Una.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero pasakay pa lang ako kanina sa eroplano na maghahatid sa akin pauwi ay sobrang kinakabahan na ako. Galing akong america. Pumunta ako sa The Walking Dead convention para mameet ang mga favorite kong character, at para bumili na rin ng limited edition na sword ni Michonne na binebenta sa event. Kasama ako sa sampung nanalo na magtitrip to america para mameet and greet sila Andrew Lincoln, Norman Reedus, Laurie Holden, Lauren Cohan, Steven Yeun at iba pang cast ng favorite tv show ko na The Walking Dead. Sakay kami ngayon ng eroplanong maguuwi sa amin sa Pilipinas, kasama ko ang siyam pa na kaparehas ko na nanalo. Pare-parehas kaming may hindi maalis alis na ngiti sa mukha kanina sa departure area pero nang makasakay na ako bigla na lang ako kinabahan.
"You okay Kat?" Tanong sa akin ni Sehun na isa sa mga winners. He's half Korean and half Filipino.
Tumango lang ako at tumitig sa daliri ko.
"You seem nervous." Komento nito.
"Kinakabahan siya kasi baka paguwi natin ng Pilipinas naga-apocalypse na pala duon." Tumatawang sabi ni Ana. Ngumiti na lang ako. Baliw talaga.
"Let's not forget what Steven said sa event if ever nag a-apocalypse na nga sa Pilipinas." Sabi ni Vj. Napangiti ako at para kaming choir ng sabay-sabay naming sabihin ang: "Go to the grocery store first." At sabay-sabay din kaming nagtawanan.
"“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 10:30 am and the temperature is 29 degree celsius. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about." Announce ng isang stewardess.
I fasten my seatbelt tightly. Makalipas lang ang ilang minuto nagland na kami safely. Nagready na ako para sa pagbaba.
"I'm gonna missed you guys, isang buwan din tayong nagsama-sama sa america." Sabi ni Sasha. Inisa-isa niya kami ng yakap. Mula kay Vj, Sehun, Ana, Janelle, Vic, Precious, Robeelyn, Mark, Logan at ako.
"Ako rin guys!" With tears pang sabi ni Janelle. Arte. Halata namang pilit yung pagiyak.Kung magkakaron man ng Apocalypse gusto ko siya ang unang makagat.
"So paano guys see you when I see you na lang? Una na akong bumaba namimiss ko na yung baby boy ko." Sabi ni Precious. May 5 year old na anak na kasi siya. Nauna na nga itong bumaba at sumunod na ako pagkatapos kong makipagyakapan sa kanila. Mamimiss ko talaga sila. Hindi nga naman biro ang isang buwan kasama sila. Isang buwan na sila ang kausap, kasama sa hotel room, kaselfie with the TWD cast, at kasama sa taping. Yes, natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko ang maging isang walker. Sobrang saya. Although mabaho yung prosthetics at para kaming mga pulubi na namamalimos sa kalye sa itsura namin. Akala ko nga tatagal ako as a walker pero first taping day pa lang pinatay na ako, pero okay lang si Michonne naman ang pumatay sa akin. Akala ko dun na natatapos ang acting career ko hindi pa pala sa third day ng taping pinasok ulit ako as a walker at this time si Daryl naman ang pumatay sa akin, gusto ko ngang kiligin lalo na nung pumwesto na siya sa harapan ko para panain ako pero I calm my t**s nakakahiya naman kong ako ang magiging dahilan ng aberya. Pero siguro kung si Rona yun baka nagtitili tili na yun sa sobrang kilig. Speaking of Rona I missed her na silang dalawa ni Louie. Marami akong baong kwento sa kanila.
Nagulat naman ako ng may magsalita sa tabi ko.
"Isn't it weird? Walang tao sa airport?" Sabi ni Logan. Napatingin naman ako at tama siya wala ngang tao. s**t? Anong meron? Nasaan ang mga tao?
"Aaaahhhhhhh!" That's Janelle.
Napatakbo kami ni Logan palabas and there we saw together with the others, Janelle was bit by a walker? What? Walker? Nasa taping pa ba kami?
"You've got to be kidding us?!" Sigaw ni Sasha.
"This is not real!" Sigaw din ni Precious.
"Please stop this joke its not funny anymore." Sigaw din ni Ana.
"Are we in a freaking TV gag show?" I whispered while looking around searching for a freaking hidden camera.
"I think its real." Sagot ni Logan. Napabalik ang tingin ko kay Janelle na ngayon ay puro dugo na at wala nang malay.
"Kailangan na nating umalis dito." Sigaw ni Vic at may tinuro mula sa malayo. And there mas marami pang walkers. s**t? May hangover pa yata ako sa taping. This is just a dream. Pumikit ako. I'm gonna count from one to ten and when I wake up I'm on the airplane. One, two, three, four,-----
"Kat let's go!" Sabi ni Logan at hinila na ako sa kung saan. I think papunta kami sa parking lot. s**t! Its really happening.
"s**t! Steven is wrong! We need to get a getaway vehicle first!" Sigaw ni Vic while we are all running.
Napatili ako ng may humarang na tatlong walker sa harapan namin ni Logan. Napabalik kami sa entrance ng airport.
"I need to get Michonne's sword it will help us!" Sabi ko at hinila si Logan papunta sa baggage area. Nang makarating kami dun. Hinanap ko agad ang maleta at bagpack ko. When I found it I hurriedly open my bag to search for my suitcase key. Nang mabuksan ko ang maleta hinugot ko sa loob ang sword at isinukbit ko ang bag pack ko.
"Let's go! Just leave your suitcase I'm leaving mine." Logan said. Hinawakan niya ang left hand ko at sabay kaming tumakbo palabas. Napansin kong may bitbit siyang kapareha ng armor ni Daryl at may sukbit din siyang backpack at isa pang paper bag.
"Anong laman ng paper bag?"
"Daryl's armor!" Oh! So he bought two. Wow. Rich kid. Pero nawala ako sa amazement ko ng bumitaw siya sa akin at may pinana sa harapan namin. Oh s**t. They were about six walkers in front of us. I think airport staff sila base on what they are wearing.
"Kill them Kat or they will kill us!" Sigaw ni Logan sa akin. Pinanuod ko siya ng bunutin niya ang bumaon niyang pana sa ulo ng walker na unang pinatamaan niya. s**t! Are we really doing this fight s**t thingy versus the zombies? I can't do this. Its fun watching that freaking TV show pero iba pala kapag nangyari na sa iyo for real!
"Kat! C'mon don't just stand there!" Sigaw ni Logan. Napansin kong tumba na lahat ang anim na nasa harapan namin. I didn't move I still can't digest this thing. I didn't expect this to happened sa paguwi ko galing america. What's happening in my beloved country? Why are these people acting like they were some zombies from a TV show? Why did they killed Janelle? I know she's maarte and all and I want her the first to be bit pero I didn't expect it. Words are really powerful.
"Kat." Napatingin ako kay Logan na nasa harapan ko na pala. He looks worried.
"I know marami kang tanong sa isip mo, pero we need to go." Napatango ako. Kinuha niya ulit ang kamay ko at sabay ulit kami tumakbo papalabas ng airport.
Tumakbo kami papunta sa daanan. He's trying to open the cars na nadadaanan namin but to no avail lahat ito locked.
"Where are they?" Tanong ko. At as if on cue may pumaradang van sa harap namin. Logan put me behind his back and aim his armor towards the vehicle. Bumukas ang pinto nito revealing Vic.
"Sakay!" Sigaw nito. Tinulak ako papasok ni Logan sa loob umupo ako sa tabi ni Vic kasunod siya pagkasarado ni Logan ng pinto umandar agad ang van, na si Vj pala ang nagdadrive. Katabi niya sa unahan si Mark sa likod naman ng inuupuan namin ay sila Sehun, Ana, Precious at Robeelyn.
"I'm still waiting for someone na gugulatin na lang tayo saying: 'Welcome back! You guys got prank!'" Exhausted na sabi ni Ana mula sa likod. Ako rin Ana pero alam kong malabo na. Napabuntong hininga na lang ako.
"Guys. What the f**k?" Tanong ni Mark mula sa front seat. Ang tanong na alam mo agad kung tungkol saan yung tanong pero walang kasagutan. What the f**k! Really!
"Where in some s**t scenes in life." Sagot ni Vj.
"Anong gagawin natin? Yung baby ko?" Humihikbing tanong ni Precious. Napapikit ako bigla kong naalala si Jayjay my baby brother. He's just one year old. Ano nang nangyayari sa kanila? Si Mama? Si Papa? Si Ate? Napahikbi na rin ako. Ano bang nangyayari?
"Saan tayo?" Tanong ni Vj.
"Grocery store." Sagot ni Sehun.
"Walang signal I think the telecommunications company take down the signals." Sabi ni Robeelyn. Lalo akong napahikbi. How can I contact my family?
"Don't cry Kat." Sabi ni Logan at kinabig ako letting me rest on his shoulder.
Mayamaya itinigil ni Vj ang sasakyan sa harap ng seven eleven store.
"Let's go guys." Aya niya sa amin bago siya bumaba. I pulled away from Logan's comforting hug. Hinubad ko ang bag pack ko pero binitbit ko pababa ang espada.
Dahan dahan kaming siyam na pumasok sa loob ng store. Taking prevented measure for whatever that's gonna surprise us.
"Get the things that we need, water, bread, and even knives anything that can protect us from those ugly eaters!" Sabi ni Ana. Pumunta ako sa stand ng mga gatas, baka wala ng madedede si Jayjay.
"Milks?" Nagulat ako sa tanong ni Precious na nasa tabi ko lang pala. Tumango ako.
"For my baby brother, baka gutom na yun." Sabi ko. Lumapit ako sa kuhaan ng basket. Pakuha na ako ng maramdaman kong may tumutok na malamig na bagay sa sentido ko. s**t?
"Please wag po sir." Rinig kong pakiusap ni Precious. Napahigpit ang kapit ko sa hawak kong espada. I can kill this man. No! I know I can't.
"Sino kayo? Nakagat ba kayo ng mga Lefters?" What? Lefters?
"Lefters? Aren't they the walkers?" Tanong ni Precious.
"Walkers? Those are the Lefters! They kill my wife and my son. Saan kayo galing? Bakit iba ang tawag niyo sa kanila? Kasama ba kayo sa MOA ng pinasabog yung lugar?" What?! Pinasabog ang MOA?
"Pinasabog ang MOA?" Napatanong ako. Forgetting that I'm on a gun point right now.
"Hindi niyo alam? Saan kayo galing?" Tanong nito. Pero di pa rin binababa ang baril na nakatutok sa gilid ng sentido ko.
"Pwede po bang ibaba niyo muna yung baril niyo? Baka po kasi makalabit niyo." Sabi ko.
"No! Answer my questions first." Sabi nito. So I answered him.
"Galing kaming america and ito ang sumalubong sa amin, actually wala ngang sumalubong sa amin eh." Sagot ko.
"Bakit may dugo ang damit mo? Nakagat ka ba?" Napatingin ako sa damit ko sa bandang balikat ay may bahid ng dugo. Mula yata ito sa kamay ni Logan nung kinabig niya ako kanina para tahanin.
"Hindi po ako nakagat. Dugo ito mula sa mga napatay na walkers ng kaibigan ko." Sagot ko. Napansin ko namang binaba niya na ang baril niya mula sa pagkakatutok sa ulo ko. Nakahinga na ako ng maluwag.
"Kat? Precious?" Rinig kong tawag ni Vic at segundo lang ang lumipas lumitaw na siya sa aisle kung nasaan kami.
"Sino yang matanda na yan?" Tanong nito at itinutok ang hawak niyang kutsilyo. Napatingin na rin ako sa lalaking nagtutok ng baril sa akin. Matanda na nga siya.
"You can put your knife down Vic, he's no harm. I think siya ang sagot sa lahat ng tanong natin." Sabi ko. Napansin ko namang nagdalawang isip pa siya bago binaba ang kutsilyong hawak niya.
"Guys!" Sigaw nito. At di lumipas ang isang minuto nasa harap na namin ang iba pa naming kasama.
"Are you okay guys?" Tanong ni Logan. Tumango lang ako.
"Sino siya?" Tanong ni Mark. Tinutukoy ang matandang lalaki.
"The answers to our questions." Sagot ko.