Chapter 1: Home, Sweet Home

2002 Words
Sophia's POV Masaya akong mag-shopping dito sa Marina Mall Abu Dhabi, United Arab Emirates. Lihim akong napangiti sa aking sarili habang namimili na mag-isa ng mga bagay na gusto ko. Dahil ang perang ginagamit ko ay sarili kong pera. O di ba, I'm proud to myself. Ngayon ay Biyernes, ang mga tao ay masyadong abala dahil ito ay isang Family Day. Karaniwan sa mga pamilya ay naririto dito sa mall para maglibang. Masaya akong nakikita sila, pinapaalala nito ang aking pamilya. Sa isang buwan ay makikita ko ang aking mga magulang. Na-miss ko ang mga oras na mayroon kaming bonding ng mga magulang ko nuong bata pa ako, katulad ko rin ang mga batang iyon dati, na kasalukuyang nasa trampauline. Tumalon-talon pa sila at may malaking ngiti sa kanilang mga labi. Ang kanilang mga puso ay puno ng kaligayahan. Ang kanilang ugnayan sa kanilang mga magulang ay kamangha-mangha katulad ko. Ako nga pala si Sophia Ashely Del Prada 25 taong-gulang. Nagtatrabaho ako bilang isang kalihim ng isang kilalang Kumpanya dito sa Abu Dhabi na may iba't- ibang mga sangay sa Dubai, Europa at sa Pilipinas. Nagtatrabaho ako ng pam-pamilyang negosyo o tinatawag na Umbrella Business, ng mga Khaled. Sa loob ng higit tatlong taon ay matatapos ko na sa kataupusan ng buwang ito ang aking kontrata. Mataas ang sahod at masarap tumira dito sa ibang bansa ngunit tinatapos ko na sa aking sariling pasya. Uuwi na para sa kabutihan tulad ng ginagawa ng maraming OFW. Nagtataka at tinatanong ko ang aking sarili, kung paano kaya ang negosyo ng aming pamilya sa Pilipinas? Nagtatrabaho ako sa negosyo ng iba habang nasa negosyo din kami. Hindi ko man matulungan si Daddy sa kanyang kumpanya kung palagi akong nagtatrabaho sa ibang tao. Pagkakataon ko na l ito para naman makatulong ako sa aking Daddy. Mabilis kong tinapos ang aking pamimili. Agad ako lumabas ng mall, nagpara ng taxi at dumiretso sa aking flat. Tanghali na pala, mabuti na lang at kumain na ako sa fast food sa loob ng mall bago ako nag-shopping. Biglang tumunog ang aking cellphone. Binasa ko ang nasa screen at si Daddy ang tumatawag mula sa Pilipinas. Napangiti ako dahil alam ko na namimiss na naman nila ako ni Mommy. Bakit cellphone siya tumatawag, eh pwede naman sa videocall? "Hello Daddy," sagot ko, pagka-slide ko ng green botton. "Oh, kamusta anak, Hija? " Ito, Daddy palagi akong maganda," pagyayabang ko sa kanya. "Ganyan ang anak ko, ang aking tagapag-mana!" "By the way, hija, gusto kong sabihin na umuwi ka dito agad. Alam ko na matatapos na ngayong buwan ang iyong kontrata at may pag-uusapan tayo. Hindi natin pwedeng pag-usapan ang lahat ng impormasyon dahil nasa tawag tayo, mas mabuti na pag-usapan natin ito nang personal." "Okay, Daddy, uwi ako." "Ay, mabuti, hija,tatapusin ko na ang tawag, mag-ingat ka lagi diyan. Na-mi-miss ka namin lalo na ang Mommy mo." "Oh, kayo rin po, na-mi-miss ko kayo. Regards to Mommy, Daddy, bye." Pagka-patay ng cellphone ko, ay kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Daddy. Ano kaya ang sasabihin sa akin, bakit kailangan pa sa personal? Ano ba 'yan? Gaano ba ka-importante, ang tungkol diyan? Nagdabog akong tumayo mula sa sofa para ayusin ko ang lahat ng mga kailangan kong gamit na dadalhin ko sa Pilipinas. Bumili ako ng mga regalo para sa magulang ko at para din sa aking mga malapit na kaibigan. Simula sa Linggo ay unti-unti na akong magpa-alam sa aking mga katrabaho. A-kinse pa lang ngayon pero kapag iniisip ko, nakakaiyak na at nakakalungkot. Ngayon ang aking flight, naghihintay ako sa driver ng kumpanya na ihatid ako sa Airport. Patuloy na nagri-ring ang aking cellphone, lahat ng aking mga kaibigan dito at ka-trabaho ay tumatawag upang magpa-alam. Ang ilang mga mensahe na ipinadala sa aking inbox ay di ko na mabasa. Ang ilan sa kanila ay kausap ko sa video call, pinipigilan kong magsalita ng marami dahil ayokong umiyak. Sa wakas, pagkatapos ng siyam na oras ay nakalapag na ako dito sa Ninoy Aquino International Airport na may malawak na ngiti sa labi. Kasalukuyan kong hinihintay si Daddy upang sunduin ako. Napa-kaganda na siya ang una kong makikita. May tumapik sa aking balikat at nakita ko si Daddy kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Yumakap ng mahigpit pabalik sa akin si Daddy. Mangiyak-ngiyak naman ako sa tuwa. Hinagod niya ang aking likod para pakalmahin ako. "Welcome back home, hija." "Thank you, Daddy," kasabay ng pagpunas ng aking luha. Mabilis kaming nakarating sa aming mansion. Pagka-parada ng kotse sa garahe ay lumabas at tumakbo ako papunta sa pintuan ng mansion. Mabilis ko itong binuksan at pumasok sa loob upang hanapin si Mommy. Nakita ko siya at yumakap ako ng mahigpit. Niyakap niya ako pabalik kahit nagulat sa bigla kong pagsulpot at pareho kaming umiiyak. Nasa ganuon kaming posisyon ng pumasok si Daddy at inakbayan kami ni Daddy Tuwang-tuwa ang aking mga magulang na nakabalik ako sa bansa na ligtas at maayos. Dahil sa kanilang kasiyahan ay nagkaroon ng pagdiriwang na ginanap sa mansion. Karamihan na dumalo ay mga kaibigan ni Daddy at Mommy. Dumating din ang mga dati Kong kaibigan ngunit hindi nagtagal dahil may trabaho pa kinabukasan. Hindi kinaya ng energy ko ang magtagal sa pagdiriwang kaya nauna akong natulog. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Umaga na ng magising ako. Agad akong bumangon, naligo at nag-bihis. Nakasuot ako ng kulay puting bestida na pang-tag-araw, maikli lamang ang haba na lampas ng tuhod. Maiksi ang manggas at lumabas ang aking kaputian. Nakasuot lamang ako ng magaan na make-up sapagkat likas na maganda ako. Gumamit ako ng may katamtamang heels na sandal para sa aking mga paa. Umagaw sa aking pansin ang saya ng magulang ko na may mga kausap sa kusina. Malakas ang kanilang boses na naririnig ko habang bumababa ako mula sa itaas sa aking silid. Dahan-dahan akong humakbang sa hagdan ng hindi lumilikha ng ingay. Nakaramdam ako ng pagka-refresh dahil sa ambiance ng aming bahay. Na-miss ko ang bahay namin kung saan ako lumaki, home sweet, home na talaga ako. Napangiti ako nang makarating sa hapag- kainan kung saan nag-uusap ang mga magulang ko at may panauhin pala kami. "Hello" Kinaway ko ang kanang kamay ko sa hangin upang makuha ko ang atensyon nila. Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Napatayo ako ng tuwid. Pagkatapos ay tumayo silang lahat bilang respeto ng makita akong nakayo malapit sa hapag-kainan. "Andiyan ka na pala, hija,umupo ka," sabi ni Daddy saka ako iginaya sa bakanteng upuan. Kain muna tayo bago tayo mag-usap." Nakita kong tumango ang lahat. Nagsi-upo na rin silang lahat. Tatlo sila, isang dalagita at mag-asawa na kapareho ng edad sa magulang ko. Bago sila sa aking paningin pero ngumiti ako sa kanila. Agad kong sinunod si Daddy, umupo ako at kumuha ng pagkain. Kalmado akong kumakain habang nagsimula na silang mag-usap-usap. Ano kaya ang pag-uusapan nila? Duon ko naalala ang sinabi sa akin ni Daddy sa tawag nuong pauwi pa lang ako dito sa bansa. "Ahm, hija, sila ang aking kaibigan, ang Del Monte Family. Sila at ang pamilya natin ay matagal ng magkaibigan, hindi mo matandaan dahil bata ka pa noong dumating sila dito. Dahil abala sa kanilang negosyo at ngayon lang sila nakadalaw. Lagi naman kaming nag-uusap sa videocall ng kaibigan ko. "Mayroon silang dalawang anak lamang. Ang una ay si Dale Kevin, nasa Amerika siya dahil may pinamumunuan na kompanya. Ang kasama nila ngayon ay si Bea Rose, ang kanilang bunso." "Hi" Pagbati sa akin ni Bea na agad kumuha ng aking atensiyon. Ngumiti ako sa kanya. "Hello, kumusta? "I'm good!" Malambing at masigla ang kanyang boses. "Kumusta ka,hija? Napabaling ang tingin ko kay Mister Del Monte dahil sa pangungumusta sa akin. Mabini akong ngumiti saka ako sumagot. "Mabuti po ako,Tito. Salamat," sagot ko. Kasabay ng pagngiti ko kay Ginang Del Monte. Pagkatapos kong ipakilala ang aking sarili sa mga panauhin ay siya rin ang pagtatapos ng aming pagkain. Lumipat kami sa sala upang ipagpatuloy ang pag-uusap doon habang kinakain ang aming pang-himagas. Ang pansin ng lahat ay kay Daddy ang aming taga-pagsalaysay. Natahimik ako dahil sa sinabi sa akin ni Daddy, ang lahat ng mga plano ng dalawang pamilya na ikakasal ako sa panganay na anak ng Del Monte na si Dale Kevin. Nagulat ako sa lahat ng mga desisyon na ginawa ng aking magulang para sa akin. Tila nawala ako sa mundo ko ng marinig ang mga salitang iyon. Bakit ganuon, bakit di muna sinabi sa akin kung papayag ba ako o hindi? "Daddy, Mommy, bakit naman ganuon? Ipinagkasundo ninyo ako na hindi ko nalalaman!" Umiiyak na ako dahil sa nalaman ko. Wala akong pakialam kung nakikita nilang umiiyak ako. Paano na ang future boyfriend ko kung sakali? Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. "Bea, go to the guest room." "Yes, I'm leaving!" Umalis si Bea sa senaryo. Ako lang ang naiwan kasama ang magulang ko at ang mag-asawang Del Monte. "This is for your own good, you have to marry Dale Kevin to preserve our wealth. The decision is final." Madiin na salitang pinalidad ni Daddy. Sumimangot ako, di man lang magprotesta sa akin si Mommy. Ibig sabihin gusto niya rin itong desisyon ni Daddy. Wala pala akong kakampi. Iyon din ang oras na kumuha sila ng litrato at ipinakita ito sa akin. Ang litrato ni Dale,siya ay gwapo, matangkad at may matangos na ilong. Mala-Hollywood Actor ang kanyang itsura. Natulala ako sa aking nakita, totoo kaya ang itsura niya baka mamaya iba sa personal? Ha? Wait lang, bakit ako nag-iisip ng ganito ngayon? Kanina lang nagagalit ako at paiyak-iyak pa! Diko maintindihan ang sarili ko hinggil sa litrato na iyan. Yumuko na lang ako at ibinalik ang litrato kay Tito Del Monte. Natapos ang mahabang pag-uusap namin at walang nagbago sa desisyon nila para sa aming dalawa ni Dale. Nagpa-alam na silang uuwi na kasama si Bea. Naiwan kaming tatlo ngunit hindi na ako umimik dahil si Daddy lang ang nasusunod dito sa bahay. "Hindi mo na kailangang mag-isip, hija, uulitin ko para sa iyo ito. Walang magulang na gustong mapahamak ang anak, kaya ko ito ginagawa." Iniwan na nila ako ni Mommy sa sala. Pabagsak akong umupo sa couch. Ang sarap sumigaw at magwala sana. Kakauwi ko pa lang pero ganito ang sumalubong sa akin. Tumakbo ako pa-akyat sa aking kwarto. Pagka- sarado ko ng pinto ay agad akong nahiga sa aking kama. Umiyak ako ng umiyak hanggang hikbi ang aking narinig sa aking sarili. Nakatulog ako pagkatapos ng aking pag-iyak. Natatakot akong suwayin si Daddy dahil mahal ko sila, mahal ko ang aking magulang, tama naman si Daddy. Wala namang mawawala kung susundin ko sila. Walang magulang na nais na mapahamak ang kanilang anak. For my part, okay lang kasi wala akong boyfriend sinced birth, kahit may mga lalaki na nanliligaw sa akin pero ayoko sa kanila. Sa palagay ko madaling matutunang mahalin ang isang lalaki lalo na kung mabait. Di ko pa naranasan ma-in-love kaya wala akong sinagot sa mga manliligaw ko. Ni wala sa kanila ang naka-kuha ng atensiyon ko. Paano naman pana'y pagpapa-charming lang ang ginagawa. Naramdaman ko ang kakaibang kaba sa darating na kaganapan ng aking buhay. Matatapos na ako sa isang pagiging walang asawa. Patuloy kong iniisip ang mga pagbabago sa akin kapag nag-asawa na ako. Lalo na ang pagbabago ng katawan ko kapag nanganak na. "Pwede naman maging sexy pa rin," saway ng isip ko. Isang buwan ang dumaan, mas ginugol ko ang pagkakataon na nandito ako sa mansion. Minsan lumalabas kami para maghang-out kasama ko ang parents ko. Binigay ko ang aking oras at masayang kasama ko sila. Never ko na silang sinumbatan tungkol sa pagpapakasal ko ng Del Monte. Bigla akong naawa sa aking mga magulang. Mas lalo kong naintindihan ang gusto nila para sa akin lalo ng tumutulong na ako sa kompanya ni Daddy. Di ba gusto silang tulungan sa kanilang negosyo? Iyon ang goal ko na muntik ko ng makalimutan. Sabi ni Daddy hindi na raw ako magtrabaho kapag kinasal na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD