Dale's POV Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at napatango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Maaliwalas naman ang kapaligiran dito at hindi gano'n karami ang tao. Natutuwa nga ako dahil di maselan ng lugar itong asawa ko. "As you wish, baby ko, let's go after this," nakangiti kong sambit. "Yes, thank you, baby. I like it here." Ngumiti lang ako sa kanya at masaya ako habang nakikita siya na nagustuhan ang mga pagkain at ambiance ng lugar dito. Nauna akong nakatapos sa pagkain. Paubos na ang kinakain niya ng dumating ang aming dessert na ice cream. Parang ang dami na yata ng nakain ng asawa ko tapos may dessert pa. "Baby, are you sure?" Nag-alala kong tanong sa kanya dahil kanina ay kumain ng mangga tapos ice cream naman ngayon. Hindi kaya magka-kontra ang mangga at ice cream? "I

