- TROUBLE Allison's POV: - NEXT DAY Sa wakas natapos na rin ang klasi ko at gutom na gutom na ako. Kahapon ko lang nalaman na pareho pala kami ng course ni Blake pero tatlong subject lang kami magkaklasi. Sa tatlong subject na yon kahit isa hindi sya pumasok. Hindi din sya umuwi ng bahay kahapon. Galit pa rin kaya sya? Papunta na ako sa Cafeteria. Haist! Sa sobrang pag-iisip ko nagutom tuloy ako ng sobra. Wala akong kasamang kakain, si Blaze sana kaso nasa Hong Kong sya for shopping daw. Fasionista kasi si Blaze, masayahin din sya in short opposite sila ng kambal nya. Nakapasok na ako sa cafeteria, marami-rami rin ang mga tao. Nakita ko si Blake na nakaupo sa isang table kasama ang DarkBlood. Yeah, I know them. Kaakbay naman ni Blake yong kahalikan nya kahapon sa ilalim ng puno. Nap

