Dale's POV Naalimpungatan ako ng may gumalaw sa aking tabi. Nagmulat ako ng mata at sumalubong ang liwanag ng ilaw. Kumurap-kurap ako para sanayin ang aking mga mata sa ilaw at tuluyan akong nagmulat ng mata. "My goodness!" sambit ko ng makita ang aking asawa sa aking tabi na giniginaw dahil sa hangin na nagmula sa aircon. Mabilis ang pagguhit sa aking utak at naalala ang nangyari. Nakatulog pala kami agad matapos namin nagtalik ng aking asawa. Agad kong hinila ang kumot at kinumutan ang katawan niya. Nakita ko sa sahig ang aming mga kasuotan na nagkalat. Bumangon ako sa kama at bahagya pa akong nagulat ng makita ang sarili na hubot-hubad kahit damit ko pa ang iba na nasa sahig. Mabilis kong pinulot ang mga damit at inipon. Dinala ko sa laundry basket sa banyo at nag-half bath n rin ak

