin nalang kita sa may gate. Sabi nito.
Ok no problem. Sagot nya rito at ibinalik sa bulsa ng uniform ang cellphone nya. Malayu palang ay tanaw nya na ito na kumakaway sa kaya habang naka ngiting papalapit.
Luh, ano nakain mo at an gaga mo? Tanong nya rito ng makalapit ito sa kanya ng tuluyan.
Wala lang nalala ko kasi na nabanggit mo kahapon na maaga ka ngayun pupunta ng school. Sagot nito sabay kuha sa bibit nyang mga libro at laptop.
No ako na nitong laptop at mabigat na yang books. Sabi nya rito pero kinuha pa rin naman nito.
It’s ok, sus wala ka bang tiwala sa muscles ko. Pagmamayabang na sabi nito sabay taas pa ng braso na ikina taw nya.
Muscle ka dyan, boto siguro. tukso nya.