Chapter 8: At the Seashore

2014 Words
Sophia's POV Naglalakad akong mag-isa sa buhangin, nakikita ang malinis at maluwag na bahagi ng tubig. Kulay asul at sa dulo ay parang nagkasalubong ang dagat at langit. Maaliwalas at mataas ang sikat ng araw. Hindi kayang salubungin ng mata ko ang init kapag tumingala ako. Nagulat ako sa aking nakita hindi ito isang panaginip, ngunit ito ay totoo na nasa dalampasigan ako. Nagpunta ako sa ilalim ng puno para matakpan ko ang aking sarili sa mataas na sikat ng araw. Umupo ako saka ko sinipat ang aking sarili , isinunod ko ang ulo na hinawakan ko pa talaga. Ipinikit ko muna ang aking mga mata upang alalahanin ang mga kaganapan bago ako nakarating dito. "Ano kayang nangyari?" Napasinghap ako ng naalala ko na. "Nasaan ako, ibig kong sabihin nasaan ang lugar na ito?" Tapos bigla lahat ay pumasok sa aking isipan. Na crashed ang eroplano na sinasakyan namin! "Oh my goodness!" bulalas ko at napatakip ako sa aking labi. Ako lang ba ang narito, nasaan ang asawa ko? Tumalikod ako na kahit papaano ay makakita ako ng ibang tao dahil pakiramdam ko ako lang ang tao rito. Nagsimula na akong mag panic. Sumigaw ako ng malakas kasabay ng pag-bigkas ko ng pangalan ni Dale. "Dale, baby, asan ka!? "Baby, where are you?" sigaw ko kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. Walang sumasagot sa pagsigaw ko. Umiyak lang ako ng umiyak, hindi ko mapigilan ang pakiramdaman ko. Hinayaan ko nalang na tumulo ang luha ko upang mabawasan ang kaba at takot. Wala akong dala kahit ano, lalong wala akong cellphone. Mabuti pa at may suot pa akong damit sabay tingin sa aking sarili. Nakasuot ako ng isang bulaklakin at pulang bestida na lampas sa tuhod ko at pinaresan ng kulay kayumangging flat na sapatos. Maganda pa rin naman ako sa kabila ng nangyari. Malaking pasalamat ko sa Diyos na wala akong sugat at pasa. Sa tingin ko mga alas-dose na ng hapon dahil natapakan ko ang aking anino ng tumayo ako kanina at mainit ang singaw na nanggaling sa buhangin. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil maiiyak na naman ako. Ngunit bumuhos muli ang aking mga luha ng sunud-sunod. Nakasandal pa rin ako sa puno, niyakap ko ang mga tuhod saka impit na umiiyak. "Dale asawa ko, nasaan ka? "Daddy, Mommy help me!" Sige pa rin ang luha ko sa paglandas sa aking pisngi. Hirap isipin ang nangyari sa amin ng asawa ko. Nagbibiyahe lang naman kami papuntang Amerika na magkasama ngunit ngayon ay mag-isa ako dito. Ibig sabihin ako lang ba ang nahulog dito? Napahagulgol muli ako ng iyak. Gusto kong tumayo upang hanapin kung saan bumagsak ang eroplano na sinakyan namin at hanapin siya ngunit di ko magawa. Dahil sa pagod ko kakaiyak ay nanghina ako. Dagdag pa na wala pa akong kain. "Paano na ito, ano ang kakainin ko?" sabay lunok sa sarili kong laway. Tumingin ako sa paligid ngunit walang bakas na may tao. "May umaabot kayang mga tao dito baka sobrang malayo na?" Tanong ng utak ko. Iginala ko ang aking paningin at namataan ko ang isang bubong sa malayo na naabot ng aking paningin. Nangangahulugang kailangan ko pa ng bangka o speed boat upang makarating sa nakikita ko ngayon. Habang nag-iisip, ay may nakita ako na mga mangingisda na parating. Nabuhayan ako ng loob, inayos ko muna ang aking sarili saka tumayo. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at kumaway para makita ako. Tumalon-talon pa ako para maagaw ang kanilang atensiyon. Lumapit sila sa akin nang makita ako na kumakaway sa hangin. Mabilis silang nakarating sa aking gawi. Bumaba sila mula sa kanilang bangka at tiningnan nila ako na may mga tanong sa kanilang mga mata. Hinintay ko sila hanggang sa pampang kung saan ako nakatayo mismo. Lima silang mga lalaki, bahala na basta matulungan nila ako. Napakabilis ng kanilang lakad upang malapitan ako agad. Kumunot pa ang noo ng isa habang pinagmamasdan ako. "Hello, ako si Sophia", pagpakilala ko sa kanila. "Ang naalala ko ay sumakay kami ng asawa ko sa isang eroplano patungong Amerika para magbakasyon ngunit ngayon ko pa lang nalaman na naaksidente kami. Marami kaming nakasakay ngunit ako lang ang narito. Nawawala ang asawa ko hindi ko alam kung saan banda bumagsak ang eroplano. Maaari niyo ba akong tulungan?" Pagmakaawa ko sa kanila kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. "Ah Miss, kung gustuhin mo samahan ka namin sa presinto upang doon ka na lang magpaliwanag," sabi ng isa sa kanila. "Halika ka sumama ka sa amin." Walang alinlangan na sumakay ako sa speed boat nila patungo sa presinto. Mabilis ang takbo ng speed boat at malamig na ang hangin na dumadampi sa balat ko kahit mainit ang araw. Agad kinausap ng isang lalaki ang isang pulis sa presinto. Nang makita ako ay agad na nagsilapitan sa amin ang ibang mga pulis. "Mangyaring pakainin niyo muna at painumin ng tubig kasi iba na ang itsura," sabi ulit ng lalaki. Pagkatapos ay nagpaalam na sila sa akin, nagpasalamat naman ako sa kanila bago sila tuluyang umalis. Maluha-luha kong ibinahagi sa investigator ang tungkol sa nangyari lalo na ang pagkawala ng aking asawa. Nagbigay din ako ng lahat ng impormasyon na kinakailangan sa paghahanap ng bangkay ni Dale kung sakaling may nangyari sa kanya. Tuluyan na akong napahikbi sa isipang namatay ang asawa ko. Nataranta ang investigator sa nakita at pinakalma ako. Agad nag-utos ang kanilang Pinuno na galugarin ang teritoryo na sinasakupan ng dalampasigan kung may matagpuang labi. "Miss, habang nagsasagawa kami ng operasyon sa nangyari sa inyo, baka alas tres ng hapon ibabalik kayo sa Pilipinas. Nakuha naman lahat ng gusto naming malaman dahil sa nangyari. "Tatawagan namin kayo tungkol dito at kung may matagpuan kami," sinabi ng Pinuno. "Mangyaring maghanap ng paraan upang hanapin ang aking asawa?" Pagmamakaawa ko habang umiiyak ako sa harap nila. "Opo Ma'am gagawin namin ang aming makakaya," sagot ng isang guwapong pulis na nag-aasikaso ng mga papel na pinirmahan ko kanina. "Maaari ba akong makitawag sa inyo, gusto ko tawagan ang Daddy ko?" Pakiusap ko sa mamang pulis. Mabilis akong pinagamit sa kanilang telepono at nakausap ko nga si Daddy ko. Hagulgol ang huling narinig ni Daddy sa akin pagkatapos ko siyang nakausap. Nalaman ng mga magulang ni Dale ang tungkol sa nangyari at ang kanyang pagkawala dahil tinawagan sila mismo ng pulisya dahil halos hindi na ako makapagsalita sa kakaiyak. Nakakalungkot na sabihing nawawala si Dale. Ipapaalam ng pulisya kung makita nila ang bangkay at kung siya man ay buhay o patay. Iyon lang ang narinig ko sa pulis na nakikipag-usap sa kanila sa telepono. Sila na rin ang nagsabi sa magulang ni Dale na ipahatid ako sa bahay namin. Sa sinabi nilang oras, dumating ang isang chopper para maiuwi ako sa bahay. Napatingin ako sa bintana habang pumapatak ang luha ko at patuloy lang tumutulo. Hindi ko mapigilan ang aking sarili kaya hinayaan ko lang ang masagana kong luha habang lumilitaw sa aking isip ang mukha ng aking pinakahihintay na asawa. "Baby, pakiramdam ko buhay ka," pabulong kong sabi. Ang puso't isipan ko ang nagsabi nito. Maging matatag ka saan ka man naroroon. Hihintayin kita! Habang iniisip ko siya ay nakatulog na pala ako. Nagising ako ng may tumapik sa aking balikat, nakarating na pala kami sa mansion ng Del Prada. Sa maluwang na garden ng-landing ang chopper. Tumayo ako upang bumaba nang makita ko ang aking mga magulang na naghihintay sa akin. Dahan-dahan akong bumaba habang nanginginig pa ang aking tuhod. Nang dumampi ang aking paa sa lupa ay tumakbo ako upang salubungin ang mga naghihintay sa akin ng yakap. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak na parang bata. Naramdaman ko ang paghaplos ng aking Mommy sa aking likuran upang ipaalam sa akin na nakikiramay sila. Narito rin ang mga in-laws ko at nagyakapan kaming lahat habang patuloy ang pagbagsak ng aking luha sa pisngi. "Maging malakas ka, hija, makikita rin natin ang asawa mo," sabi ng aking biyenang lalaki. "Salamat po, Daddy, naniniwala ako at naramdaman kong buhay siya," habang humahagulgol pa rin. Tiningala ko siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Bumaba ang tingin ko dahil ramdam ko na himatayin ako. Nasa kwarto na ako ng magkamalay ako. Nakabihis na ako at maayos ang aking hitsura. Pagkatapos ko mausisa ang sarili ay nakita ko ang larawan sa araw ng aming kasal. Tumulo ulit ang luha ko. "Miss na miss na kita, Dale." Nakaupo ako sa aking kama, nakasandal ang aking likod sa headboard at niyakap ko ang aking sarili. Humihikbi sa pag-aalala at pagkasabik sa aking asawa. Napasigaw ako ng malakas, sumigaw ako hangga't kaya ko. Pakiramdam ko ay nasalanta ako, ito ang unang pagkakataon na hindi ko siya nakikita. Sobrang namiss ko na siya. "Bakit nangyari sa atin ito, baby, bakit? "Mangyaring bumalik ka na sa bahay!" Halos nagwawala ako sa kama, ang mga unan ay nasa lapag na. Bumukas ang pinto ng aking silid, lumitaw ang aking Mommy at nakita ako sa sahig. Nakahiga ako at halos basa ang aking katawan sa sobrang luha. Nakita ko ang kanyang mga mata na umiiyak din habang nakatingin sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at bumulong sa tainga ko. "Hija, you can do it, be strong!" Pagkarinig ko sa lahat ng salitang iyon ay mas maraming luhang lumalabas sa aking mga mata. Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko nang pinakita ni Mommy ang pangangalaga niya sa akin. Tinulungan ako ni Mommy na bumangon mula sa sahig. Inakay niya ako sa kama, hinayaan niya akong mahiga. Basang- basa ang lahat ng aking damit. Kumuha siya ng isang maliit na basang tuwalya sa maligamgam na tubig at pinunasan ang aking buong katawan. Pinalitan niya ang aking damit na parang isang maliit na bata. Matapos niya akong linisin ay nakatuon pa rin ang aking mga mata sa kisame at humihikbi pa. "Oras na ng hapunan, hija, bumaba na tayo at kumain." Narito pa rin daw ang mga biyenan ko at dapat daw sila magpalipas ng gabi dito. Hindi pa rin ako gumalaw. "Mahal ka namin, hija, nandito kami upang suportahan ka. Mangyaring suportahan mo rin ang iyong sarili. Kung narito si Dale ayaw niyang makita kang ganyan. Maging matapang ka sa ganitong klaseng sitwasyon," mahabang paalala ni Mommy. Nanatili akong tahimik habang si Mommy ay nagsasalita pa rin. Alam kong namamaga ang aking mga mata dahil sa maraming luha ang nagmula rito. Napatingin ako kay Mommy ko at tinitigan ko siya ng matagal. Tumingin siya sa akin pabalik at tinanong ako. "Bakit?" Hindi ako nagsasalita, maya-maya ay bumangon ako mula sa kama at niyakap siya. Hinaplos niya ang aking likod at hinahagod ito. "Maging maayos din ang lahat, hija. Ngayon ay maaari na tayong bumaba at kumain," ani ni Mommy. Bumaba na kami at ang buong pamilya sa sala ay nakatingin sa amin, nakita nila ang pamamaga ng aking mga mata. Bumuntong- hininga si Mommy Carmella dahil sa aking itsura. Tahimik ang lahat hanggang sa binasag ng katahimikan ng aking Daddy. "Halina kayo, kakain muna tayo ng hapunan." Nang matapos kami ng aming hapunan, lumipat kami papunta sa sala para sa kape at panghimagas. Lumapit si Bea sa akin, ngumiti siya ng matamis. Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Mahal ka namin ate, tulad ng pagmamahal ng mahal kong kapatid sa iyo! "Huwag kang mag-alala, hindi pa natin alam kung patay na si kuya. Maliban lang kung mahanap ang kanyang katawan duon natin masasabi na patay siya. Kung buhay naman ay tiyak uuwi iyon dito. I missed him too," mahabang litanya ni Bea. "Oo, hija, maghihintay pa rin tayo ng mga anunsiyo mula sa pulisya. Bukod doon humingi kami ng tulong mula sa kaibigan ko na may connection sa InterPol at maging sa pribadong investigator upang mabilis na magawa ang operasyon. Huwag guluhin ang inyong sarili, kailangan nating suportahan ang bawat isa." Tumango ako bilang sagot sa sinabi ng ng aking mga biyenan. Marami pa silang napag-usapan ngunit hindi pa rin ako nagsasalita. Tulala ako sa kawalan, malayo ang tingin. I missed him so much at tumingin ako sa itaas at kumurap-kurap pa para mapigilan ang luha na gustong kumawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD