Nakarecover naman na kahit papaano si Tyler. Hinatid na muna kami ni Martin pauwi pero agad din siyang umalis dahil sa kasong naghihintay sa police station. Hinalikan ko si Tyler sa noo bago paakyatin sa kuwarto.
Nag-ayos na ako ng mga gamit at nagluto na rin. Balak ko dalhan si Martin sa opisina, wala rin siyang sapat na kain sa hospital. Nagsabi ako kila Manang Rosalinda na sila muna ang tumingin kay Tyler at panandalian akong pupunta kay Martin.
Nag-aalala din ako sa asawa kong namamayat sa pag-alala. Nagluto ako ng paborito niyang adobong manok, kare-kare, at sinigang sa sampalok. Sira ang kotse ko kaya naisipan ko na lang magcommute ng taxi.
Pagkadating ko sa opisina ay wala masyadong tao dahil mukhang naglunch sila sa labas. Pumunta na ako sa loob at tumambad sa akin ang asawa ko, si Lyra, at ang iba na kumakain.
“Oh hon, dapat nagpahinga ka na lang sa bahay,” sambit ni Martin pagkalapit sa kinaroroonan ko.
“Nagluto ako at naalala kita. Dinamihan ko para sa kanila,” turo ko sa mga kasama niyang pulis. Napatingin ako kay Lyra na nakangiti ito sa akin.
“Did you commute?”
Tumango ako bilang sagot.
“Ahm.. aalis na rin ako,” paalam ko pagkaabot ng mga supot kay Martin. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Ihahatid na kita,”
Biglang nagsalita si Lyra. “Wait Alisha, sabay na tayo. Mr. Sandoval darating dito sina Mr. Ramos. Punta muna ako sa Calayan Station para kumuha ng ibang information regarding sa mga bagong lipat dito,”
Agad na tumayo si Lyra at kinuha yung bag niya. Tumanggi pa ako dahil nakakahiya pero wala na akong nagawa noong kumapit siya sa braso ko at kumaway pa sa mga pulis bago kami makalabas.
Bumitaw na rin siya sa akin at binuksan ang pinto ng sasakyan. Wala na rin akong choice, pumasok na ako sa loob at pinaandar niya ito.
“Tama sila, mabait ka,” masaya niyang sambit habang nagmamaneho. Hindi ako sanay ng pinupuri kaya naiilang ako sa kanyang sinasabi.
Bigla siyang tumawa.
“We’re both woman, I know what you think Alisha,”
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Think about what?”
Huminto siya sa pagmamaneho. “You are jealous,”
May pagkaprangka siya sa pagsasalita. Mahirap itanggi ang katotohanan pero kailangan.
“Are you serious? Haha!” nagkunwari pa akong tumawa para makisabay sa trip niya.
“Well, wala ka naman dapat pagselosan kasi hindi lalaki ang gusto ko,”
Nagulantang ako sa sagot niya. Nakita naman niya ang naging reaksiyon ko kaya lalo siyang natawa. Babaeng-babae siya manamit kaya hindi ako makapaniwala. Kinuha pa niya ang kanyang phone at inabot ito sa akin.
“Here the evidence. She’s Katherine, my girlfriend,” Napatakip na lang ako ng bibig. Kaya pala pinasok niya ang pagpupulis ay dahil isa siyang tigasing babae.
Napaamin na rin ako sa huli na nagkaroon ako ng selos pero hindi naman masyado dahil buo ang tiwala ko kay Martin. Sa haba ng kwentuhan, hindi ko na namalayang nandito na kami sa bahay. Bumaba naman si Lyra para kumustahin si Tyler pero hindi rin nagtagal dahil may pinapakuha din sa kanyang dokumento si Martin.
“Mom, she’s so pretty,” nahihiyang sambit ni Tyler. Napangiti naman ako habang hinahawi ang buhok niya. “Sorry my angel, she don’t like a kid,” ani ko habang natatawa. Sumibangot naman ang anak ko, hindi ko lang masabi na hindi sila puwede dahil ang gusto ni Lyra ay kasing ganda niya.
*****
Dumating na si Martin at yumakap ito sa akin bago mag-alis ng sapatos. Naghihiwa ako, hindi ko maiwasan mangiti habang naaalala pa rin si Lyra.
“Bakit parang ang saya ng asawa ko?” Kumuha siya ng tubig sa ref habang pinagmamasdan ako. Umiling ako pero halatang hindi kapani-paniwala kaya lumapit siya at kiniliti ako.
“Sasabihin mo o sasabihin mo?” pangungulit niya.
“Oo na! natatawa lang ako kay Lyra,”
Tumigil siya sa pangungulit at yumakap sa akin. “What did she said?”
“She told me that you are so noisy when you sleep,” pang-aasar ko. Agad niyang kinuha ang phone niya at noong marinig ko ang boses ni Lyra ay agad kong inagaw ang kanyang phone at pinatay ang tawag.
“I’ll give her punishment for telling a fake news,” seryoso nitong sambit na lalong nagpatawa sa akin. Niyakap ko siya bilang paglalambing. “Don’t punish her because she’s telling the truth,”
Binigyan niya ako ng isang masamang tingin at dali-dali akong tumakbo dahil siguradong mangingaliliti na naman siya. Maging sina Manang Rosalinda ay sumasakit na ang ulo dahil para kaming mga batang naglalaro.
Natigil na lang siya sa pangungulit noong bumaba na si Tyler. Pumunta ako sa likod niya na parang nagsusumbong sa pang-aasar ng kanyang ama.
“Ikaw pa ang nagsusumbong? Dehado naman ako kung dalawa kayo tapos isa lang ako!” parang bata na reklamo ni Martin.
“Si daddy ang guilty. Maraming witness na maingay ka talaga matulog!” Nag-apir kami ni Tyler dahil sabwatan namin. Magkasalubong naman ang kilay ng asawa ko at sabay kami ni Tyler hinabol.
Noong hiningal na kaming tatlo, nakalimutan ko na ang hinihiwa ko kaya yung anak ni Manang Rosalinda na ang nagtuloy, si ate Rhea. Matanda siya sa amin bagamat hindi na kapag-asawa, may dalawa siyang anak na naiwan sa kanilang probinsiya.
Pumunta sina Martin at Tyler sa sofa, naisipan manood ng basketball. Ako naman ay kinuha ko ang laptop para makapagpost ng litrato namin.
Habang pinagmamasdan ko ang newsfeed, Nakita ko ang mga bagong balita. Sanay na ako sa mga ganito dahil parte na yata ng buhay namin ang pag-aareglo ng gulo.
Ngayong araw ay may nahuling 3 gumagamit ng ipinagbabawal na gamot bagamat hindi pa rin nahahanap ang mga taong nagpasabog ng pabrika sa Sta. Flores. May mga illegal na nangyayari ngunit hindi pa rin mahuli kung sino ang nasa likod ng mga ito.
“Hon, may balita na ba sa nangyaring pagsabog?” tanong ko kay Martin. Lumapit naman siya sa akin at sinarado ang laptop ko. “Wala pa hon. Huwag mo na isipin iyan,” aniya at hinalikan ako sa noo.
Pabalik na siya ng sofa. Biglang iniba ni Tyler ang channel at tumambad ang panibagong balita kung saan, nagkaroon ng nakawan sa loob ng pamilihan. Sakto naman na tinatawag na kami nila Manang Rosalinda kaya hindi ko na masyado pa inintindi ang nasa tv.
“Daddy gusto ko rin magpulis, hindi ako titigil hanggat ang bawat isa ay wala sa kamay ng mga naaapi,” Natigilan kami parehas ni Martin. Hindi ko gustong ipasok si Tyler sa ganitong trabaho dahil hindi ko gustong makita niya kung gaano kadumi ang batas.
Humarap sa kanya si Martin. “Kung magiging isa kang pulis, suwerte sila dahil may isang bayani ang tatayo at ipaglalaban ang katotohanan,”
Ngumiti sa kanya ng malapad si Tyler bago mauna na pumunta ng kusina.
Noong bata ako, katulad ni Tyler ay pinangarap ko na maipasailalim ng batas dahil sa pag-aakalang patas ito sa lahat bagamat dahil sa isang pagkakamali ng nakaraan, binago ang lahat. Ang tama ay magagawang mali at ang mali, kayang baliktarin at ipakitang ito ang tama. Kawawa ang biktima dahil patuloy lamang sila sa lupa at tinatapakan ng mga taong nasa itaas.
Kung ibabalik ang nakaraan, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong desisyon ang dapat kong piliin. May namatay ng dahil sa akin, naging makasarili ako sa bagay na ipinagdamot ko sa tao ang karapatang makuha ang hustisya para sa anak at sa isang taong nagbayad sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa.
Kung sakaling pagtagpuin kaming mula ng kanyang pamilya, sana ay mapatawad nila ako.