Truth or Dare

5000 Words
Chapter 10 Excited na inaayus nya mga gamit nya ng lumapit ang mama nya sa kanya. Nak kumpleto na ba yang mga dadalhin mo? Tanong nito sa kanya habang tinutulungan sya nitong mag impaki ng mga gamit nya. Opo ma, kunti lang naman dadalhin ko pabalik sa city kasi iniwan ko nman na yung iba sa boarding house ko eh. Nakangiti nyang sagot rito. Oh sya double check ulit at baka may makalimutan ka, mahirap pa naman magpadala ng mga gamit ngayun sa bus. Anito habang sinasara yung bag nya. Opo ma lahat naman nan a iayus ko nap o kagabi pa. Oh yung mga gamut na itinbi ko nalagay mo na bas a bag mo? Paalala pa nito sa kanya Opo ma, relax ka lang di ko yung kinalimutan. Natatawa nyang sabi rito Aba dapat lang ikaw pa naman at ang healthy healthy buti kung di ka sakitin dyan. Dagdag nito midyu madalas kasi sya magkasakit kaya ganon nalang yung mama nya mag paalala sa kanya ng mga gamut lagi. Angie ha, alagaan mo sarili mo doon, alalahanin mo wala na doon si ate mo para may tumingin sayu lagi at mag alaga tuwing may sakit ka. Tuloy tuloy nito na bilin sa kanya, lilipat na kasi yung ate nya ng Cebu para sa on the job training nito sa isang sikat at kilalang hotel doon dahil HRM yung kinuha nitong kurso at last sem na nito sa koliheyo kaya kailangan na nitong mag OJT. Yes ma, relax ka lang ako pa strong kaya ito. Natatawa nyang biro rito sabay yakap. Oh sya bilisan mo na at baka maiwanan ka ng sasakyan. Paalala nito na agad naman syang humalik rito at binuhat yung bag nya at sabay na silang lumabas ng kwarto. Pa, balik nap o ako ng city. Paalam nya sa ama, kasalukuyan itong nag aayus ng kung ano sa bakuran nila nag mano sya at humalik din rito. Oh ingat ka doon ha, wag pabayaan yung sarili at kumain sa tamang oras ha. Bilin nito sa kanya Yes sir! Nakangiting sumaludo pa sya rito na ikinatawa din nito. Malapit kana ba? Napangiti sya ng mabasa ang mensahi na natanggap. Yup I think I’ll be there at 3 minutes or less. Reply nya rito Ok see you I’m here already waiting. Reply nito sa kanya na ikina ngiti nya. Nang makarating ang sinasakyang bus sa terminal agad nyang natanaw ang naghihintay sa kanya sa may waiting area ng terminal agad itong kumaway sa kanya ng Makita sya nakaupo kasi sya sa may bintana na part ng bus kaya nakita sya agad nito. Nang tuluyang makababa ng sasakyan agad itong lumapit sa kanya. Hi, nakangiting bati nito sa kanya. Hi, kanina ka pa ba rito? Tanong nya rito Hindi naman masyado kararating ko lang nung nag text ako sayu. Sagot nito sabay kuha ng mga bitbit nya. Ganon ba. Bakit ka nga pala andito? Nagtatakang tanong nya rito Hahaha sinusundo ka? Masaba ba? Natatawang sagot nito pagkakuha ng mga bitbit nya. Hindi naman, nagulat lang ako nag nag text ka na nasa terminal ka. Anong meron? Tanong nya ulit rito palabas na sila ng terminal. Wala naman na miss kita eh. Nakangiti nitong sagot sa kanya ng bahagya sya nitong limgunin. Weehhh, ang totoo, anong meron? May problema ka ba? Seryuso nyang tanong, unang beses kasi sya nitong sinundo sa terminal maliban sa pagsundo sa kanya sa boarding house nya pag may mga lakad silang barkada or school event. Wala ah, masaya lang ako na magkakasama na ulit tayu. Natatawang sagot nito sa kanya at pumara ng tricycle. Weeeh,, magkikita kita naman na talga tayu mamaya kasi pupunta tayu ng campus ng hapon diba para sa schedule paper natin. Natatawa din nyang sabi. Saka bakit ba parang ang saya mo ngayun? May hindi ba ako alam? Nadududa nyang siko rito kasalukuyan na silang papunta sa boarding house nya. Wala ah,saka masaya lang ako andito kana eh. Nakangising sagot nito sa kanya. Hoy AJ akoy wag mong pinag luluko ha, anong meron at ganyan ka? Naniningkit yung mga mata na titigan nya ito. Hahahha wala nga, ano k aba hindi ba pweding maging masaya? Sabi nito sabay pisil sa pisngi nya. Aba at may nalalaman ka pang masaya eh, sa pagkaka alala ko buong sem break mo akong ginugulo dahil sa broken hearted ka. Nakanguso nyang sabi rito. Hoy hindi ah, grabi naman sa buong semester, saka di naman ako broken hearted nga, disappointed lang sa nangyari. Sagot nito Sus ganon pa din yun noh, broken hearted ka pa din. Naku di tuloy naging masaya yung sem break ko dahil sa isang tao dyan na panay yung emote sa text at tawag. Nakanguso nyang turan na ikinatawa nito. Ay grabi sya oh, sorry na alam mo namanna ikaw lang nasasabihan ko ng lahat eh. Malambing na sabi nito sabay akbay sa kanya. Ito na nga oh sinundo ka na para may taga bitbit ka at di ka mahirapan. Dagdag pa nito sabay kindat sa kanya. Napangiti nalang sya sa kakulitan nito, sino ba mag aakala na magiging subrang close silang dalawa ng binata, siguro dahil masaya at magaan itong kasama, kaya subrang naging malapit sila sa isat isat, naging open din kasi sila sa bawat isa at nalalabas nila yung mga gusto nilang sabihin at nakita nya din kung pano ito remispito sa kanilang mag babarkada. Mukhang ok na din ito ngayun naka move on na sa pagkabigo sa panliligaw nito sa isa sa mga kaklasi nila.      Chapter 11   Hi guys. Masayang bati nya sa mga kaibigan pag dating nila sa campus Waahhh I missed you so much sissy. Agad na tili ni Jhen sabay yakap sa kanya natatawa nyang ding niyakap ito Kanina pa ba kayu? Tang nya sa mga ito. Nope ako halos kakarating ko lang din, itong si Jhen and frnacis yung nauna si Karen kasi halos kasabay ko lang din dumating eh, sabi ni Trixie Tika bakit pala magkasama kayu ni AJ sinundo k aba nya sa boarding house mo? Taking tanong ni Jhen na nakataas pa ang kilay sa kanila. Nope, sinundo ko sya sa terminal kanina. Naka ngiting sagot ditto ng binata Ay wow, ano toh may di ba kami alam ha? Nakapamiwang nan a sabi ni Jhen sa kanila Woohhh guys relax wala lang yun, subrang thoughtful lang nitong isa kaya sinundo ako. Natatawa nyang awat sa mga ito at baka saan na naman mapunta ang usapan nila. Anyways tara na kaya ng makakuha na tayu ng schedule natin. Aya ni Karen sa kanila   Oy guys, labas naman tayu oh. Yaya sa kanila ni Trixie kasalukuyan silang nasa isang study table sa may garding ng campus nila, busy silang lahat this past few weeks dahil sa dami nilang kailangang gawin. Halos na ngangalahati na naman agad kasi ang using sem nila as second year college at midyu pressure sila dahil every sem nababawasan yung batch nila dahil may general average silang dapat na ma mentain upang manatili sila sa kurso na kinuha nila. Hangang end of second year kasi yun na rules, once na malagpasan mo yun pag enrol mo ng third year mo ok na dahil sure nayun. Tagal na hindi tayu lumalabas eh, dagdag pa nito habang naka pangalumbaba na sa mesa. Tapus ka na bas a project mo? Tanong nya rito habang patuloy sa ginagawa sa harap ng laptop at libro. Ganon din yung iba nilang kaibigan busy sa kanya kanyang laptop. Hmmmm,, nope pero wala nang pumpasok sa utak ko, para na akung sasabog. Sagot nito na parang maiiyak na. Ako nga din eh, may isa pa akong research paper na tatapusin wala na din ako maisip na English. Turan ni Trixie Stress na din sila sa dami ng deadlines and project nila malapit na naman na kasi yung exams nila. Pero natutuwa sya dahil silang magkakaibigan ay lahat pasok sa dean list lagi  maging si AJ and Francis. Well Friday naman ngayun diba? May bazaar and tyangge mamaya sa may park, why not doon naalng tayu para makapag recharge naman tayu ng kunti. Suggestion ni Francis sa kanila na kadarating lang at may dalang mga kukutin. Oo nga noh, dating gawi. Excited na sabi ni jhen. Madalas kasi sila dati sa nasabing park doon sila madalas tumatambay na grupo pag may mga kailangan I brainstorm or kahit practice sa mga activity malapit lang kasi yun sa campus nila plus madaming tindang mga kakanin and street foods. Ok deal, tapusin na muna natin toh para mamaya after ng last subject natin gura na tayu. Sabi nya sa mga ito. Tika asan nga pala si Aj? Kanina pa yun wala. Puna ni Karen Oo nga, nakita ko naman yun kanina ah, bakit wala sya ditto? Natatakang dagdag din ni Jhen Naku hayaan na natin yun baka tapos nay un sa mga gagawin nya kaya kung saan saan na nag susuot. Baliwalang sabi nya sa mga ito. Naku, inform mo nalang sya mamaya Angie baka mag tampu yun pag dinatin sinama. Sagot naman ni Trixie Don’t worry gurls na text ko na. sabi naman ni Francis sabay taas ng hawak na phone. Hanep talga itong si Francis eh, bilis eh.. natatawang kantyaw ni Karen rito. Na ikinatawa nilang lahat. Oh ano na tara na. excited na turan ni Trixie pagkatapus ng last subject nila, magka hawak pa ng kamay at ni Karen na lumapit sa kanila, nag aayus pa sya ng mga gamit nya. Wow ha, di naman kayu masyadong excited na dalawa noh, natatawa nyang puna sa dalawa. Hindi naman, midyu lang. natatawa ding sagot ni Karen Let’s go! Nagulat pa sya ng hatakin sya ni Jhen sa braso, anyways sasama daw sila Marites at Carlo and Anna and  Richelle satin, impurma nito sa kanila. Oo naman maganda yun at least madami tayu, natutuwa din nyang sagot, nasa fifth floor sila ng building at pababa na sila ng hagdan ng mamataan nya si AJ kasama ng grupo nila  Danica. Tika bakit wala si AJ? Hindi nya baa lam yung lakad ngayun diba na text mo naman sya Francis? Taking tanung ni Trixie Oo and nasabihan ko din sya kanina sa room. Sagot naman ng binata Nang makabab na sila ng building namataan ito ni Karen na kasama ang magkakaibigan na sila Danica. Kaya naman pala busy si kuya. Turan nito sabay nguso sa diriktion ng kaibigan nila. Is there something between him ba at ni Danica? Seryusong tanong ni Jhen sa kanya ng balingan sya. Na kibitz balikat lang ang sagot nya. Hoy lalaki may alam ka ba sa nangyayari? Baling nit okay Francis na agad nag taas ng kamay Oh oh bakit ako? Wala po akong alam. Sagot nito na sabay iling ng mariin. Hay naku gurls hayaan nalang natin sya sa lakad nya, beside malaki na sya noh, natatawa nyang awat sa dalawa. Ngunit maging sya ay napapansin na madalas na absent na sa lakad at group study nila and binata at madalas na kasama nito ang grupo nila Danica. Hay naku may nappansin na naman talaga akung kakaiba eh. Di padin kumbinsido na turan ni Jhen. Nang makalabas silang ng gate ng campus nila masaya silang nag uusap ng mga bibilhin nila ng marinig nila si Justin. Kumakaway at tumatakbo palapit sa kanila. Oh sabi ko sa inyu eh sasama nga itong si AJ. Sabi ni Francis Akala ko iniwan nyu na ako eh. Humihingal na sabi nito pagkalapit sa kanila. Talagang iniwan ka na naming noh, mataray na sabi ni Jhen ditto Busy ka kasi kanina kaya di kana naming inisturbo. Sabad naman ni Karen na nakataas pa ang kilay. Wooahhh sorry na guys, at least naka habul pa ako di ba Angz, sabi nito sabay baling sa kanya. Oo. Tipid nyang sagot rito at pinagpatuloy ang pag lalakad sumunod naman agad ang mga ito. Sorry na Angz, sabi nito sabay akbay sa kanya. Bakit kaba na sosorry? May kasalanan k aba? Malamig na sagot nya rito sabay tanggal ng kamay nito sa kanya. I know di kasi ako madalas na nakakasama sa grupo. Mababa ang boses na sabi nito. Nah its ok, were good, alam naman naming na busy ka and kami din busy tsaka wala naman kaming ganap maliban ngayun eh, di ba guys? Mahabang sagot nya sabay baling sa mga kasama na agad naman sumangayun. Nang makarating sila sa Tyangge agad na silang pumili ng mga pagkain saka pumasok sa loob ng park madami na din tao dahil Friday at marami ang namimili sa bazaar at tyangge ng nakahanap sila ng pwesto agad silang naupo pabilog sa damuhan sa ilala ng isang malaking puno doon. Midyu madami sila dahil kasama yung iba nilang kaklasi na close din nila. Nilagay nila ang mga pagkain sa gitna para share sila sa mga binili nila. Na miss ko talaga yung ganito. Turan ni Trixie habang kumakain ng fish ball. Oo nga tagal na din ng huli tayung pumunta rito and infairness second year na agad tayu. Masayang sabini Marites. Madalas din kasi nila itong nakakasama sa mga ganitong lakad dati. Oo nga eh, saka ang dami na ding nangyari noh, at laks maka pressure ng kurso na kinuha natin. Natatawang dagdag ni Carlo sa usapan. Naku dahil sa pressure nay an at pagsisiguro ko na hindi ako mapatalsik sa ibang course wala na tuloy ako time mag lovelife. Nakangusong sabi naman ni Trixie na ikinatawa nilang lahat. Hoy, yun talga iniisip mo? Mataray an puna ritoni Karen. Pero ako din beshie wala ding time. Dagdag na turan nito na kunwari umiiyak pa. na ikinatawa ulit nila. Naku totoo talaga yan, buti pa yung iba dyan may nagpapatibok ng puso. Parinig ni Jhen Oo naman ako meron, kaya lang ang sungit naman sakin. Agad na sagot ni Francis, bi ba Baby Jhen? Dagdag nito sabay kindat sa kaibigan Hoy, akoy tigilan ni lalaki dyan sa kalukuhan mo ha, mataray na sagot nito ngunit namumula ang pisngi. Oy, nag bublush sya. Tukso nya sa katabi na sunundan pa ng iba nilang kasama. Oh sya mag laro nalang kay atayu ng Truth or Dare nang magkaalaman na. suggestion naman ni MArites na sinang-ayunan naman ng lahat. Sige ubusin ko muna itong softdrinks ko para ito nalang gamitin natin. Ani Carlo sabay tungga ng natitirang laman ng bote nito. Ok game sabi nito pag kalapag ng bote s gitna nila. Ako na yung mauuna tapos dapat walang kj ha, pag dare yung pinili talagang gagawin mo and pag truth naman walang halong lie ok.? Mahabang instruction nito. Ok game. Excited na sagot ng mga kasama nila at nag simula na ang laro, halos mamatay matay sila sa kakatawa sa mga kalukuhan na pinapagawa sa mga nag de dare gaya nalang ni carlo na lumapit sa isang grupo ng mga andoon sa park at nag offer na kumata na subrang sintunado naman ng boses nito. Naku sa tanang buhay ko ngayun lang ako napahiya ng ganito. Namumula pa sa hiya ngunit natatawa nitong sabi pagkabalik sa grupo nila. Ok it’s my turn. Sabi nito sabay paikot ng bote na tumapat naman kay Justin sa tabi nya. Ok AJ truth or Dare? Excited na sagot nito. Naku parang natatakot ako mag dare at alam ko na gaganti ka pare. Natatawa nitong sagot. Relax ka lang pare madali lang namn ipapadawa ko sayu eh, nakakaluko itong ngumiti na ikinatawa nila dahil alam nilang mahihirapan ni Justin. Truth nalang, natakot ako bigla kay Carlo eh. Natatawa nitong sabi Yun oh, sigawan ng mga kasama nila. Walang halong bola toh pare ha. Sabi naman ni Carlo rito. Yup promise. Natatawa din sagot nito. Ok, sino ang special someone mo sa atin na magkaka klasi? Diritsong tanong nito na ikinagulat nya at ikinatuwa naman ng mga kasama nila. Tumikhim muna ito na ikinatahimik ng lahat at halatang excited na nag aabang sa sagot nito. As In special and very close to my heart si Angz, siryuso nitong turan na ikina tili ng mga kasama nila na di maitago yung kilig. Ayiieehh si Angie oh nag bublush. Tukso sa kanya ng mga kasama Bakit si Angie? Sunod na tanong ni Marites rito Bakit si Marites nagtatanong dapat si Carlo hahaha natatawang puna nito Ay sorry na carried away lang po ako sa kilig hhahahah hagikhik na sagot naman nit okay AJ Same yung tanong ko sagot agad ni Carlo. Bakit si Angie eh parang iba naman yung pinupurmahan mo? Dagdag pa nito na may ibang ipinahihiwatig. Tama bakit iba yung chismis sa klasi natin, dagdag ulit na turan ni marites. Si Angz kasi lahat nakakaya kung I open up sa kanya lahat as in, subrang gaan din nya kasama masaya ako pag magkasama kami and naiintindihan nya ako, she also encourage me in every way possible every time na down ako, she help me cope up sa mga downs ko and she can lighten up my mood easily. Paliwanag nito na lalong ikina kilig ng mga kasama nila. Eh pano yung chismis na nililigawan mo si Danica? Intrigang tanong ni Jhen rito. Si Danica naman kasi iba naman yun she’s just bubbly kasama and she’s cute too. Nakangiting sagot nito. Tika bakit parang ang daming tanong sakin ah, inturugation ba ito? Natatawang puna nito sa usapan nila. Oo nga naman gurls stick to the rules tayu. Natatawang sabad naman ni Francis. Ok sige na AJ ikaw magpaikot ng bote. Ok sige, sagot nito sabay paikot ng bote na sakto naman kay Jhen na ikina sigaw nito. Jhen Truth or Dare? Nakangising tanong nito Hay naku Aj kung ano man yang naiisip mo wag mo na ituloy, naku sinasabi ko sayu. Banta nito sa binata na ikinatawa nila. Dare! Sigaw nito, agad naman kunwaring nagpalinga linga si AJ at naghahanap ng ipapagawa. Ok sige dare ha, walang bawian. Banta nito Oo matapang kaya ako. Sagot naman ni Jhen sa paghahamun nito. Ok sige, go there sa grupo na iyun, and ask one of them to buy you food. Hamun nito sa dalaga. Nah, easy! Sabi naman nito sabay tayu. Watch and learn girls, sabi pa nito sabay ayus ng suot na palda. Nasunod naman sila ng tingin rito ng lumapit ito sa isang grupo ng mga lalaki at kinausap ang mga ito. Natawa pa sila ng ituro sila nito, nakita nilang umalis ang isang lalaki at pag balik may bitbit ng plastic na may pagkain at inabot sa dalaga. Waaahhhh,, iba ka talaga ate gurl, ang ganda mo. Panunukso rito ni Karen ng makabalik. Oh well I told yah guys, easy! Sabi nito at umupo na ulit sa grupo, next time naman midyu hirapan nyu naman guys. Kunwari inaatok pa na sabi nito na ikina tawa nilang lahat.   Chapter 12   Oh sya ako na, sabi nito sabay kuha sa bote at pinaikot ito sakto naman sa kanya yung bibig ng bote. Yes! Tuwang tuwa na sabi ni Jhen ng makitang sya ang taya Oh no, bakit parang kinabahan ako bigla. Natatawang sabi nya at nagpalibot ang tingin sa paligid. Naku Jhen wag masyadong mahirap ha naku! Natatawang banta nya rito. Naku gurl relax ka lang madali lang ipapagawa ko sayu. Nakakaluko ang mga ngiti na kumindat pa ito na mas lalo nyang ikina bahala. Naku babae ka hindi ko gusto yang kindat kindat mo nay an, last time na ginawa mo yan napahamak ako, natatawa nyang sabi to. Hindi ah, ang dali lang nito promise. Ano Truth or Dare? Ahhmmm Truth nalang. Matapang na sagot nya rito. Ay ano bay an, saying naman bakit ka nag truth. Dismayadong sabi nito na ikinatawa nilang lahat Naku gurl alam na i Angie yung iniisip mo kaya nag truth nlang sya. Natatawang sabi ni Trixie Oh sya sige truth. Sabi nito habang nagiisipng tanong. Ok so if ever ba manligaw sayu si AJ may pag-asa ba? Daritsong tanong nito sa kanya na ikinagulat nya naman, What? Grabi namang tanong yan. Pagbibiro nya nakita nya kasing naghihitay lahat sa sagot nya ng lingunin nya ang katabi nakatingin lang ito sa kanya di nya mabasa ang expression nito habang nakatingin sa kanya. Grabi namang tanong yan Jhen, saka di naman nangliligaw itong si Justin noh. Natatawa nyang sagot. Ay ano bay an playing safe besh. Reklamo ng kaibigan na sinigundahan ng mga kasama nila. Oo ng Angie yes or No lang. sabi naman ni Marites. I don’t know nga kasi di ko din masabi honestly, I don’t want to answer something precise nab aka di ko din mapa nindigan diba, and besides iba naman nililigawan nitong frenie ko diba, and were just like magkapatid so yun di ko sure. Mahabang paliwanag nya na tahimik lahat ang lahat. So ok na nasagot ko na. nattawa nyang sabi. So its my turn? Sabi nya sabay kuha sa bote. Nope not yet, isang tanong palang yun remember. Sabi naman ni Jhen. Last question, what are the real score between you and AJ. Tanong ulit nito na hindi pa din tumugil sa intriga sa kanila. Were friends like you guys, and we know AJ is a very good man right. Agad nya namang sagot na totoo naman. So ako na, sabi nya sabay paikot ng bote. Naku kayung dalawa ang showbiz nyung kausap, natatawang sabi ni MArites. Na di na nya nalang pinansin. Nag patuloy ang laro nila ng hangang sa mabalik ulit kay Justin ang bote at si MArites yung mag tatanong. Tika lang guys mag ready lang ako ng tanong ko. Halatang excited na sabi nito at kunwari nag inat pa sa warm up nya na ikinatawa nila. Ok game so AJ wala kang choice kundi truth yung sagot mo ok! Mataray nito sabi na ikinatawa ng mga kasama nila. Wala baa kung choice? Natatawang napapakamot naman ng ulo nalang na sabi ng binata. No, wala kang choice. Agad na putol nito Hahahaha ano toh bakit parang front lang talaga yung laro natin at target talaga si Justin at Angie rito ah, puna ni Karen na natatawa sa sitwasyun. Ok game here’s my questions, if si Angie yung special girl mo bakit kasama mo si Danica kahapon at naka holding hands pa kayu? Ops don’t lie may valid source ako ng chika. Mataray na sabi nito. What holding hands? Akala ko ba wala pang kayu? Sabi ni Jhen maging sya din ay nagulat ang alam nya lang kasi ay madalas nga nitong kasama ang grupo ni Danica pero wala itong nabanggit na nanliligaw sya rito. Hmmm,, kinuha nya ang tubig sa tabi nya at pasimpling uminum di nya maintindihan ngunit parang may kirot syang nadama sa narinig. Ahmm yes madalas nga sila yung kasama ko and nag pasama lang sya dahil may binili sya and yes nanliligaw palang naman ako sa kanya. Sagot ng binata na mas lalong ikinabigat ng loob nya ngunit di nya nalang ipinahalata. Nangliligaw ka bakit may holding hands na? tanong ulit ni Marites. Basta guys nangliligaw palang naman ako sa kanya and besides di naman ibig sabihin nun is hindi ko na kayu friends guys, kayu pa din namn yung super friends ko. Sagot nito ng mapansin na natahimik ang lahat specially sila na mga barkada nito. Nagulat pa sya ng hawakan nito ang kamay nya na nakapatong sa hita nya. Sorry Angz di ko nasabi sayu agad, sasabihin ko naman kasi sayu pag ok na eh. Apoligitic na sabi nito sa kanya. Ano k aba no need to tell me, and besides malaki kana noh di mo na kailangan ang back up sa panliligaw. Pagbibiro nya ditto sabay pasimpling binawi ang kamay nya mula rito. Aheemmm, hapon na pala I think we have to go na guys. Basag ni Francis sa saglit na katahimikan Hala oo nga naku may lakad pa naman ako. Sabi ni Jhen. Alam nyang ginawa ito ng mga kaibigan upang mabasag ang tension na namumuo. Agad naman na silang nag sipag tayuan at nag paalam sa mga kasama. Nagulat sya ng bigla syang yakapin ni Justin ng makatayu sya. Sorry Angz, sabi nito sa kanya. Ano k aba bakit ka nag so sorry. Ok lang yun and congrats. Nakangiti nyang sabi rito sabay tapik sa balikat nito at kumalas sa yakap nito. Pilit ang ngiti nya ng pauwi na sila ng mga kaibigan.  Nag paiwan naman si Justin dahil may pupuntahan pa raw ito. Bakit sa lahat ng kaklasi natin si Danica pa yung napili nya? May halong inis na sabi ni Jhen. Bakit naman maganda naman talaga si Danica eh. Sabi nya Cute lang hindi maganda, magkaiba yung maganda sa cute. Mataray na sabi nito Ano ba kayu hayaan nyu nalang sya support nalang natin sya. Hikayat nya sa mga kaibigan. Alam nya din kasi nagiging usapan na nila dati pa ang gruponi Danica, sa lahat ng batch mates kasi nila ang grupo nito ang parang ang tataas ng level hindi naman lahat pero halos karamihan ay nagiging usapan ang mga ito, matatalino rin ang grupo nito hindi yun maikakaila ngunit pag dating sa ugali midyu doon lang may mag side comment karamihan sa kanila. Hay naku matalino naman itong si Aj pero iwan bakit iba yung trip sa mga nagugustuhan, yung mga ewan yung attitude. Kumento naman ni Trixie. Oo nga ang sama pa naman ng tabas ng dila nyang si Danica sa lahat sa grupo nila yan talaga ang hindi ko gusto yung tabas ng dila. Himutok naman ni Karen. Shhhh gurls relax lang, kung yun kasi gusto ng kaibigan natin wala naman tayung magagawa doon, support nalang natin. Sabi nya sa mga ito ngunit di nya din maintindihan bakit ang bigat ng loob nya. Oo nga naman guys, suportahan nalang natin si Aj kaibigan natin sya eh. Sabi naman ni Francis. Kaya ikaw francis siguraduhin mo lang magugustuhan naming yang magiging jowa mo. Kundi ay naku! Banta ni Karen ditto. Oo naman saka naghihintay lang naman ako rito kan Jhen eh. Palipad hangin nito sa kaibigan nila. Hoy wag ngayun lalaki, masama yung timpla ko. Pagtataray ni Jhen dito. Mas naging kapansin pansin na ang madalang na pagsama sa kanila ni Justin ng mga sumunod na araw dahil mas madalas na kasama ito ng grupo ni Danica kahit mag kaklasi sila sa mga subject bihira na silang nag uusap usap dahil parang may tension na nabubuo at madalas din itong nag mamadali at kasama nila Danica.   Bukod sa mas madalas na nitong kasama ang grupo ng nililigawan parang iniiwasan din sila ng binata. Kahit sa text wala na din halos silang communications lalo na pag nasa campus sila hindi na din ito lumapapit sa kanila. Hay naku itong si AJ, parang sira, sunod ng sunod sa grupo ni Danica. Naiinis na saad ni Trixie na nakatingin sa likuran nila kasalukuyan silang nasa bench malapit sa isang classroom nila. Ano ba kayu guys hayaan nyu na lang sila. Saway nya sa mga ito Ewan ko din eh di ko din maintindihan minsan lumapit ako sa kanya may tinanong lang ako ang sama na agad ng tingin ni Danica sakin. Inis din na sumbong ni Jhen Naku yaan nyu na sila masaya naman sya doon. Balewalang sabi nya Pero alam mob a Angie yung chismis is nagagalit daw itong si gurl pag lumalapit sayu si boy. Intrigang sabi ni JHen. At bakit naman sya magagalit eh wala namang masama doon magkaka barkada naman tayu ah specially itong si frenie Angie at si Aj, unless nag seselos sya kay Angie? Sabi naman ni Karen Yun na mga gurl yung chismis. Parang batang tuwang tuwa pa ito ng nahulaan ni Karen ang ibig nitong sabihin. Naku chsimis lang yun mga ate kaya wag kayu mag papaniwala sa mga yun ok. And besides kung totoo man yun wala naman syang dapat ikabahala kasi wala namang mangaagaw kay Aj sa kanya. Natatawa nya nalang ding sagot. True! Kaya kung nagseselos sya pwes mamatay sya sa selos kasi mas di naman hamak na mas maganda itong si Angie kay sa sa kanya noh. Mataray naman na dagdag ni Trixie. Hoy kayu ha nagsisimula na naman yang mga katarayan nyu. Natatawa sya sa reaksyun ng mga ito.  Pansin ko din talaga malaki problema sayu ni Danica simula pa dati. Dagdag kumento ni Karen. Hay naku basta wala tayung problema sa kanila period and wala tayung ginagawa na masama sa kanila ok, hindi nap o natin problema kung may problema sila satin. Saway nya a mga ito. Correction ate girl, sayu lang sila may problema samin wala. Natatawang bawi ni Karen Oo di kasi kami kagandahan at di kami malaking competition noh. Pag tataray ni Jhen. Ay grabi naman po sila ka harsh sa mga sarili nila. Puna nya sa mga ito. Wag ganon mga beshes. Naku focus nalang tayu sa final exam natin mga ate ng matapos na natin at nag naka hinga na tayu ng maluwag. Aniya para matigil na ang usapan tungkol sa binata.aminin man nya or hind imaging sya ay naririnig din ang mga usap usapan ng mga kaklasi nila na very vocal din sa pagbibigay ng kumento sa panliligaw ni Justin sa kaklasi nila. Hinahayaan nya nalang at di na pinapansin pa at ni hindi din sya nagbibigay ng kumento para wala na ding isyu pa. Alam nya din na namimiss nya na ang kakulitan ng bestfriend pero hinayaan nya nalang din ito kung saan ito masaya. Napa buntunghinga nalang sya ng maisip ulit ang mga alala nilang magbabarkada kasama si Justin kaya alam nya din na nag tatampo ang mga kaibigan ditto. Nang mapadaku ang tingin nya sa likuran nilang mesa saglit na nagkatinginan sila ni Justin na nakatingin din sa kanila na agad nya namang binawi ang tingin mula rito, di nya maintindihan ngunit parang may sinasabi ang mga mata nito. Napilig nya nalang ang ulo sa naisip dahil baka guni guni nya lang. Ano ba Marie Angelie focus nalang girl sa exam ok! pangaral nya sa sarili at pilit ibinalik ang atensyun sa binabasa at ginagawa ng tumunog ang cellphone.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD