(STELLA'S POV) NAGISING ako nawala na si Jared sa aking tabi. Kaagad akong bumangon at napangiwi ako dahil tila ako binubogbog sapagkat masakit ang aking katawan dahil ayaw magpaawat ni Jared kagabi. Limang round yata ang natapos namin kagabi. Grabe hindi ko alam na ganoon pala kalakas ang resistensiya ng aking asawa. Saan kaya ito pinaglihi bakit ganoon na lamang kahilig. Kahit naman na hindi na ako virgin pero ikaw ba naman ang nakalimang round. Haruy! Lulumpuhin yata ako ng asawa ko. Para itong hindi pinagbigyan ng isang taon. Binuksan ko ang kurtina na nakatabing sa salamin na bintana. Nakita ko ang dagat at sa may kalayuan nakita ko ang mga villa na nakatayo. Tila isa itong resort. Kaagad akong naghalungkat ng aking mga gamit. Hinahanap ko ang aking baon na two piece. “Wow! Perfe

