EPISODE 001

2243 Words
“Okay ka lang ba talaga rito?” tanong ni Yumi sa’kin. Isa siya sa taong nakakaalam na andito ako sa pilipinas. Kararating lang niya galing france kagabi at dito siya tumuloy sa condo na tinitirahan ko. Taga rito ang magulang ni Yumi kaya kabisado niya ang lahat ng lugar dito, napunta lang siya sa france dahil doon siya nagtrabaho at doon rin niya nakilala ang napang-asawa niya. Bago pa man ako naglayag sa bansang ito, sinigurado kong hinding-hindi ako matutunton ng walang kwentang lalaking ‘yon. At sinigurado ko rin na may titirahan ako dito. Sina Yumi at Aleah lang ang nakakaalan na andito ako. Isa sila sa mga kaibigan ko noon sa france nung nagtatrabaho rin ako at isa rin sila sa nakakaalam kung anong katarantaduhan ang ginawa sa’kin ni David.   Apat na buwan na rin ang nakalipas simula nung umalis ako sa bansang france, nakakalungkot man isipin na humantong kami sa ganitong sitwasyon ng lalaking minahal ko ng subra pero, kailangan kong maka-move on. Kailangan kong magsimula ulit at magpatuloy sa buhay. Isinalin ko ang alak sa baso ni Yumi bago umupo sa tabi niya.   “Oo, okay lang ako, ano ka ba?” walang bahid ng lungkot kong sabi sabay siko ko sakaniya.   “Mahihirapan ka rito.” Malungkot niyang saad. Ramdam ko ang pag-aalala nila sa’kin simula pa nung nalaman nila na tumira na ako dito sa bansang ito na halos wala talaga akong kakilalang tao. Ngumiti ako sa kaniya para maibsan ang kaba nito. Sa totoo lang, nakakatakot tumira sa bansang alam mong wala kang mapupuntahan sa ganitong problema, pero wala din naman akong magagawa kung hindi ang lumayo. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang magbulag-bulagan lang kay David, ilang taon na rin akong naging tanga sa kaniya, tama na siguro ‘yun. Tanggap ko naman ang sakit, tanggap ko naman na nagkulang siguro ako sakaniya kaya niya nagawa iyon. Pero ang tanong lang naman sa’kin, kung saan eh? Kasi yun ang hindi ko talaga ma-gets sa kaniya.   “Sakto lang naman, atsaka, diba ipapakilala mo na rin ako bukas sa bago kong trabaho, kaya okay lang talaga ako, Yumi.” Nilagok ko ulit yung alak. Isa rin sa dahilan kung bakit pumunta sa pilipinas si Yumi, dahil may kakilala siyang companya na maaari ko daw pagtrabahuhan, halos naubos na rin kasi yung laman ng ATM CARD ko kaya kailangan ko nang magtrabaho. Nahihiya na rin ako sa kanilang dalawa ni Aleah dahil batid ko naman na may pamilya rin silang binubuhay. Subrang ang sama naman kung pati ako aalalahanin pa nila. Ang pinagkaiba lang naming tatlo, hindi nagloko ang mga asawa nila.   Nawa’y lahat.   Huminga ito ng malalim bago tumingin sa’kin ng seryoso. “Sabihin mo lang, kung handa ka nang umuwi sa Australia, andito lang kami ni Aleah para sumuporta sayo. Hindi ko pala nakwento saiyo, nung pebrero, pumunta sa bahay si David na lasing na lasing, halos hindi ko makilala na siya pala ‘yun, mabuti na lang wala si Marthos sa bahay. Baka nabugbug na naman ‘yon ulit, kinukulit kasi niya kung nasaan ka daw, gusto ka niyang makausap, kahit sa telepono lang daw, David is lost, Alrhea. Simula nung gabing ‘yun, wala na kaming balita sakaniya hanggang sa kan-.”   “Baka sumama na ‘yun sa malanding babae niya,” pagpuputol ko. May kirot na namuo sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang mainit na likidong namumuo sa mga mata ko. Gusto ko nang mag-move on, kung may gamot lang talaga sa pag-mo-move on, siguro, a-araw-arawin ko itong iinumin para mawala na agad ang sakit na ito. Ano pa ba kasi ang kulang sa’kin? Bakit niya nagawa ang katarantaduhan na ‘yun?!   Nagkibit balikat lang si Yumi at hindi na nagsalita pa. Namalayan ko na lang na may luhang pumatak sa pisngi ko at halos hindi ko ito makontrol. Naramdaman ko rin ang bisig ni Yumi na nakaakap sa’kin ng mahigpit. “Ang sakit pa rin, Yumi. Ang sakit!” sabi ko habang palakas ng palakas ang hagulhul ko sakaniya. “Naging mabuti naman akong asawa sakaniya, pero bakit? Bakit niya nagawa ‘yun? Hindi pa ba ako sapat sakaniya? Binigay ko naman ang lahat, pero hindi ko pa rin alam kung bakit? Bakit niya ginawa sa’kin yun?” halos mangiyak-ngiyak na akong nagsasalita kay Yumi at tanging pagtapik lang sa likod ko ang nagagawa niya.    ‘Apat na buwan, pero bakit parang kahapon lang?’     Andito na kami sa kompanyang sinasabi ni Yumi na pwedi ko raw pagtrabahuhan. Kahit alam kong kilala ni Yumi ang kaibigan ng may-ari ng kompanya na ito, nakakaramdam  pa rin ako ng kaba, halos ilang taon rin akong hindi nakapagtrabaho kaya yung kaba sa dibdib ko para ng mga kabayong nagkakarerahan. “Ready ka na?” tanong ni Yumi sa’kin. “Oo naman, ako pa ba?”   “Huwag kang magsalita ng tapos, sabi kasi ni Vhelm, masungit daw yung boss nila dito pero alam ko naman na kaya mo ‘yun, sabi mo nga, ikaw pa ba?”     Natural na natawa kami pareho ni Yumi, pero siyempre, nakaramdam rin ako ng kaunting takot dahil sa tinuran niya. Bahala na nga, basta ang mahalaga, magkakatrabaho na ako. Naglakad na kami ni Yumi papasok dahil kanina pa daw naghihintay yung kaibigan niya sa loob. Pagkapasok naming sa isang room na katabi lang nung isang private room, may isang lalaking nakaupo doon at abala sa pagta-type sa laptop.   “Hello, Vhelm!” saad ni Yumi ng nakangiti. Medyo nagulat yung lalaki dahil sa taas ng boses ni Yumi, nakabukas naman yung pinto kaya nakapasok kami agad. Tumayo agad ito at pumunta sa harapan naming, bakas sa mukha nito ang pagkamangha nung nakita niya kami. “Ghad! Yumi, nasira ata yung eardrum ko.” Biro nito.  “Ano? Akala ko ba matagal na ‘yan sira?” patawang saad naman ni Yumi. Natawa lang sila pareho habang ako tahimik na nagmamasid sa kanilang dalawa. “Siya ba?” turo nito sa’kin. “Yeah. She’s Aliana Rhea Mondrigal, pero pwedi mo siyang tawagin bilang Alrhea, magaling ‘yan kaya pasok na pasok yan.” Saad ni Yumi ng may halong saya at kindat kay Vhelm. Ngumiti naman si Vhelm sa’kin kaya ngumiti rin ako sakaniya. Matangkad na lalaki si Vhelm kaya nakatingala kami pareho ni Yumi, siguro mga nasa 6’11 ang height niya. Mukha nga siyang basketbolesta dahil sa tindig nito.   “Hi Vhelm,” bulalas ng bibig ko at inabot ko sakaniya ang kanang kamay ko para makipag-kamay sakaniya na agad naman niyang tinanggap. “Let have a seat,” turan niya pagkatapos naming makipagkamayan. Kinuha na rin niya ang folder na hawak ko bago kami naupo ni Yumi. Masinsin niyang tiningnan ang laman ng folder kung saan nakasaad doon ang resume ko. Naptingin-tingin siya sa’kin habang nagbabasa kaya medyo nakaramdam ako ng subrang pagkailang.   “Kahit huwag mo yan basahin, sigurado akong pasok sa criteria niyo si frenny,” matapang na sambit Yumi, napangiti naman kahit papano. Nakakahiya man pero alam ko naman sa sarili ko na kaya ko rin ang position na inaalok niya sa’ken. To be a secretary of Galmorosa CEO. Kung sa france nakaya ko ang pagiging manager, ito pa kaya. Yakang-yaka ko ito.   Nakita kong natawa si Vhelm sa tinuran ni Yumi kaya medyo nahiya talaga ako sakaniya.   “Alright, mamaya pa si boss kaya maaari pa tayong mag-coffee sa canteen.” Turan niya makalipas ang ilang minuto, isinara niya yung folder na hawak nito. Bumuntong-hininga ako bago ngumiti. Akala ko kung may sasabihin siya tungkol sa resume ko pero parang ayos naman base sa expression ng mukha niya. “Coffee? Sayang naman, gusto ko sana Vhelm, kaya lang naghihintay na si mommy sa labas, may family lunch kasi kami ngayon kaya baka hindi ko na kaya masamahan, kayo na lang ni Alrhea, pwedi na ba ‘yun, frenny?” humarap sa’kin si Yumi. “Ah….? O..oo naman, ano ka ba? Pakumusta na lang kay Tita, thank you ulit.” Sambit ko.   “Sorry tlaga Vhelm. Next time na lang, basta ah. Promise mo, makakapasok itong frenny ko.”   “Ganyan ka naman lagi….sige, ako na bahala dito.” Inis na saad ni Vhelm. Nakita ko ang pag-iba ng aura nito. Kung wala lang asawa si Yumi, iisipin kong may gusto sakaniya si Vhelm, halata naman kasi sa mukha nito ang saya lalo na nung pagkakita niya sa’min kanina.   Ilang minuto kong hinintay si Vhelm sa labas ng office niya bago ito lumabas. Malawak yung kompanya kaya maraming mga empleyadong naglalakad papunta sa kani-kanilang department. Sumakay kami sa elevator ni Vhelm na wala pa rin kibuan. “Matagal ka na dito sa pilipinas?” akala ko walang magsasalita sa’min dalawa hanggang sa makaabot sa canteen. Ang awkward niya naman kasing kasama. Swear! Ngumiti ako sakaniya bago nagsalita. “Apat na buwan palang,” sagot ko. Tumango naman ito. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa huminto ang elevator sa 5th floor. Naunang naglakad si Vhelm palabas habang nasa likuran lang ako. Tahimik akong sumunod sa kaniya hanggang sa makaabot kami sa isang mesa na dalawan ang upuan. “Anong gusto mo?” tanong niya nung makaupo na kami. Inabot rin niya yung menu kaya tumingin ako roon. Halos ang mahal ng coffee nila, talagang pangmayaman kung tutuusin. “Chocolate coffee lang yung sa’kin,” saad ko at ibinigay sakaniya ang menu. Tumingin rin siya doon sabay tawag nung waiter.   “Chocolate coffee and Caramel coffee, bro.” saad nito sa waiter. May inabot din itong pera kaya medyo nahiya ako. Magbabayad naman ako noh. “Don’t worry, treat ko naman ‘to.” Mukhang nabasa niya yung utak ko kaya inunahan na niya akong magsalita. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat sakaniya. Walng pang limang minuto nang dumating yung order namin. Tahimik lang akong sumisipsip ng coffee sabay tingin sa paligid. Maraming tao sa canteen at halos naka-uniporme ng pang-back office. Panay tingin rin sa’min ang ilan lalo na nang ilang babae. Siguro iniiisip nila na girlfriend ako ni Vhelm. Dios ko naman, ganoon naman talaga mag-isip ang karamihan, they judge whatever they see. “ Hayaan mo lang sila,” namilog ang mata ko sa sinambit nito. Bigla tuloy akong nahiya ulit. Si Yumi kasi eh….dapat sumama nalang siya rito. “Matanong ko lang, matagal ka na ba dito?” tanong ko, ang tahimik kasi naming masyado, madaldal lang siguro ito si Vhelm, kung si Yumi ang kaharap niya.     “7 years na rin,”   “Ah….tagal na,”   “Yeah.”   “Ang galing mo siguro,” muntik na siyang mapaso sa sinambit ko. Medyo natawa rin ako kung bakit ko ba nasabi ang salitang ‘yon. Wala na talaga akong maisip.   “Saks lang,” nakangiti niyang sagot.   Tipid. Wala na bang pweding i-topic? Halos mauubusan ako sa subrang tipid niyang sumagot. Siya na rin kaya ang matanong para hindi magmukhang library ang mesa naming sa subrang tahimik. Naubos naming ang coffee na panay tingin lang ako sa paligid habang siya naman nakapokus lang sa cellphone niya. Curios rin ako kung ano ang mga sinabi sakaniya ni Yumi tungkol sa’kin. Karamihan kasi na nakasaad sa resume ko halos kasinungalingan. Hindi ko rin ginamit ang ‘Alegro’ na apelyedo dahil ayokong dalhin ang apelyedo ng taong nagbigay peklat sa’ken. Mas masasaktan lang ako kung pati sa pangalan ko nakakabit ang taong yun sa’kin. Wala na kami, we’re both done. At Malabo nang magiging kami ulit. Pagkatapos naming sa canteen, bumalik si Vhelm sa office niya para kuhanin yung resume ko at binigay sa babaeng nakasunod sa kaniya kanina. Andito na kami sa waiting area ng office daw ng boss niya. Literal na kinakabahan na talaga ako, dapat pala hindi nalang ako uminom ng coffee, mukhang nadagdagan ata yung kaba ko, sana naman, maging maganda ang result ng pag-uusap namin at sana rin, makayanan ko ang kasungitan ng taong yun.    “Nasa office na si boss, ang malas mo naman, mukhang wala siya sa mood, pero, kaya mo yan, matapang ka daw sabi ni Yumi. Goodluck. Pasok ka na sa office niya,” Hindi ko alam kung nagbibiro si Vhelm sa’kin. Nakangiti kasi ito at parang tinatakot ako. Ngumiti nalang ako bago ito umalis sa harapan ko. Nagpasalamat naman ako sa kaniya nago ito umalis.  Huminga muna ako ng malalim bago naglakad sa mismong pintuan, sa subrang kaba ko hindi ko na nagawang kumatok at madali kong nabuksan yung pinto since hindi naman pala ito nakasarado.   “Wala ka bang kamay? Daliri? O wala ka lang respito, miss? Uso ang kumatok.”   Literal na namilog ang mga mata ko ng tumambad sa harapan ko ang lalaking nakataas ang kilay habang may binabasang dokumento sa mesa. Ang lakas din ng kaba ko habang nakatayo sa harapan niya. Nakatingin lang ako sakaniya at nag-iisip na isasagot. “I…I’m sorry sir, akala ko kas-.”   “Sorry?! Nagawa muna, so, what is the sence of sorry?” saad niya habang nakatingin sa’kin. Pagalit niyang binaba yung folder at nagdekwatrong upo.   Grabe! Ganito ba siya kasungit?.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD