1 Timoteo 3:11-12 "Gayundin ang mga babae, dapat maging marangal. Dapat hindi sila mapanirang-puri. Dapat mahinahon at tapat sila sa lahat ng bagay. 12 Ang mga diakono ay dapat maging mga asawa ng isang babae. Dapat mahusay nilang pinamamahalaan ang kanilang mga anak at sambahayan." ***** Dale's POV Dumating si Dante, ang aking bagong private investigator at nilapag sa ibabaw ng aking mesa ang isang envelope. Agad ko kinuha ang envelope at binuksan para tingnan ang nasa loob nito. It was confirmed! She was the mother of Caroline Dela Vega, ang ginang na nakita ko na naaksidente. Speaking of Caroline, umasim ang mukha ko dahil naalala ko ang nakaraan. Hindi sa aming nakaraang dalawa kundi ang pakikisabwat niya kay Gregg para pahirapan ako. "Ilang taon na ang nakalipas, boss?" Tanong

