Mga Awit 62:8 "Magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras, kayong mga tao; ibuhos ninyo ang iyong puso sa kanyang harapan; kanlungan natin ang Diyos. Selah" ***** Dale's POV Agad akong lumapit sa asawa ko at nagmamadali ko siyang binuhat. Takbo ang ginawa ko para mabilis makarating sa naghihintay na chopper. Agad kong pinaupo ang asawa ko sa upuan saka ako sumampa. "Doon ako sa kabilang chopper, pinsan. Diretso na kayo sa Manila at keep safe. Tawag na lang ako kapag alam kong nakarating kayo." Tumakbo si JC sa kabilang chopper. Agad na nagtake off ang sinakyan namin gano'n din ang sinakyan ni JC. Binalingan ko ang asawa ko sa tabi ko na tahimik lang. Hindi siya umiimik, kinapa ko ang kanyang noo at leeg, inaapoy siya ng lagnat. "Please, bring us to the nearest hospital," sigaw ko sa

