Juan 16:21 "Ang babae ay may dalamhati kapag siya ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan dahil ang oras ng kanyang panganganak ay malapit na; ngunit kapag naipanganak na niya ang bata, hindi na niya maaalala ang sakit dahil sa kanyang kagalakan ng isang sanggol ay ipinanganak na sa mundo." ***** Dale's POV Inalalayan ko siya para makalabas kami ng kwarto at nagtagumpay kaming lumabas. Sa may pinto pa lang ay parang di na kaya ng asawa ko ang maglakad kaya kailangan ko na ng tulong. "Help, help!" Malakas kong sigaw mula sa ikalawang palapag ng mansion. Binuhat ko siya para bumaba ng hagdanan ng nakasalubong ko si Daddy. "What happened?" Nag-aalalang sigaw ni Daddy. "She is in labor. I called an ambulance already." Sabi ko habang patuloy na binabaybay ang hagdan pababa at nilampasan s

