"WHAT'S happening here, Sebby? What's the meaning of this?" Nagmamaktol na sabi ni Aby. Nakalarawan sa mukha nito ang iritasyon habang nakatingin sa iilang customer na nasa coffee shop nila ng araw na 'yon. Kita niya ang paglingon ng ilang customer na halatang nakikiusyoso. Nilapitan niya ang kasintahan na nakahalukipkip habang nakatingin sa labas mula sa glasswall ng shop. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Calm down, babe. I will explain everything to you. Let's go inside the kitchen," wika niya at iginiya ito sa kusina. "Bakit kakaunti ang customer natin ngayon? Anong nangyari? Ilang araw ng ganito, Seb?" Panay ang tawag nito ng Seb sa kanya tanda na wala ito sa mood at alam niyang dahil 'yon sa nangyayari sa negosyo nila. "Calm down, okay? Ngayon lang nangyari 'to at wala

