HMW6: Argument

1506 Words
“Ay, mahapdi pa!” Nagmamaktol na saad ni Natalie at talagang humaba ang kanyang nguso. Kumunot ang kanyang noo at masamang tiningnan ang kanyang asawa. Kumalas siya sa pagyakap sa asawa at naglakad palayo kay Clyde. Napakamot sa batok si Clyde. As much as he wants to share that moment with his wife, he can’t force her to do as he pleased. He will be too insensitive to just do what he wants and let his wife suffer. “Oo na, maliligo lang tayo,” nakasimangot na saad niya. “Hindi tayo dapat dito pupunta eh, doon pa dapat sa itaas.” “Saan ba pala dapat ang punta natin?” Bakas sa mukha ni Natalie ang pagkabagot. “Halika na nga. Doon muna tayo sa isang maliit na hot spring. May pinagawa akong tub doon na masarap pag babaran.” Minuwestra niya ang kanyang kamay kay Natalie at naglakad na sa isang makipot na daan paakyat. Namangha si Natalie sa ganda ng property na nabili ng asawa niya. Kagabi ay hindi niya nabistahan ang daan dahil madilim at sakay pa sila ng limousine. Pero, dito pa lang sa dalawang napuntahan niya ay maganda naman talaga. Kaninang nasa jacuzzi sila ay napakaganda ng tanawin. Ang bayan ng San Bartolome ay tanaw nila mula roon at maging ang mga karatig bayan. Pumasok ulit sila sa isang nakabakod na solar. Malayo pa lang ay tanaw na kaagad ni Natalie ang tinutukoy na hot spring ng asawa. Umuusok iyon at tila amoy asupre. Napakunot ang noo ni Natalie at napatingin sa asawa. “Bakit amoy asupre? Malapit ba tayo sa bulkan?” tanong kaagad ni Natalie kay Clyde. Napahalakhak si Clyde sa mukha ng asawa. “Of course not, darling. Hindi tayo malapit sa bulkan. Natural sa mga hot spring na amoy sulfur, kaya relax ka lang.” Nilapitan ni Clyde ang asawa at niyapos ito. Tinanggal na rin niya ang bathrobe nito at nilagay sa batong naroon na malapit sa hot spring. Napaigtad si Natalie. Nahiya siya bigla lalo at tirik ang araw at baka may tao sa paligid. Nilingon niya si Clyde. “Baka may tao sa paligid at makita tayo,” ani Natalie. Pinagkurus niya ang mga braso sa kanyang dibdib pero pinigilan iyon ni Clyde. “Walang sinuman ang makakapasok sa property ko, darling. May instruction na ako sa aking mga gwardiya na hindi sila pwede mag-roving dito at in-off ko ang CCTV. Kaya, huwag kang mag-alala. Let’s enjoy it here.” Hinubad na ni Clyde ang kanyang jogger at nilagay iyon katabi ng bathrobe na hinubad ni Natalie. Inabot na niya ang kamay ni Natalie at maingat silang naglakad papunta sa hot spring. Ang unang dampi ng tubig mula sa hotspring sa balat ni Natalie ay kaagad nagdala ng ginhawa sa kanya. Napapikit siya dahil nakaalalay naman sa kanya ang asawa. Sa katunayan ay nakahawak ito sa kanyang baywang pero namilog nang maramdaman ang paglagapak ng kanyang puwet. Nilingon niya ang asawa at naningkit ang kanyang mata sa kanyang natunghayan! Ang hudyong si Clyde ay nakasaludo ang sandata at bakas sa mga mata nito ang pagnanasa. Hinampas ni Natalie ang braso ng asawa na ngayon ay tumaas-baba ang kilay sa pagpapa-cute sa kanya. “Utang na loob, Guevarra! Tigilan mo muna ang kamanyakan mo. Mahapdi pa sabi eh,” maktol ni Natalie. “Hindi na nga. Nanggigigil lang ako sa matambok mo na pwet,” ani Clyde. Muli niyang hinaplos ang pwet ng asawa at mahinang pinisil. Binulungan niya ang asawa. “Kung bakit kasi nag-asawa ako ng maganda at sexy. Tuloy, hindi ko mapigilan ang aking sarili.” Sinimangutan lang ni Natalie si Clyde at lumusong na sa hot spring. Hawak pa rin ng asawa ang kanyang kamay at hindi nito ito binitawan. Lumublub na siya sa hot spring at napapapikit sa kaiga-igayang sensasyon na nanulay sa kanyang katawan. Ang magdamag na pakikipagtalik niya sa asawa ay nagdulot ng sakit sa kanyang balakang at likod. Sa isang parte ng hot spring pumwesto si Natalie. Malilim naman doon sapagkat napapalibutan ng mga matatayog na punong kahoy ang kabuuan ng paligid. Katulad ng nasa baba ay nakita ni natalie ang isang matayog na pader na may barb wire ang itaas na bahagi. Talaga namang secured nga ang property ng asawa. Pumikit si Natalie matapos sumandal sa isang sulok. Nais niyang samantalahin ang payapang lugar na iyon. Alam niya na mamayang gabi ay malamang hihirit na naman ang kanyang asawa sa hilig nito. Kailangan niyang mapaghandaan iyon. Kahit mahapdi pa ang pagkapunit ng harang na nagpapatunay ng kanyang kalinisan bilang babae ay dapat mapaligaya niya pa rin ang asawa sa abot ng kanyang makakaya. Kailangan niyang maibigay ang pangangailangang sekswal nito para naman ay masulit ang naging tulong nito sa kanilang negosyo. Kung sa ganoong paraan lamang makabawi siya sa malaking pabor na binigay nito sa pamilya nila. “Are you happy because you married a rich man?” walang gatol na tanong ni Clyde sa nakapikit na asawa. Napadilat ng mata si Natalie at sandaling inisip ang kanyang sasabihin. Nagtatalo ang kanyang isip kung sasagutin niya ito ng malumanay ang boses o ng pabalang. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. “First of all, mayaman na ang mga Angeles bago pa kita naging asawa. Second, hindi lang naman asawang mayaman ang nagbibigay ng happiness sa akin. Masaya na kami ng pamilya ko bago ka pa dumating at naging sulsol sa Tatay Harvey na ako ang magiging collateral sa magiging investment mo sa expansion ng Plantation Resort.” Mariin at maingat ang kanyang bawat salita. Ayaw niyang magmalaki o magmukhang kawawa sa puntong iyon. Gusto naman niya na kahit papaano ay taas noo niyang sasalubungin ang titig ng asawa. Tumaas ang kilay ni Clyde sa naging sagot ni Natalie. Na-amause siya sa pagiging palaban ng asawa. Kung ihahambing ito sa inang si Erica na palaging nababanggit ni Tristan sa kanya ay kabaliktaran ang ugali nito. Minsan ay nag-iisip siya na baka anak talaga ito ni Trixxie Angeles lalo at parang pinagbiyak na bunga nito at ang tiyahin. “Wuh! I’m just asking if you are happy. Bakit ang dami mo ng sinabi?” nabaghang saad ni Clyde. “Let me clear this once and for all, Guevarra. Hindi mo ako pag-aari kahit milyones ang naging investment mo sa negosyo ng pamilya namin. Katulad ng sinabi ni Trevin. Matagal na ang isang taon at magiging malaya na ako mula sa iyo. So, just enjoy the ride while it lasts. Magpakasasa ka sa katawan ko at sulitin mo ang ‘investment’ mo.” Tumayo na si Natalie at padabog na umahon sa hot spring. Ayaw niya sa lahat ay ang pinamumukha sa kanya na isa lang siyang trophy wife. Kahit masakit ang katotohanan ay ayaw niyang mamuhay na kaawa-awa sa paningin ni Clyde. Ayaw niya rin sisihin ang ama lalo at buong puso naman niyang tinanggap ang pakiusap nito sa kanya. Ayaw niyang manlumo ang kanyang Tatay Harvey at mapurnada pa ang mga plano nito para sa negosyo ng kanilang angkan. “Hey! You are too hard on yourself.” Umagapay si Clyde ang asawa at niyapos ang kahubdan nito. Sinamyo niya ang mabangong katawan ng asawa na kahit nababad sa amoy-asupre na tubig ay kakaiba pa rin ang dating sa kanya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sa sarili. Sa dami ng babaeng dumaan sa kanyang buhay ay tanging kay Natalie lang siya kaagad nahumaling ng ganito. He never bedded a woman twice. Para sa kanya, ang mga babae ay parang kasangkapan lang na kapag nagamit na para sa kanyang pangangailangan ay pwede na kaagad idispatsa. And thinking that she will leave him after he can recover his investment in their business pains him. Hindi pa man nangyayari iyon ay tila may pinong kirot na iyon sa kanyang puso. Napako si Natalie sa kanyang kinatatayuan. Mala-bakal ang yapos ng asawa ay kahit konting galaw ay hindi niya magawa. Pero, ang nagpapainit sa kanyang pakiramdam ay ang matigas na bagay na iyon na alam niyang may pakay na naman sa kanya. Para siyang tinutukan ng patalim sa tikas ng pagkalalaki ng asawa na alam niyang kanina pa nakasaludo. Alam niyang habang nakapikit siya ay hindi man lang siya tinantanan ng tingin ng asawa. Para siyang isang specimen sa microscope na sinusuri ang bawat sulok ng kanyang katawan. Hindi naman siya nahihiya kay Clyde lalo at nagsiping na nga sila kagabi pa. Napaigtad na lang siya nang maglandas na ang labi ng asawa sa kanyang balikat. Napapikit si Natalie sa ginawa ni Clyde. Pigil ang kanyang pagsinghap. Kung maari lang ay ayaw niyang malaman ng asawa na apektado siya sa ginagawa nito sa kanyang katawan. “Please don’t ever think of leaving me, Natalie,” mahinang anas ni Clyde. Tuluyan nang bumaba ang mga labi nito sa tuktok ng dibdib ni Natalie. Pinihit niya paharap ang asawa at buong alab na hinagkan ang n*****s ng asawa. Salitan ang ginawa niya habang ang kanyang kamay ay abala nang naglalakbay pababa sa kung saan gusto na niyang malasap: ang kaselanan ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD