Dale's POV with SPG Di pa man lumalabas ang baby namin ng asawa ko ay sinimulan ko ng ayusin ang lahat ng mga kailangan ng mag-ina ko. Daig pa ang maagap ang masipag ika nga. Bumili ako ng bahay naming mag-asawa na hindi niya alam para doon na kami uuwi kapag nanganak na siya. Namomonitor ko siya dahil nilagyan ko ang mga ibang parte sa loob ng condo unit ng cctv camera na connected sa laptop ko. Makikita ko ang lahat ng ginagawa niya kahit saan man parte ng bahay siya naroon maliban sa kwarto. As of now ay nakikita ko siya sa monitor na nasa kusina at kasalukuyang kumakain ng hilaw na mangga habang nanonood ng TV. Napangiwi naman ako sa aking nakikita. Sarap na sarap sa maasim na mangga. Umalis ako agad sa harap ng laptop ko dahil naglalaway ako dahil sa kanyang kinakain. She is stil

