Chapter 1

2582 Words
Chapter 1 Nagising ako dahil sa hindi ako komportable at masakit ang aking ulo. Unti unti kong dinilat ang aking mata at napabangon. Hindi ito ang apartment ko! Tinignan ko ang sarili at nakita kong wala akong damit! Wala din akong suot pang ibaba kaya itinakip ko ang kumot sa aking katawan. Napatitig ako sa kawalan. Anong nangyari kagabi? Bakit ako nandito? At higit sa lahat, bakit ako nakahubad?! Sinubukan kong tumayo ngunit napaupo akong muli dahil nanginginig ang aking mga paa at masakit ang gitna ng aking hita. " Putangina ano bang ginawa ko kagabi? " gulo kong tinanong ang sarili ko. Ipinikit ko ang mga mata at pilit inaalala ang nangyari. The kiss. The bed. My dress that got ripped off. s**t! Hindi man malinaw ang naalala ngunit alam ko na ang nangyari. May humalik sa akin at dinala ako dito! Putanginang mga lalaki! Nag pakalasing ako para makalimot pero anong nangyari? Hindi ko nga ibinigay sa boyfriend ko ang aking pagkatao pero sa isang estranghero! Ininda ko ang naginginig na paa, nanakit na gitna at ulo. Dali dali kong hinanap ang aking suot kagabi ngunit napamura ako ng makitang punit ang dress ko. Nakita ko ang panty ko sa sahig. Kinuha ko ito at sinuot. Laking pasasalamat ko ng may makita akong cabinet. Hindi ako makapaniwalang ang una ko ay isa pang one night stand! Hindi ko pa maalala. Mabuti na nga ring hindi ko maalala iyon. Punyetang lalaki. Pagkatapos mangkin ay basta basta lang mang iwan. Ganon ba ako kadaling iwanan? I opened it at may robe sa loob. Isinuot ko ito at kinuha ang bag. Sa gilid ng lamp table ay naiwan ata ng lalaking kasiping ko ang isang mamahaling relo. Kinuha ko iyon at dali dali akong lumabas ng silid at bumungad sa akin ang bar. Tangina nandito parin ako? Hinanap ko ang exit at buti naman nakita ko at walang tao. Pumara ako ng taxi at umuwi sa aking apartment. Mag a-ala una na pala. s**t hindi ako nakapasok sa trabaho ko. Pagpasok ng bahay, dumiretso ako sa aking kwarto. Pumasok ako sa banyo at naligo. " Hoy gaga ka! Saan ka nagpunta kagabi? Sabi ni Carl nalingat lang daw siya ay nawala ka! " tinawagan ko si Meila pagkatapos makita ang napakaraming missed calls niya sa akin magmula kagabi hanggang kaninang umaga. " Ano.. Umuwi ako antok na kasi ako eh. Ikaw saan ka kagabi? Sabi mo dalawa tayong mag wawalwal pero ano?! Iniwan mo rin ako!" sabi ko kaya natahimik siya. " Hehehe babawi ako sayo bukas. Ililibre kita ng unli siomai at kikiam. Promise.... Nga pala, ayos ka lang ba? Buti at hindi ngayon natuloy ang pagpasok ng bagong boss. " oo nga. Nakalimutan ko na sa kompanyang pinagtatrabahuan ko ay ipapakilala ngayong araw ang bagong mag mamay-ari nito. Isa akong simpleng empleyado ng kompanyang iyon at sa finance deparment ako nailagay. Si Meila naman ay secretary ng dating boss namin. Lilipat kasi siya ng pamamahalaan sa isa pa nilang kompanya at isasama niya pa si Meila. Marami naman kasi silang negosyo at kumpanya! Nag uulan siguro ng pera ang kanilang bahay sa yaman nila. " Buti naman di natuloy. Bakit raw?" sagot ko. " Ewan ko dun. Next week pa ako lilipat. Magkakalayo na tayo pero dapat every week walang palya tayong magkikita ha" " Oo naman. Hindi ka pwede umalis nang hindi ko nakukuha ang libre mo" natawa siya sa sinabi ko. Ibinaba na niya ang tawag dahil tapos na ang breaktime niya. Late ang breaktime niya ngayon ewan ko ba doon. Naalala ko ang relong kinuha ko kanina sa taas ng lamp table. Inilabas ko iyon at pinakatitigan. " May maisasangla na ako kapag gipit ako sa pera. At hindi ko na maisasangla ulit ang binigay ni tatay. " ika ko sa sarili. Kinapa ko ang kwintas sa leeg ngunit wala iyon doon. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi pwedeng mawala iyon! Bigay yun ni tatay sa akin pagkatapos kong gumraduate sa kolehiyo. Yun na nga lang ang totoong gold na alahas ko mawawala pa! Bumalik ako sa bar pagkatapos kumain. Nagtanong tanong ako kung may nagsauli ba ng isang kwintas sa lost and found nila kaso ay wala raw. Bumalik ako ng bahay na laylay ang balikat at mabigat ang puso. Naiiyak ako dahil sa katangahan ko. Sa lahat ng mawawala, iyong binigay pa talaga ni tatay. It is very precious to me. Yun ang huling regalo ni tatay sa akin bago siya namatay. Yes my father is already dead. Two years ago, he died because of heart attack. Si nanay naman ay nasa probinsya namin. May sakit din siya sa puso at highblood kaya mas pinili kong mag trabaho dito sa Manila dahil mas malaki ang kikitain ko pang tustos sa maintenance ng nanay ko. Naiwan ko siya sa aking tita na kapatid niya lang rin. Nakahiga akong tumunganga sa kwarto buong hapon. Hindi gaano kalaki ang apartment ko. Mas maliit, mas mura. Sa kilid ng apartment ko ay may iba ring umuupa. Marami ang laging nag iinuman sa labas at nag iingay. Dito ang pugad ng tambay, basagulero, magnanakaw, at tambay. Idagdag mo pa ang mga lasengobna gabi gabi umiinom at nagwawala. Sa umaga ay makikita mo ang tropa ni aling Marites nag kukumpulan sa harap ng tindahan ni aleng Osang. Umagang chismis ang kanilang agahan. Pagkatapos mag hapunan ay bumalik ako sa kwarto saka sinubukang matulog. What happened last night and today is too much. " Teka! Manong sasakay pa ako! " sigaw ko ng muntik na akong maiwan ng jeep. Suot ang damit pang trabaho ay nakisiksik ako sa loob ng jeep. Ilang minuto nalang at late na ako. Natagalan akong gumising dahil masakit parin ang aking ano sa baba. Halos lumipad ako papunta sa elivator matapos makapasok ng building. " Dahan-dahan lang Noureen! " paalala sa akin ni manong guard. Kahit mukha raw akong masungit ay marami naman akong naging kaibigan sa trabaho ko. Ang pagiging tahimik ko ay nakadagdag sa masungit kong mukha. Hindi naman talaga ako tahimik. Iniiwasan ko lang mag daldal sa trabaho para maaga kong matapos at iwas sermon sa head ng department namin. " Nandito na ang hidden member ng sexbomb! " bungad sa akin ni Mariela. Ang kakambal ni Miela na mas matalas ang bunganga at dila sa kanya. Isa din siya sa mga kaibigan ko. " Ano? " hindi ko alam ang pinagsasabi niya kaya napakunot ang noo ko. Dumiretso ako sa table ko matapos mag log in. Jusko ang daming gagawin. Nag umpisa akong bumusikad ng tambak na papeles na mukhang kahapon pa nandito sa table ko. Buti at hindi pa naman nito due kaya may oras pa akong tapusin ito. " Bakit absent ka kahapon? Tapos nawala ka pa sa bar." lumapit si Carl sa akin. " Masama pakiramdam ko kahapon eh. Nauna na akong umuwi antok na ako eh " pagsisinungaling ko. Nakaharap ang aking mga mata sa screen ng computer, nang hinarang ni Mariela ang kanyang kamay sa paningin ko. " Mars, maawa ka ang dami kong tatapusin. Mamaya na tayo mag chika sa break time na " ika ko at inialis ang kamay niya sa harap ko. Pero hindi siya nag patinag. Hindi lang kamay niya ang nakaharang sa screen kundi pati ang phone nito. May nag pe-play na video doon. " Mariela ano ba. " ika ko at humarap sa kanya. " Tignan mo. Promise tatawa ka " ika niya at inabot ang hawak na cellphone. Napakunot ang noo ko dahil sa bar ito. Ilang saglit pa ay humarap ito sa akin. Nakapatong sa upuan habang inaalalayan ni Catl sa pag tayo. God! Ako ba to? Ito ba ang nangyati bago yung ano? Anong kahihiyan ba ang ginawa ko? Jusko! Ilang saglit pa ay nagsalita na ako sa video. " Anong english ng santol!" sigaw ko. May sumagot ng ano may roon ding sumagot ng tamang sagot. " Engk! " sigaw kong muli at pinuwesto ang kamay na magkaekis. Yung parang choreo ng di ko kayang tanggapin. " Edi where bro?! HAHAHAHA santol, where bro? HAHAHAHA " halos mamatay ako sa tawa at ang mga nakikinig at nanonood sa akin. Napatayo ako sa upuan ko at tumingin sa likod ko ang iba kong mga kasamahan. " Hoy ang joker mo kagabi ah! Kaso umuwi ka na raw after! " wika ng isa. " Gago laughtrip kami dahil sayo kagabi " sabi pa ng isa. Hindi ko sila pinansin at natuon parin ang paningin sa video. Hiyang hiya akong nakatayo ngayon habang pinanonood ang sariling kagagahan kagabi. Sa huli ng video ay ang pagsayaw ko ng spaghetting pabaa ng sexbomb. " Punyeta! Nakakahiya! " sigaw ko na ikinatawa ng mga kasama ko. Saktong bumukas ang pintuan. Kasabay lang noon ang pagsigaw ko. Gulat kaming lahat sa iniluwa ng pinto. Nagkukumahog na bumalik sa kani-kanilang pwesto ang mga katrabaho ko matapos bumukas ng pintuan. Ang head ng aming department ang pumasok kasama ang isang lalaking naka suot ng pormal na kasuotan. A business suit, black slacks, and shoes. s**t ang gwapo. " Ms. Castañez what are you shouting! " bulyaw nito kaya napayuko ako. " I'm sorry sir " iyon nalang ang nasabi ko. " Is this the people that will work under me? " sabi naman iyon ng katabi niyang lalaki. O my goodness! Siya ba ang bagong boss namin!? Mukhang hindi siya natuwa sa bumungad sa kanya pagpasok. Ang awra niya ay nakakatakot! " I'm sorry about that sir. But yes they are the people that will work for you. Matitino po yan silang lahat kahit mukhang hindi " pagpapaliwanag ni Mr. Tan ang head namin. Makapagsalita naman, mukhang hindi kahina-hinalang hindi matino ang mukha niya ah. Tumikhim ang lalaki bago nagsalita. " I don't want my people to doze off during work. Ilugar niyo ang pagdaldal niyo at huwag isabay sa trabaho. If you can't follow what I say, then better prepare your resignation letter or I will be the one who will fire you. " napataas ang tingin ko dahil nakakakilabot ang kanyang boses pero ang sexy din hehe. Sa akin talaga siya napatingin pag sambit ng I will fire you. Jusko naman Lord wag sana. Lahat kami ay nagsitanguan at sumabat ng yes sir sa kanya bago siya umalis. Naiwan si Mr. Tan. " Goodness! Umagang umaga ano bang ichinichismis niyong lahat?! " " That was our new boss! Mr. Dolton Larsus Yamato! The younger brother of our previous boss and your first impression was that?! " highblood na highblood si sir mas nakakatakot. Ok sana kung kasing gwapo niya si new boss char! Nagpatuloy kami sa aming trabaho at pagdating ng breaktime ay ako nanaman ang pinaguusapan nila! Nakakahiya talaga! " Ang malas ko naman! Sana talaga sumama ako kay Meila noon! " inis na sabi ni Mariela. Naghihimutok at hindi niya raw ako nakita ng live sa mga ginawa ko noong lasing ako. Kumakain kami ng lunch at ako, ako ang kanilang pinaguusapan. " Wow, mahiya naman kayo. Nandito lang ang pinaguusapan niyo oh " ika ko at tinuro ang sarili. " Lumuhod kayo mga slapsoil, baka maging tae kayo. Ginagalit niyo ang mahal na diyosa " inulit pa talaga ni Mariela ang sinabi ko noong nalasing ako kaya tumawa ang lahat. Naging usap-usapan sa buong building ang 'funny' kong ginawa raw noong nalasing ako. Pulang pula ako dahil sa hiya. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa huhu. Kada may madadaanan ako ay tinatawag na nila akong hidden member ng sexbomb! " Pasabay nalang din ng akin sa pagpasa, Noureen ha! Love you muah " nagmamadali si Mariela sa pag alis. Kesyo may date raw sila ng kanyang seven years boyfriend. Oo pinapamukha niya talaga sa akin ang tagal ng relasyon nila at may jowa siya. Tapos na ang trial card ko kay Beam eh putangina niya talaga! Ipapakulam ko siya pag uwi ko ng probinsya namin! Makikita niya hmmp! Kumatok ako bago pumasok sa office ni new boss. Syempre natatakot akong pumasok at magpasa nitong papeles, eh anong magagawa ko? Ako pa naman talaga ang tinitigan niya kanina habang sinasabi ang I will fire you. Punyeta. Binuksan ko ang pintuan at bumungad ang mabangong office nito. Nakaupo siya sa swivel chair habang may pinipirmahan na mga papeles. Hindi niya ako napansin kaya tumukhim ako. Tumaas ang kanyang tingin at kumunot ang noo niya. " Can't you knock before entering?! " OMG! Galit nanaman siya. Bawas sa pogi points ang taong galit! Isa ka nalang new boss at hindi na tatalab ang pogi mong mukha sa akin. " Ah, sir I knocked before I enter. Hindi niyo po ata narinig " sabi ko kaya nawala ang kurba sa kanyang noo. Napatingin siya sa mga papeles kong hawak. " Pati yan, pipirmahan ko pa yan? " tanong niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Napamura ito at inilagay ang palad sa mukha. " Ipatong mo lang diyan" itinuro niya ang isa pang malapit na mesa. Marami ding papeles doon. Napatingin ako sa mga nabasa at napirmahan niya. Marami rami din iyon ngunit sobrang gulo. " Boss, aayusin ko lang to bago ako umalis ah. " ika ko. Hindi siya sumagot. Okay silence means yes. Bahala siya. " Wala po ba kayong secretary? " pagkausap ko sa kanya. Sobrang tahimik kasi! " Did you see someone here when you enter? " " Wala po" " There. You answer your own question. " masungit niyang saad. Hindi ko namalayan na natagalan ako sa pagaayos noon. At nalimutan kong isinasarado ang aming office every five p.m unless mag oover time ka! Tinignan ko ang wall clock sa office ng boss ko at napasigaw ako nang makitang alas syete y media na ng gabi. " Hala! " " s**t! What?! " nagulat ang boss ko dahil sa pag sigaw ko. " Sorry po boss. Last na po ba yan? Akin na po " inabot niya sa akin iyon at sinapaw sa mga papel na inayos ko kanina. Dali dali akong bumalik sa aming department. At tama nga ako. Sarado! " Kuya Eli! Si manong Fidel po? " tanong ko sa isa pang gwardya nang makasalubong ko ito. " Ba't nandito ka pa, Nour? May pinuntahan si manong Fidel. Mamaya pa yun babalik " wika niya. " Hala! Naiwan ko sa loob ang bag ko kuya. Saan daw pumunta si manong Fidel?" " Binisita niya yung anak niyang naaksidenta noong isang araw doon sa hospital. " wika pa niya. " Nasa inyo po ba ang nga spare keys ng mga office?" umiling siya sa tanong ko kaya para akong binagsakan ng langit. " May extra pa akong pera dito, Noureen baka gusto mo munang gamitin " umiling agad ako kay kuya Eli. Alam kong may anak siyang sinusuportahan. Isa siyang batang ama kaya ngayon ay nagtatrabaho siya dito bilang issng secu. Dalawang taon lang siguro ang aming agwat. " Sigurado ka ba? " tanong niya. " Opo kuya. Tatawagan ko nalang si Meila na puntahan ako dito " Hinatid niya ako sa parking lot at doon ko nalang daw hintayin ang aking kaibigan. Pag alis ni kuya Eli ay inilabas ko ang phone ko galing sa bulsa at tumipa. Iyon lang ang nadala ko sa aking mga gamit. Ang iba ay nandoon sa loob naiwan kasama ang aking wallet.. Napalingon ako sa ingay ng naglalampungan na kakalabas lang ng elevator. Ganon nalang ang galit ko ng makita ang pagmumukha ng putragis at hayop kong ex. " Beam "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD