(STELLA's POV) THREE MONTHS LATER “HELLO EVERYONE as for tonight, thank you for coming here to celebrate us Don Emilio Avila 85th birthday party. Let's make a toss for my father," saad ni Mommy Olivia. Samantalang na sa gilid naman si Lolo Emilio masayang nakangiti katabi ang aming anak na si baby Ej na masayang-masaya rin. “Happy birthday, Don Emilo!" sabay-sabay naming sigaw. Habang itinaas ang kupita na may lamang wine. “Happy birthday lolo Emilio," masaya kong bati sa kanya. At pagkatapos ibinigay ko ang aking regalo. “Thank you, hija Stella. Pero sana pangalawang apo sa tuhod ang gusto kong maging regalo." Namula ang aking pisngi sa narinig. “Lolo, don't worry. Mas lalo ko pang pinag-iigihan para masundan kaagad si baby Ej. At mabigyan kayo ng panibagong apo." Pinanlakihan

