LINGID sa kaalaman ng mahal ko nandito na ako nakatira ngayon sa apartment ni Aling Bebang. Bumili lamang ako ng kunting gamit kasama ang tatlong bata, wala akong dalang kotse kaya sumakay na lamang kami ng taxi. At para hindi naman kaduda-duda ang aking pagtira rito sa apartment ni Manang Bebang. Siyempre ang tatlong bata lamang ang nakakaalam sa aking tunay na pakay. At sana lang talaga hindi dumudulas ang bibig ng tatlong ‘yun para hindi ako mabisto. Medyo may pagkataklisa pa naman ang bunso. But I’m hoping everything goes will. At magkaroon na ako ng lakas na loob para magpapakilala sa aking asawa. “Kuya pogi, wow! Ang ganda naman dito. Ang daming mga paninda.” Napapangiti ako sa inasta ng Vin ang panganay sa kanilang magkakapatid. Busy rin ang kanilang mga mata sa pagtitingin sa bu

