(STELLA's POV) NAPUNO ng takot ang aking sarili dahil kahit ano ’ng pakiusap ko kay Edd tila hindi nito narinig ang aking pagmakakaawa sa kanya. Nakita ko na sobrang determinado ito sa kanyang pina-planong masama sa akin. “Edd, huwag mong gawin ’to sa akin.” Napuno ng luha ang aking mga matang nakikiusap sa kanya. Ngunit tanging ngising demonyo lamang ang kanyang naging tugon sa akin. Pilit kong nanlaban nang pinagpupunit ang aking suot na blouse. Ngunit kahit manlaban ako ay hindi ko pa rin kaya ang kanyang lakas. Subalit nanlaki ang aking mga mata nang biglang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang taong dumating. Walang iba kundi ang aking asawa. “Jared!” Hindi makapaniwalang sambit ko sa kanyang pangalan. Ano nga ba ang ang ginawa niya rito? Nandito kaya siya para iligtas ako

