Dale's POV with SPG Nakarating kami sa mansiyon ng Del Prada, kasama ko si Daddy. Masigla akong sinalubong ng asawa ko at maging sina Daddy at Mommy ni Sophia. Umiiyak ang asawa habang nakayakap sa akin. Nakayakap rin ako sa kanya at hinahagod ko pa ang kanyang likuran. Hinayaan na lamang kami sa sala na ganun ang posisyon namin. Di pa mawala ang paghikbi ng asawa ko habang yakap ko pa rin siya. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Dumating na pala sila Mommy at Bea. Umiiyak na nakayakap sa amin si Mommy, maging si Bea nakiyakap na. Umiiyak silang tatlo habang lumuluha naman ang tatlong nakamasid sa amin. "Tears of joy," sabi ng Mommy ni Sophia. "Yes, balae," sagot ng Mommy ko na ngayon ay nagpupunas ng kanyang luha. Kumalas na rin ng yakap si Bea, at tanging ang asawa ko

