Blake's POV: Naka-confine ngayon si Allison dito sa ospital. Isang malaking room ang kinuha ko para sa kanya. May long sofa, may center table, veranda, malaking flat screen TV at may DVD din. It's already 4pm. Pero hindi pa rin sya nagigising. Ang sabi ng doctor ay okay na daw sya, nagamot at nalinis na ang mga sugat nya at hintayin lang daw namin kung kailan sya magigising. Kaya daw hindi pa sya gumigising ay dahil naubos daw ang lakas nito at medyo nawalan sya ng dugo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Kung totoo ba talagang tumumba lang ang motor nya gaya ng sinabi nya. Pero hindi ako naniniwala sa sinabi nya dahil kung talagang natumba lang sya dapat gasgas lang ang natamo nya, pero sobra pa sa gasgas ang nakuha nya. Pagnalaman ko t

