Maingat na gumalaw si Natalie ngunit para siyang nakagapos sa kung anong bagay at hirap siyang kumilos. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Ang mainit na hininga ng kanyang asawa ang sumalubong sa kanya. Naiihi siya kaya, kahit hirap na kumawala sa bisig ni Clyde ay ginawa niya.
Nang tumapak ang kanyang mga paa sa sahig, napaigik siya sa kirot na gumuhit sa kanyang kaselanan. Paika-ika siyang naglalakad patungo sa kanilang malawak na banyo. Parang antagal niyang narating iyon sa bagal ng kanyang paglalakad.
“Ayyy!” Napatili si Natalie sa gulat nang umangat siya mula sa sahig. Ang mala-bakal sa tigas na braso ni Clyde ang siyang humapit sa kanyang katawan at tila kay gaan lang niya para rito. Wala sa sarili na napakapit siya sa balikat niyong kay lapad. Tinitigan niya ng masinsinan si Clyde at ang mga mata nito ang talaga naman paborito niya. Ang init na sumisingaw sa katawan nito ay nagpapaalala sa kanya sa mga mainit na tagpo na pinagsaluhan nilang dalawa. Napakagat siya sa kanyang labi nang maalala na isa na pala siyang ganap na babae kagabi sa piling ng asawa.
“At saan pupunta ang aking maganda at seksing asawa?” Mapang-akit na tingin ang pinukol ni Clyde sa asawa na nagkulay hinog na kamatis dahil sa pagbuhat niya rito. Napatitig siya sa mga labi ni Natalie na parang nag-aanyaya na halikan niya ang mga iyon. Napalunok siya at tila nauuhaw na nilapit ang kanyang labi sa asawa at marubrob na halik ang ginawad niya rito. Hindi naman siya nabigo dahil tinugon iyon ng asawa sa kaparehong intensidad.
Kapwa habol ang kanilang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Umiiwas ng tingin si Natalie sa asawa lalo pa at may sumusundot sa kanyang pang-upo
“Good morning, Mrs. Guevarra,” bati niya kay Natalie.
Tumikwas lang ang nguso ni Natalie bilang sagot. Nahihiya siya lalo at ang rupok niyang bumigay sa asawa. “Iyong ano mo tinutusok ako.” Hindi niya matuloy ang sasabihin kaya nagkasya na lang siya na yumukyok sa pagitan ng leeg at balikat nito. Humalakhak si Clyde at mas lalo pang diniin ang kahandaan nito sa pang-upo ni Natalie.
“Don’t be shy, dapat masanay ka na sa presensya ko. Isang linggo pa naman ang honeymoon natin,” ani Clyde. Hinalikan niyang muli ang pisngi ng asawa at napangiti siya lalo at mukhang nahihiya pa rin sa kanya si Natalie.
Ibinaba na ni Clyde ang asawa sa tapat ng toilet bowl ang asawa. Nang nakaupo na si Natalie, umihi na siya pero napangiwi siya nang sumigid muli ang hapdi sa pagitan ng kanyang hita.
“Ganyan talaga darling, masakit pero sa susunod puro sarap na lang ang mararanasan mo,” malanding saad ni Clyde. Nakaantabay siya sa harap ng asawa at walang inhibisyon na nakatayo lang. Halos ayaw tingnan ni Natalie si Clyde lalo at matikas na nakasaludo ang kahandaan ng asawa na parang sundalo na handa na sumabak sa digmaan. Napansin niya na hindi nakatingin si Natalie sa kanya at napangiti siya. Hinuli niya ang mukha nito at lumuhod sa harap nito.
“Sasanayin kita na makita ang hubad kong katawan. We are husband and wife, and I would like to make the most out of our marriage, okay?”
Tumango si Natalie para wala ng maraming usapan. Tatayo na sana siya para kukuha ng ipapahid sa kanyang kaselanan pero pinigil siya ni Clyde. Napatingin siya rito at nagtatanong ang kanyang mata sa asawa.
“Let’s take a shower. And I will check kung namaga ba iyan.”
“What? Ano ka hilo? Manyak mo naman Guevarra!” akusa ni Natalie. Napatayo siya at tinalikuran na si Clyde. Nagmartsa siya patungo sa shower area. Narinig niya ang yabag ng asawa at hindi siya lumingon kahit pa hinapit na siya nito sa baywang.
“Siyempre, kailangan ko tingnan iyan at baka maimpeksyon ang sugat. Kailangan mo uminom ng pain reliever para hindi ka lagnatin,” paliwanag ni Clyde.
Hindi na umimik si Natalie at tumapat na siya sa dutsa. Maligamgam na tubig ang naramdaman niyang bumagsak sa kanyang katawan. Hindi na siya nagprotesta nang magkusa ang asawa na sabnan ang kanyang katawan. Mainit ang mga kamay nito kahit basa ng tubig ang kanyang katawan. Swabe ang bawat hagod nito sa kanyang katawan. Kaya, nang matapos siyang banlawan nito, siya naman ang nagsabon sa katawan nito.
Seryosong ginagawa ni Natalie ang pagkuskus sa mga binti nito at sa likod ng mga hita ni Clyde nang pumihit ito paharap kaya naman halos natamaan siya ng kahandaan nitong naghuhumindig. Napakunot ang mukha ni Natalie at awtomatikong tumayo siya. Hinuli siya ni Clyde at niyapos habang tumapat sila sa shower. Nalunod ang kanyang protesta nang halikan siya ni Clyde. Ang kanyang mga braso ay hawak nito at nilagay ng huli ang mga iyon sa kanyang baywang.
Inanggulo ni Clyde ang mukha ng asawa para mas maayos niya itong mahalikan. Sinipsip niya ang dila ni Natalie at ilang sandali pa halos makipagpaligsahan ito sa kanyang sa mainit nitong tugon. Bumaba ang kanyang mga palad sa maumbok na pang-upo ni Natalie at maingat na pinisil iyon. Sandali na pinutol niya ang halik nila at binulungan ang asawa
“These peachy butts are mine,” ani Clyde. Umakyat ang kanyang mga kamay sa malulusog na dibdib ng asawa. “These pairs of beautiful t**s are also mine.” Pagkatapos niya iyong sabihin, bumaba ang kanyang labi sa isang dibdib ni Natalie.
Napasinghap siya sa unang dampi ng labi ni Clyde sa kanyang dunggot. Malakas na napasinghap si Natalie lalo at tila sanggol na gutom ang asawa na ngayon lang nakasumpong ng gatas ng ina. May kakaibang init ang gumuhit sa kaibuturan ni Natalie lalo pa at ang daliri ng asawa ay abala na pinaglalaruan ang kanyang lagusan. Bahagya siyang napangiwi lalo pa at mataba at mahaba ang daliri ni Clyde. Mahina lang sa una ang ginawa nito na tila ginagaya ang ritmo ng mga labi nito sa dibdib niya.
Napaungol si Natalie lalo at ang kaninang mahinang paglabas-masok ng mga daliri nito sa kanyang lagusan ay bumibilis na. Napatingkayad si Natalie lalo na nang salitan na simsimin ni Clyde ang kanyang dibdib. Napaawang pa lalo ang kanyang mga labi nang lumuhod ito sa kanyang harapan at binuka ang kanyang mga hita.
Halos manginig sa sobrang sensasyong si Natalie sa unang dampi ng matigas nitong dila sa kanyang lagusan. Hindi niya namalayan na nasabunutan niya ang malagong buhok ni Clyde para doon siya kumuha ng lakas para hindi matumba. Napahalinghing pa siya lalo na nang binilisan ni Clyde ang galaw ng dila nito sa kanyang kaselanan.
Napangiti si Clyde. Alam niyang nagugustuhan ng asawa ang ginagawa niya sa kaselanan nito. Patunay nga ang mahapding anit niya dahil sa pagsabunot nito sa buhok niya. Nalalasahan na niya ang katas ng asawa sa kanyang mga dila. Kaya mas naging mabilis ang galaw ng mga dila niya. Naramdaman na lang niya ang pagkipot ng lagusan ng asawa, patunay na naabot na nito ang rurok.
Tumayo si Clyde at binuhat ang asawa paharap. Walang kahirap-hirap na binuslo niya ang kahandaan sa basang-basa na kaselanan ng asawa. Napasinghap si Natalie nang tuluyan siya na maangkin ng asawa. Nanguyapit siya sa balikat ni Clyde na abalang umulos sa kanyang kaselanan. Kapwa sila napapapikit sa tuwing sagad ang pag-ulos ni Clyde.
At dahil tapos naman na silang maligo. Maingat na naglakad si Clyde palabas sa kanilang banyo na hindi pinaghihiwalay ang magkahugpong nilang mga kaselanan. Maingat niyang nilapag ang asawa sa malawak nilang kama. Itinaas niya ang mga binti ni Natalie kaya mas malalim at sagad ang bawat niyang ulos.
“Moan my name, darling,” ani Clyde habang mahinang umuulos sa kandungan ng asawa. Napamulat ng mata ang kaninang nakapikit na si Natalie.
Napangiti naman si Natalie sa sinabi ng asawa. Hinaplos muna niya ang gwapong mukha ng asawa at tinitigan ang mga mata nitong puno ng pagnanasa habang abala itong dinadala siya sa paraisong sila lang ang nakakaalam.
“Clyde, faster please darling,” pakiusap niya.
Sukat sa narinig, sumiklab ang init sa katawan ni Clyde. Kaya, dumoble ang bilis niya sa bawat paghugot-baon sa kaselanan ng asawa. Sagad niyang ibabaon ang kahandaan at halos hugutin niya ng buo at bago ulit niya isasagad ang pag-ulos. Kapwa sila napasinghap pero nagulat si Clyde nang tumagilid ang asawa. Naintindihan naman niya ang gusto nito, kaya sandali niyang hinugot ang kahandaan sa kaselanan nito. Humiga siya sa likuran ni Natalie at inangat ang isa nitong hita. Sa ganoong posisyon ay mas dama niya at abot ang kaibuturan ng asawa.
Nilingon ni Natalie ang asawa. “Kiss me darling,” utos niya sa asawa. Kaya, buong puso na pinagbigyan nito ang hiling ni Natalie. Nalunod ang kanilang mga ungol sa kanilang mga lalamunan dahil sa halik na pinagsaluhan. Nang mapansin ni Natalie na naging mabagal ang galaw ng asawa, nagkusa siyang igalaw ang balakang para salubungin ang bawat pag-ulos ni Clyde. “I want it fast, darling!”
Dahil sa utos na iyon, pinagbigyan ni Clyde ang asawa. Ang tunog ng kanilang mga basang kaselanan ay dinig sa kabuuan ng kanilang malawak na silid. Nakadagdag iyon sa gana ni Clyde at makilang beses pa ang kanyang paggalaw mula sa likuran ng asawa, kapwa nila narating ang rurok. Naramdaman nila ang kani-kanilang mga katas na kapwa umagos mula sa kanilang mga kaselanan at naghalo iyon sa kaibuturan ni Natalie. Napasinghap pa ang huli nang maramdaman ang kumikislot na kahandaan ng asawa na may mainit na likidong nilalabas.
Nang hinugot ni Clyde ang sarili mula sa asawa, pinaharap niya ito sa kanya at hinalikan na muli sa labi. Kapwa man sila pawisan at habol ang hininga, nakangiti naman sila sa bawat isa.
“Rest darling, I will make breakfast for us,” ani Clyde. Tumayo na siya at tinungo ang banyo. Kailangan muna niyang linisin ang asawa bago ito ipagluto ng almusal. Kumuha siya ng bimpo at nilabhan iyon at pinigaan.
Pagbalik niya sa kama, nakapikit na ang asawa at natatakpan na ang katawan nito ng kumot. Sandali niyang inalis ang kumot nito at unang nilinis ang kaselanan nito. Napapitlag si Natalie lalo at nahihiya siyang usisain ng asawa ang kanyang katawan. Awtomatiko na sinara niya ang mga hita ngayon ay sinusuri na ng asawa.
“Please don’t be shy, darling. I need to check.” Medyo maga nga ang lagusan ng asawa at may konting bahid pa ng dugo ang humalo sa kanilang mga katas. “You are sore and you need to take medicine after we eat our breakfast.” Pinagpatuloy niya ang paglinis sa pagitan ng hita ng asawa at nang matapos, kinumutan niya ulit ito.
Binalik niya ang bimpo sa banyo at pumunta na sa walk in closet at naghanap ng maisusuot. Isang puting sando at boxers lang ang suot niya at lumabas na siya ng silid para maghanda ng almusal nilang mag-asawa.
Bumaba na si Clyde sa hagdanan at kaagad tinungo ang kanilang kusina. May mangilan-ngilan na silang gamit doon. Binuksan niya kaagad ang ref na naroon at kaagad tiningnan kung ano ang pwedeng ihanda. Naglabas siya ng apat na itlog at isang pakete ng sliced sweet ham pati na rin ng dalawang pirasong hinog na mangga.
Nagsalang na siya ng tubig sa percolator. Sandali niyang niluto ang sweet ham at ginawang french style omelette ang itlog. May nakita siyang wheat bread sa kitchen counter at sinalang iyon sa bread toaster.
Nagtimpla na rin si Clyde ng kape sa mug at dahil wala pa siyang espresso machine, pinagtyagaan na lang muna niya ang 3n1 na kape na naroon. Ginayak na niya ang mga pagkain sa tray at umakyat na pabalik sa kanilang silid. Napangiti siya lalo at nakatulog ang asawa sa sandali niyang iniwan ito. Hindi na nito nagawang takpan ang sarili ng kumot at basta na lang napikit.
Nilapag niya ang tray ng pagkain sa paanan ng kama nila.
“Breakfast in bed, darling. Gising na,” pukaw niya kay Natalie.
Nang imulat ni Natalie ang mga mata, sumalubong sa kanya ang amoy ng kape at ng mga pagkain na dala ng asawa. Itinaas niya ang kumot papunta sa kanyang dibdib nang makita niya kung paano makatitig si Clyde sa mayaman niyang dibdib. Tumikwas ang kanyang nguso at inismiran ang asawa. Lumapit ito sa kanya na bitbit ang tray ng pagkain.
“Eyes up, Guevarra. I am still sore down there,” aniya.
“Why? I am not thinking about that as of now. Let’s eat first then we will rest again. Papasayal tayo sa palibot ng property natin sa hapon.” Nilapag ni Clyde ang tray sa harapan ng asawa at inumpisahan niya ang pagsubo ng pagkain kay Natalie.
“Ako na, para naman akong bata at kailangan mo pang subuan eh,” reklamo ni Natalie.
“Be careful with your words, baka hindi natin matapos ang breakfast natin at saan naman tayo mapunta,” babala ni Clyde.
Naningkit ang mga mata ni Natalie nang mapagtanto sa sarili ang ibig ipakahulugan ng asawa.
“Manyak ka talaga, Guevarra!” sigaw ni Natalie.
Humalakhak lang si Clyde sa naging reaksyon ng asawa.