(JARED's POV) “JARED, mister ko. Gumising ka,” pukaw sa akin ni Stella. Ang napakahimbing ng aking tulog ngunit heto na naman ang buntis binubulahaw ang aking masarap na tulog. “Hmm." ungot ko sa kanya. Ayaw kong ibuka ang aking mga mata dahil sobrang antok pa ako. “Jared, ano ba gumising ka o hindi!” sa ganitong tinig. Nagtatampo na ito. Kalahating buka at kalahating nakapikit ang aking mga mata. Dahil mas natatalo pa talaga ako ng antok. “Asawa ko, bakit? Inaantok pa ako, eh." I yawn. Pupungas ang aking mga mata na bumangon ngunit wala pang dalawang minuto muli na naman akong humihiga at ipinikit ang aking mga mata. Halos putol-putol ang aking tulog dahil sa kakulitan ng misis ko. Tapos heto na naman. Alam kong may ipapabili na naman ito sa akin. “Gusto kong uminom ng milktea, Mi

