Allison's POV: After ng conversation namin na yon ni Lelouch ay nagpahinga muna ako sandali at pumasok sa afternoon class ko. Papasok na ako ng room ng makita ko si Reyes na pindot ng pindot sa cellphone nya at parang galit. Lumapit ako sa kanya. Hindi nya napansin na nakalapit na pala ako sa kanya dahil sa focus nya sa cellphone nya. Sino naman kaya katext nito at hindi ako napansin. "Hi." Ngiting bati ko. Napatingin naman agad sya sa akin. "s**t!" Wow! Gandang bati ah. "Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan at bakit hindi ka pumasok kanina? Bakit ngayon ka lang?" Galit na may halong pag-alalang tanong nya. "Hey relax." Hinawakan ko naman ang mukha nya. "Galing lang ako sa mansion, bigla kasing sumakit ulo ko kanina kaya umuwi ako. Good thing nandon si Lelouch." Sorry for

