2 Corinthians 10:4 Dahil ang aming sandata sa aming pakikipaglaban ay hindi makalaman. Sa halip, mayroon silang dakilang kapangyarihan para wasakin ang mga kuta. Dinadala nila sa wala ang mga maling pangangatwiran. ***** Dale's POV Naglalakad kami pabalik at nagtungo sa nakahanay na mga manlalaro. Dahil pormal ito na sports ay kailangan nilang awitin ang kanilang pambansang awit. Nagsimula na silang itaas ang kanilang watawat. Ginala ko ang aking mga mata at maraming tao ang nakapaligid sa amin na nanonood kasama ang mga cheerers ng mga bawat manlalaro. Napangiti ako ng lihim ng makita ko ang asawa ko na kausap si Jane Chen, ang girlfriend ni Mister Ooi. Siya ay petite type, maganda, maputi at Chinese ang dating dahil singkit ang mga mata. Siya ay long time fiance ni Mister Ooi. Mi

